SI Yzabelle ay patakbo nang lumabas mula sa kwarto at pumasok sa kabilang silid. Mabilis na nagsuot ng black over all leather ganun din ang boots at itinali ang mahabang buhok. Inilagay ang dalawang baril sa magkabilang baywang. Gano’n din ang mga maliliit na bagay na matalim ay ikinabit niya sa may dibdib. Ang huli ay ang hunting knife ay nilagay sa gilid ng binti na nakapaloob sa may boots. Bitbit ang malakas na baril ay bumalik sa guest room at kitang kita niya ang pagkabigla sa mukha ng binata.
"Oh thank God at gising ka na, kaya mo bang tumayo? Don't worry aalalayan kita, kailangan nating makapunta sa safe na lugar at wala na tayong oras."
Hindi na niya hinintay na sumagot ito at hinablot ni Yzabelle ang paubos nang dextrose saka itinapon sa ilalim ng kama.
Kahit nagugulohan ang binata pero sinunod pa rin niya ang mga sinasabi nito. Hirap na hirap siyang maglakad dahil sa mga sugat kaya naka alalay sa kaniya ang dalaga. At pagtapat nila sa malaking frame ay may pinindot ito at biglang bumukas iyon. Isa iyong hagdanan na pababa sa madilim na basement.
"Please bilisan mo," kaya kahit napangiwi siya ay tiniis na lang ang sakit.
"Where are we going?" hindi nakatiis ay tanong niya sa dalaga.
Napalingon si Yzabelle nang magsalita ang binata. Napakaganda ng boses nito kaya lang hindi ito ang tamang oras para siya ay kiligin. Pagdating nila sa loob ay mabilis ang kilos na inihiga niya ito doon.
"Mr. Mondragon, iiwan kita dito at kahit anong mangyari huwag na huwag kang aalis. Kahit ano pa ang marinig mo, basta dito ka lang."
Hindi pa man lang siya nakaka sagot ay tumayo na ito para iwan siya.
"Ms, saan ka pupunta at ano ba ang nangyayari?" nag panic na tanong niya rito.
"Call me Yza, Yza-Isabel Buena Vista, iyan ang full name ko. Please listen to me, nanganganib ang buhay mo kaya makinig ka sa akin, okay?"
Magsasalita pa sana siya ng bigla itong maglaho sa kanyang paningin. Magulo ang isipan tungkol sa mga sinasabi ng dalaga. Bakit siya nanganganib at sino ang babaeng ito bakit siya nito kilala.
Minabuti niyang manahinik at sumandal na lang sa pader.
Ngunit malakas na putukan ang kaniyang naririnig sa labas. At hindi niya maiwasang mangamba para sa dalaga.
Gustuhin man niyang kumilos kaya lang hindi niya magawa. Mahigpit ang bilin sa kaniya na huwag lalabas doon. What ever happen ay dito lang siya, iyon ang bilin sa kaniya.
Nakaramdam tuloy ng inis sa sarili na wala siyang magawa. Hindi man lang siya makatulong at naging pabigat pa dito. Masyadong madilim ang basement na kinalalagyan niya. Masakit na din ang kaniyang mga binti sa pagkaka baluktot sa loob ng closet.
Almost thirty minutes na ang lumipas at ngalay na ngalay na din siya. Kaya nagpasya na lumabas doon para makaunat.
Medyo na relax naman ang pakiramdam ng maunat ang katawan.
Kaya lang biglang bumukas ang pintuan ng basement. Papasok sa siyang muli sa loob nang closet ng makilala niya ang dalaga. Hirap itong maglakad kaya nakaramdam siya ng takot para dito.
"Mr. Mondragon!" hindi nakaligtas sa pandinig niya ang boses nitong tila nahihirapan. Nang bigla itong natumba sa sahig, kaya kahit hirap na hirap siya ay sinikap na maka lapit dito.
"Ms. Yza, are you okay?"
Kaya lang hindi na ito sumagot at kahit madilim ay aninag naman niya ito.
".….Ms. Yzabelle!" niyugyog niya ang katawan nito. Nang may makapa siyang basang malagkit na likido. Pinilit niyang tumayo para hanapin ang switch ng ilaw. Sa may bandang pintuan niya iyon nakapa at nagliwanag ang paligid. At napatakbo siya ng makita ang kalagayan nito. Naliligo ito sa sariling dugo.
"Please gumising ka!" Nalilito siya kung ano ang gagawin kaya lang ay wala siyang pagpipilian. Sigurado siyang malala ang tama nito at hindi maganda ang kalagayan ng dalaga. Kaya kailangan na mapa tigil niya ang pagdurugo ng mga sugat or else baka mamatay ito.
Kaya’t kahit hirap din siya sa pagkilos ay tinitiis ang sakit ng mga sugat at pinilit niyang buhatin ito subalit biglang gumalaw ito.
Itinaas ang kamay, "d-don't m-magdudugo a-ang s-sugat mo." paputol putol niyong paliwanang sa kaniya.
"Pero kailangan mong magamot!" sobrang pag alaala ang kaniyang nararamdaman para sa dalaga. Hindi siya papayag na may masamang mangyari dito.
"S-sige, a-lalayan m- mo l-lang ako." Hirap silang pareho sa paglalakad.
Malapit na sila sa pintuan ng biglang bumigay ang mga tuhod ng kasama. Kaya sa sobrang takot ay nag desisyon siyang buhatin na ito. Kahit na hirap dahil sa mga sugat ay ipinagpatuloy ang pag akyat sa hagdan.
At pagdating sa loob ng kwarto ay magulong magulo ang buong silid. At nagka butas butas ang dingding dahil iyon sa tama ng mga bala. Maingat na inihiga niya ang katawan nito sa kama at kahit hirap maglakad ay bumaba para hanapin ang first aid.
Kahit saan siya lumingon ay buong kabahayan halos mawasak. Ang lahat ng gamit ay basag basag rin at halos wala ng maaari pang pakinabangan. Nang makita ang hinahanap ay mabilis na bumalik sa loob ng kwarto.
"Ms. Yza," tapik niya sa balikat nito. Subalit walang sagot mula dito. Kaya hindi na nagdalawang isip ay hinubaran niya ng damit ito.
"Oh, Jesus!"
Malapit sa breast ang tama ng bala. Hinila pa niya pababa ang overall ng makita kung saan pa ang mga tama ng bala. Malapit sa maselang bahagi ng katawan nito. Mabilis ang kilos na iniwan saglit ang dalaga. Nagtungo sa ibang kwarto para humanap ng damit na maaaring masuot nito.
"I'm sorry Ms. Yza, pero kailangan kung gawin ito."
Inalis niya lahat ng saplot nito sa katawan at kahit nasa ganoon silang sitwasyon ay hindi maiwasang mag init dahil sa mga nakikita.
"Stop it Andrei, hindi ito ang tamang oras!" saway niya sa sarili. Tinalian niya ng mahigpit ang hita nito na may tama ng bala. Hindi maiwasan na ma touch niya ang maselang bahagi ng katawan nito at nag iinit na naman siya.
"Tangna talaga itong buddy niya nakasaludo na naman." Kaya ang ginawa ay binilisan niya ang ginagawa at hinanap ang phone nito. Saka agad na dinayal ang last caller.
"Hello agent Yza?"
"Eherm, hindi ito si Ms. Yza, but i need your help, she's in critical condition at kailangan n'ya ng doctor.
"Who are you?”
"Matthew Mondragon."
"Hold on." narinig niya ang sagot ng kausap. At hindi naman nagtagal ay narinig na niya itong muli sa linya.
"Within fifteen minutes darating dyan ang family doctor niya."
"Okay, salamat.”
Matapos isara ang phone ay binalikan ang dalaga at hinawakan ito sa kamay.
Bakit ganito ang takot niya sa maaring mangyari dito.
Habang naghihintay sa pagdating ng doctor ay pinagmamasdan ang dalaga. Kung wala ito ay malamang na pinag lalamayan na siya ngayon. Bakit nito tinaya ang sariling buhay para sa kaniya? Sino ba talaga ang babaeng ito at ano ang kaugnayan nito sa kaniya, bakit siya nasa lugar nito?
"Senorita Yza!" narinig niya ang malakas na boses ng ginang na humahangos. May dalawa itong kasama na nakasunod dito. Habang papasok ng silid na kinalalagyan nilang dalawa.
"Where is the doctor?" hindi siya nakatiis ay agad na nagtanong. At hindi sinasadya ay napatingin siya sa isang lalaking naka white polo shirt. Sa palagay niya ay magka edad lang sila.
"Yes, I am her physician at matalik na kaibigan.”
Subalit hindi siya naniniwala sa sinasabi nito. Kaya nang akmang hahawakan ang katawan ng dalaga ay agad na tumutol siya. Hindi siya makakapayag na may ibang lalaking makaka hawak o makakita ng katawan nito, no! Never! Kaya humarang agad siya at malakas na sumigaw.
"Stop! And don't touch her!" Mabilis na nag-dial muli, kailangan niya ay doctor na babae.
"Hello, ang kailangan ko ay doctor na babae!" halos mag eco ang kaniyang boses sa kabuuan ng silid. At kahit kitang kita niya ang galit ng lalaki sa kaniya ay hindi niya iyon alintana. Pakialam ba niya sa lalaking ito huh!
Subalit halos kalahating oras na ang lumipas ay hindi na nakatiis ang binatang doctor.
"What is the problem man? At sino ka ba para pagbawalan ako? Gusto kong sabihin sayo na buhay ni Yzabelle ang pinag uusapan dito! She’s a critical condition, kaya tumabi ka riyan!" Galit itong nilampasan siya at sinubukang uumpisahan na i-check ang katawan ng dalaga.
"I said don't touch her!" Kasabay ng malakas niyang suntok sa mukha nito ay pasadsad na bumagsak ito sa sahig.
Samantala ay halos mag liyab ang mata sa galit ng doctor. At gagantihan sana siya nito ng dumating ang babaeng doktora. At pinalabas silang lahat pero hindi siya lumabas.
"I need to know what her condition doc, may dalawang tama siya ng bala. Ang isa ay malapit sa breast at sa maselang bahagi ng ibaba niya." Siguro ay naunawaan naman agad nito ang sinasabi niya.
"Kaya pala ayaw mong ipagalaw kay doctor Whisley ang katawan niya? Anyway mabuti at nagawa mong talian at mapa tigil ang pagdurugo ng sugat niya. Otherwise baka kailangan niyang masalinan pa ng dugo."
“Sa totoo lang wala po akong alam sa medical pero iyon lang ang naisip ko.”
“Sige ako na ang bahala dito.”
Bago pa siya lumabas ay minsan pang sinulyapan ang walang malay na dalaga.
"Please take care of her doc," at lumabas na siya.
Sa labas ay hindi naman umiimik ang matandang babae. At marahil ay asawa nito ang matandang lalaki na katabi nitong nakaupo. Napasandal siya sa wall at nakaramdam ng nanghihina.
"Sir ang sugat ho ninyo nagdurugo!"
Inalalayan siya ng matandang lalaki para igiya sa sofa.
"Sir sa palagay ko kayo ang target ng mga armadong umataki dito. Nagkalat ho kasi sa mga news paper, social media at sa tv ang nangyari sa inyo."
Naguguluhan siya dahil wala siyang kahit anong matandaan kung ano ang totoong nangyari sa kaniya. At kung bakit napadpad siya sa lugar na iyon ay hindi niya alam.