Chapter- 5

1782 Words
SAMANTALA ay walang kamalay malay ang mga tao sa mansion Mondragon na may isang aninong nakapasok. Mabilis ang kilos na dumritso si Yza sa isang kwarto. Pagkapasok ay sumandal lang sa wall si Yza na pinagmamasdan ang super tycoon na si Arthemio. Papaano kung isa siya sa mga killer, mga walang kwentang mga taohan at nalulusotan. Naalipungatan ang matanda sa kakaibang amoy. Bumangon ito at hinagilap ang eyeglasses sa side table. Tumayo ito at lalabas sana ng mandilat ang mga mata na napatingin sa kanya. Mabilis na natakpan ni Yza ang bibig nito bago pa makasigaw. "Sir please listen to me, kaibigan ako ng anak ninyo at may ipinabibigay siya sa inyo." Iniabot niya dito ang puting sobre na mabilis na tinanggap iyon. Nagmamadaling naupo at ini on ang lamp na nasa gilid ng kama. Pagkatapos basahin ay tumigin sa kanya ito.. Mabilis ang kilos ni Yza na inilabas ang lighter at sinindihan para sunogin ang papel. "Bilin ho ng inyong anak na h'wag kayong magtitiwala sa kahit sino. Lalo na sa mga investor at mga tao sa loob ng kompanya. Sa araw ng pagpapalit ng CEO ay darating ho siya." "Salamat iha." Matapos makapag paalam ay nilisan na niya ang lugar. Nagpasya na magliwaliw muna at magshopping bago bumalik ng bahay, sa lugar kung saan sila pansamantalang nagtatago. Nasa isang isla sila sa parte ng Nasugbu Batangas, sakay ng speedboat ay pakanta kanta pa siya. Thirty minutes travel kaya isinandal niya ang likod at hinayaang liparin ang mahabang buhok. At nang malapit na siya sa patutunguhan ng tumigil siyang sandali. Hawak ang telescope ay iginala ang paningin sa palibot ng isla. Kinabahan siya ng mamataan ang isang malaking speedboat na naka hinto malapit sa isla kung saan ay naka stay sila ng binata. Panganib agad ang kaniyang naramdaman para kay Andrei. Halos paliparin ang speedboat na gamit patungo sa ibang direksyon. Sa lugar na hindi mapapansin kung sino man ang sakay ng malaking speed boat."Please Andrei be safe ang wait for me." bulong niya sa hangin. Pagka hinto ay mabilis na tinalon niya ang pang pang at patakbo ng umikot sa may batohan. Iyon ang usapan nila ng binata incase of emergency dito siya tatakbo para magkubli. Pumasok siya sa cave, at napaka dilim ng paligid kaya hindi niya maaninaw ang loob. Mabilis na kinuha ang mga baril na nakatago doon at agad na nilagay sa katawan. Pati na ang mga maliliit na weapon ay mabilis na isinabit sa parting harapan. Mabuti na lang bago sila dumatings a lugar na yon ay nakapagbilin siya sa mga kasamahan agent at hindi nakalimutan ng ilagay doon ang mga iyon. "Andrei!" tawag niya dito pero walang sumasagot. Ginalugad niya ang loob at walang ito doon. Isang putok ang umalingawngaw kaya napa takbo siya palabas. Pagapang na lumapit sa pinanggalingan ng putok. "s**t! Wala siyang pagpipilian kailangan niyang iligtas ang binata at wala na siyang oras. Jump on the air, sabay bunot sa magkabilang tagiliran ng 45 pistol. Pabagsak na nagpagulong gulong at binaril agad ang taong may hawak ng baril na nakatutok sa ulo ng binata. Bagsak ito at siya ay gumulong sa lugar ni Andrei na kinagulat ng binata pagkakita sa kanya nito. "Go! sigaw niya dito, hindi naman tuminag ito kaya’t muli niyang sinigawan. "Go! Sa cave! Bilisan mo!” Isa pang malakas na sigaw kasabay ng pagbulagta ng dalawa pang lalaki sa harap nito. Saka lang ito kumaripas ng takbo. Kaya lang ay may bumaril dito at tinamaan sa kaliwang likod. Bumagsak at gumulong gulong sa bangin nang cave, kitang kita niya iyon. Sobra ang galit na kaniyang naramdaman kaya sunod-sunod niyang pinalipad ang mga gamit na hugis star. May pang pa manhid iyong pag humalo na sa dugo. Walang inaksayang oras na tinungo agad bangin. Doon niya nakita ang na nahulog ang binata. Naabutan niya itong hirap gumalaw. "Andre, humawak ka sakin please hurry baka maabutan nila tayo." Halos pagapang na sila para makapasok sa maliit na butas doon. Ito lang ang pinaka safe. Maingat na tinulungan makaupo pasandal sa isang bato at saka niya hinarangan ang butas ng mga bato para hindi sila basta mapansin sakaling pasokin sila sa cave ng mga bandido. Hindi sila masyadong magkakitaan sa isa’t-isa dahil madilim. Kaya halos nangangapa na lang si Yza. “Mr...ahm, Andrei ang sugat mo, kailangan kong alisin ang bala diyan para tumigil ang pagdurugo ng sugat mo. At masakit iyon dahil walang anesthesia kaya sana ay makaya mo. Kaya mo bang tiisin ang sakit? Itinaas niya ang hawak na swiss knife, habang naghihintay ng sagot mula sa binata. “Okay, sige, go ahead.” nakangiwi niyang sagot dito. At nang simulan na ay halos mapa hiyaw sa sobrang sakit ng hiwain ang kaniyang balat. Ramdam na ramdam niya ang hapdi, ngunit kailangan niyang kayanin. “F*ck!” “Shhh,” gamit ang daliri ay lumapat sa labi ng binata. “Paki bilisan dahil sobra ang sakit.” “Tiisin mo please at huwag kang masyadong maingay.” “Ikaw kaya ang hiwain ng walang anesthesia?” narinig ni Yza na reklamo nito. Ilang oras pa ang lumipas at nanatili sila sa loob ng cave. Kaya nag desisyon siya na lumabas. “Please stay here at huwag kang lalabas.” kaya walang nagawa at napatango na lang siya. Ilang oras pa ang lumipas ay wala pa rin ang dalaga. At nag aalala na siya dito, kailangan niyang gumawa ng move walang mangyayari kung maghihintay ang siya sa walang kasiguraduhan. Sa palagay niya ay madilim na sa labas at anumang oras ay taas na ang tubig. Kailangan niyang makalabas dito bago pa siya kainin ng tubig. Palabas nang cave ay may naulinigan siyang mga yabag kaya umatras siya at nakiramdam sa paligid. Ngunit bumungad ang nag aalala na mukha ni Yza. “What are you doing? diba sabi ko wag kang lalabas?” Galit itong tumingin sa kanya. Kaya hindi napigilan ay nagpanting ang tainga ng binata sa narinig. “Malay ko bang babalikan mo pa ako dito! At tingnan mo nga ang tubig mataas na! Ano, hihintayin ko na lang na mamatay ako dito?” galit na galit nitong hinarap siya. “I'm sorry, hindi ko naman sinasadya na sigawan ka, nag alaala lang ako dahil hindi tayo pwedeng lumabas dito, nandyan pa ang mga bandido.”Lumambot naman ang expression ng mukha ni Andrei. Pero wala tayong choice mataas na ang tubig. Paikot Ikot si Yza sa loob ng cave at naghahanap ng pwede nilang malabasan. Dahil hanggang dibdib na nila ang tubig. “Kaya mo bang sumisid ng tatlong minuto sa ilalim ng tubig? iyon lang kasi ang chance natin para makalabas dito.” tanong niya sa binata. “I will try, ikaw papaano ka?” “Ako na bahala sa sarili ko basta sundin mo lang ang sasabihin ko, paglabas mo ng cave kakaliwa ka, double time. Hindi ka maaaring lumitaw sa ibabaw ng tubig hanggang hindi lumilipas ang tatlong minuto at nasa likod mo lang ako.” Umabot na sa bibig nila ang tubig. “Let's do it Andrei, make it sure na hindi ka lilitaw sa ibabaw para hindi nila tayo makita.” Nag aalala ang mukha ng dalaga na tumitig sa kanya, “please be safe.” wika pa nito. Kaya tumango agad na tumango siya. Mabilis na sumisid silang dalawa pero hindi inaasahan ni Isabell na makipot pala ang daan. Dahil sa malaking bato na nakaharang dito. Kung iikot pa sila ay kakapusin sila ng oras at hininga. Napansin niyang lumingon sa kaniya si Andrei at suminyas na hindi siya kakasya. Kaya ang ginawa niya ay umuna siyang pasok sa butas at hihilahin na lang niya ito patagilid para kumasya sa butas. Nakalusot na siya at sininyasan itong lumusot din agad. Iniuna ni Andrei ang dalawang kamay at tumagilid sabay hawak ng mahigpit ni Isabell para hilahin ito. Masikip ang butas kaya hirap siya na hilahin ang binata, kailangan nila ng hangin. Kaya mabilis na umakyat sa taas para sumagap ng hangin. Pagkatapos ay sumisid rin pabalik, mabuti na lang hindi siya napansin ng mga bandido. Idinikit niya ang labi sa labi ni Andrei para bigyan ito ng hangin. At pagkatapos ay malakas na hila ang ginawa niya dito. At narating nila ang lugar, doon ay safe na sila. “Are you okay Andrei? “Yeah, i'm fine,” hindi mapigilan ang panginginig ng boses. Dahil ba sa lamig o dahil gawa ng sugat na nabasa ng tubig alat. Worried na lumapit si Yza, dito para salatin ang noo nito. “Andrei,” tawag niya dito pero nakapikit ito at hindi man lang sumagot kaya hinayaan na lang niya. Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam na rin siya ng pagod kaya pumikit at agad na nakatulog. Naalimpungatan at tuluyan siyang nagising, kaya lumapit sa binata at sinalat muli ang noo nito. “Andrei, lalabas ako at titingnan ko kung wala na sila para maka alis na tayo dito.” at maingat na dinampian ng halik ang pisngi nito bago tumayo. Nangiti naman ng lihim si Andrei sa ginawang pag halik nito sa kaniya. Kahit sa pisngi lang iyon ay masaya na siya. “Thank you,” pa bulong niyang sabmbit sa hangin, hanggang muling nakatulog. At ginising siya nito ng dumating ito. “Andrei, kailangan na nating umalis bago tayo abutan ng liwanag, magbihis ka na din at inumin mo ito.” abot sa kaniya nito ng tuyong damit at gamot. At bago pa sila umalis ay tinurukan siya nito ng injection para raw sa anti-tetanus. Few Hours later… Isang lalaki ang sumalubong sa kanila at may inabot na envelope. “Iyan ang passport niya at ilang cards na binigay ng Senior, my sulat din diyan. At matapos magpasalamat ay agad na hinila siya ni Yza palayo sa lugar. Hoody ang suot ni Andrei, para hindi siya makilala ng mga tao. Sakay ng private plane patungong england at doon muna sila mag i -stay pansamantala. Nakahilig ang ulo niya sa balikat ni Yza dahil mataas na ang kaniyang lagnat. Hinubad na din ng dalaga ang suot na jacket at ipinatong sa katawan niya. Narinig din niyang humingi pa ito sa staff ng kumot. “Gusto mo ba na mahiga muna?” tanong ni Yza sa binata. “No, gusto ay dito lang ako sa tabi mo.” mabilis na sagot ni Andrei. Kaya ang ginawa niya ay mahigpit na niyakap ito para mabawasan ang panginginig ng katawan. Lumipas pa ang ilang minuto ay naramdaman niya nang tulog na ang katabing lalaki. “Yza…Yza…” narinig niyang tinatawag siya nito ngunit nang silipin niya ay masarap naman ang tulog. Hindi na rin niya napigilan ang antok at sumandal na rin sa binatang payapang natutulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD