bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

book_age18+
10.9K
FOLLOW
64.6K
READ
billionaire
possessive
forced
heir/heiress
tragedy
bxg
city
rejected
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Mathew Andrei Monteverde Mondragon is the only heir to their multi-billion company. He’s handsome, successful and insanely rich at the age of 32. He’s the perfect definition of a dream man. But not once did he gave any attention to any of them but because of his lack of interest on dating. His father decided to interfere and forced Mathew to marry the daughter of his friend in which the latter immediately disagreed but his father was too persistent that he had to leave and escape him for awhile. And so he flew on his private jet even though the weather wasn’t looking nice and there he unexpectedly met an accident and crashed on an island.

*

Isabell Buenavista is a 28 year-old surgeon but is built like a supermodel. Her perfectly gorgeous face that any magazine would want to put on the front page made it difficult for people to believe her profession. But then an incident happened on Isabell’s life that forced her to quit being a surgeon and become a CIA agent as a way to avenge herself to the very people who ruined her.

She was currently on a vacation in Isla Buena Vista when suddenly there were news of a plane crash in the island. And as a doctor who pleaded to save lives before, she immediately jumped to save the people involved in the accident. It was a man who was severely wounded and needed immediate attention and so Isabell did not hesitate to save him. Not knowing that the man he just helped is one of the most eligible bachelor of the country and his name is all over Forbes magazine; the one and only heir of Monteverde-Mondragon group of companies.

*

Sila ang dalawang taong pinagtagpo sa tamang oras upang maisalba ang buhay ng isa. Subalit paano kung ma-fall sila sa isa’t-isa. Ngayon na nakatakdang ikasal ang binata sa iba?

chap-preview
Free preview
Chapter- 1
CHAPTER- 1 HUMARANG sa kanyang harapan ang driver bodyguard upang pigilan siya sa pag-alis. "Sir hindi ka maaaring umalis ngayon dahil napakadilikado ng panahon at may paparating na bagyo."Subalit hindi niya ito pinakinggan at gagawin ang kaniyang gusto. Hinila ang traveling bag na palagi niyang dala sa tuwing lilipad siya. Lahat ng madaanang mga bodyguard ay sinusubukan na pigilan ang pag alis niya. Ngunit galit na galit siya at halos manuntok na sa inis. Kaya walang nakahadlang sa kaniya kahit sino pa ang humarang. "Tumabi kayo dyan! Kundi sasamain kayong lahat sa akin!" angil niya sa lahat ng mga tauhan na gustong humarang sa kanyang dadaanan. Mabilis ang kanyang mga hakbang para hindi din abutan ng ulan. Kailangan ay makaalis agad siya ng bahay at ng makaiwas sa paparating na bagyo. Dapat ay makarating agad sa pupuntahan bago pa mag deklara na kanselado ang buong flights. Siya mismo ang piloto sa pribadong eroplano nilang ng ama. May piloto naman sila pero mas gusto niya na siya ang magdala lalo sa pagkakataong ito. Habang nasa himpapawid ay hindi niya maiwasan balikan sa isipan ang naging pagtatalo nila ng ama. 'No! I said! Walang kasalang magaganap, hindi ko hahayaan na i-manipulate mo ang buhay ko! I'm old enough dad, para ikaw ang mamili ng babaeng pakakasalan ko! Simula ng mamatay si Mommy lahat ng gusto mo ay sinunod ko! But this time, ako naman ang masusunod!" nakita ko ang pag kuyom ng kanyang kamao. Mapula na rin ang mukha ng ama sa matinding galit at parang gusto na siyang suntokin nito. "Bastard! huwag mong ubusin ang pasensya ko Mathew Andrei! Bata pa lamang kayo ay itinakda na ang kasal ninyo! Ngayon ang tamang panahon para sa pag iisang dibdib niyo ni Beatres!" "Hindi dad, hinding hindi ako magpapakasal sa kanya! Magpapakasal lang ako sa babaeng mahal ko!" galit kong pahayag kay daddy. "Tandaan mo Mathew, pag sinuway mo ang mga salita ko ay wala kang mamanahin kahit isang kusing! Lahat ng cards mo na konektado sa akin ay ipapa hold ko. At hindi ka na makatapak pang muli sa lahat ng pagmamay-ari ko!" "Fine! gawin mo dad, hindi ako natatakot kahit wala kang ipamana sa akin!" lumaki na rin ang boses ko dahil sa inis na nararamdaman. Binunot niya ang wallet at hinugot lahat ng cards pagkatapos ay inilapag sa harapan ng ama. Connected iyon sa lahat ng company na pag aari ng kanyang ama. Nagbalik ang isipan niya sa kasalukuyan ng may maramdaman na kakaiba. Halos umikot ang pribadong eroplano na dala niya sa lakas ng hangin. May kasamang malakas din na ulan at nahihirapan siyang kontrolin iyon. Nag signal na ang emergency light ng eroplano at kailangan niyang mag emergency landing at delikadong ma-crash iyon. Ilang minuto lang ang nakalipas ay biglang tumagilid ang eroplano at nagsimula na siyang makaramdam ng nerbyos. Kaba na may kasamang takot dahil masyado pang malayo ang isla na maaari niyang babaan. Wala siyang pagpipilian dahil sobrang lakas na ang hangin at ulan. Naging mabilis ang pagbulusok ng eroplano, ito na siguro ang kanyang katapusan. Tumulo ang kanyang luha at umusal na lang ng panalangin. "Patawarin mo ako lord sa lahat ng naging kasalanan ko at sana ay patuloy mong gabayan ang aking ama. I'm so sorry dad, alam kung naging suwail akong anak…. I love you dad." Iyon ang huling salitang sinabi niya bago nagdilim ang buong paligid niya. SAMANTALA ang ama na si Senyor Arthemio ay palakad lakad sa kabahayan. Naiinip na sa hinihintay na tawag mula sa inutusang tao. Takot at pangamba kung ano na ang kalagayan ng anak sa ngayon. Sana lang ay ligtas ito. Nalaman niya sa mga bodyguard ng anak na hindi ito nagpipigil at dumeretso ng lipad. Kahit ipinaalam sa anak na parating ang malakas na bagyo. Dalawang oras na ang lumipas pero wala pa ding natatanggap na tawag, kaya minabuti niyang buksan ang tv. Nanghilakbot at halos himatayin ng marinig sa balita ang pagsabog ng eroplanong pagmamay-ari niya. "No! Mathew, anak!" sigaw niya habang unti-unting napaluhod sa tabi ng sofa. Biglang nanikip ang kanyang dibdib at mahigpit na napahawak sa upuan. Samantala ay mabilis na dinaluhan ng mga kasambahay ang kanilang amo ng makita ang senyor sa ganun kalagayan. "Bilis tawagin nyo ang family doctor!" sigaw ng mayordoma sa bodyguard ng amo na si Manang Loling. A few minutes later... Dumating ang doctor na tinawagan ng isang kasambahay. At matapos nitong suriin ang senyor ay agad na lumapit dito si Manang Loling. "Doc, ano ho ang lagay ng senior?" Mabilis na tanong niya sa butihing doktor. "He’s fine now, kailangan lamang ay mag double ingat siya. Hindi dapat mabigyan ng maaaring makapag pa stress sa kanya dahil medyo mahina ang puso ng senior." “Salamat ho, lagi namin tatandaan kung ano ang mga bawal sa kanya.” ani pa ni Manang Loling bago nagpasalamat siya dito.. Pagkatapos maibigay ng doktor ang buong detalye at ang importanteng mga gamot na kailangan ng senior ay umalis na ito. SA Isla Buena Vista, ilang oras pa ang nakalipas ng maganap ang pagsabog mula sa gilid ng karagatan! Napatakbo si Aling Magda sa tabi ng bintana upang alamin kung saang banda ang sumabog. Pagkatapos ay ginising niya ang natutulog na asawa. "Tasyo, gising alamin mo nga kung ano ang malakas na sumabog sa bandang dalampasigan" bilisan mo at baka mga mga taong nasama sa sumabog na yon . "Sige aalamin ko at wag kang lalabas hintayin mo ako dito." "Sige at mag ingat ka." Masyadong malakas ang ulan na may kasamang kulog at kidlat. Kaya kailangan ni mang Tasyo na magsuot ng kapote at bota bago lumabas ng bahay. May kalayuan din ang dalampasigan kaya binilisan niya ang hakbang. Halos isang oras din lumipas bago nakabalik ng bahay si Mang Tasyo, kasama ang dalawang kapitbahay at isang lalaking sugatan. Masarap na ang tulog na ang kanyang asawa na si Magda. "Magda!" sigaw niya sa asawa dahil tanaw lang ang nakabukas na pintuan ng kwarto nila. Napabalikwas naman agad ng bangon at nagmamadaling lumabas. "Bilisan mong ayusin ang papag at latagan mo ng banig. Kailangan malapatan ng gamot ang lalaking ito. Kayong dalawa iakyat nyo doon at ihiga ang lalaking iyan." Utos niya sa dalawang kasamang lalaking may buhat sa walang malay na isa pang lalaki. Dala ni Aling Magda ang lumang damit ng anak na binata na kasalukuyang nasa Manila. Doon nagtatrabaho at yearly lang iyon kung umuwi para dalawin sila. "Tasyo bihisan mo muna iyan bago pa mapulmonya." Sabay abot ng damit sa asawa. "Kayong dalawa ay pumunta sa malaking bahay. Sabihin mo kay Senorita Yza Isbell na kailangan ng first aid." utos ni Aling Magda sa dalawa. Sa malaking bahay ay halos hindi marinig ang pagtawag ng dalawa sa malaking bahay dahil sa lakas ng ulan. Pasadong alas dyes na at malamang ay nagpapahinga na ang Senorita Yza. Pero emergency at kailangan nilang gisingin ang amo. Halos mamaos na silang dalawa sa kaka sigaw nang biglang magliwang ang kabahayan. Nag iisa lang sa malaking bahay si Senorita Yza Isabell, kaya ito ang sumalubong sa kanila. "Magandang gabi, Senorita Yza." "Pasok kayo, anong ho ang maipaglilingkod ko at des oras ng gabi ay naririto kayo may nangyari ba?" "Inutusan ho kami ni Aling Magda, pumunta kami dito dahil sa isang lalaking sugatan. Na rescue po namin mula sa sumabog na eroplano doon sa baybayin.” "Hintayin ninyo ako.” Mabilis na bumalik si Yza ng kabahayan at umakyat sa kwarto upang maghanda. Ilang minuto ang lumipas ay bumaba siya dala ang first aid. Gnun adin ang ibang mga gamot na dumating sila sa bahay ng mag-asawang Tasyo at Magda. Caretaker niya sa malaking bahay ang mga ito at sa buong nasasakupan ng isla Buena Vista. "Naku Senorita Yza Isabelle, sana hindi na kayo sumama ang lakas pa ng ulan.” wika pa ni Aling Magda. "Nasan ho ang pasyente? Sa halip ay tanong niya na hindi pinansin ang sinabi nito. Isa siyang doctora sa United Kingdom bago siya umuwi ng pilipinas. May masamang experience kaya tumigil pansamantala sa kanyang propesyon. At nagpasya na dumito muna sa isla. Dahil matagal na din siyang hindi nakabalik sa lugar na ito. Natigilan si Yza Isabell, nang makita ang mukha ng walang malay na lalaki. "Oh my God! What happen to him?” sabay tingin ni Yza sa mag asawa. Kilala niya ang lalaking ito, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa isang tycoon. Nag iisang tagapag mana ng Mondragon Int'l Air lines company 'all over the world. "Aling magda kailangan ko ho ng maligamgam na tubig at malinis na tela.” pakiusap niya sa ginang. Mabilis naman tumalima ang mag asawa. At habang naghihintay ay dinikit niya ang ulo sa dibdib ng binata. Para pakinggan kung normal ang t***k ng puso nito. Pero mahinang mahina iyon at kailangan niya ang kanyang stethoscope. Pero nakalimutan sa bahay sa pagmamadali. "Mang tasyo pakikuha ho ang stethoscope sa bahay at nakalimutan ko sa pagmamadali.” Ani pa ni Yza sa ginoo. "Senorita Yza Isabell, may mga sugat siya sa buong katawan. Mabuti na lang din at tumigil ang pagdurugo ng kanyang ulo.” Madali niyang hinubaran ang lalaki para silipin ang mga sugat kung saang parte. Subalit may kakaiba siyang naramdaman at napasinghap ng lumantad ang katawan nito. Six packs abs, v-line at may pinong pino ang balahibo mula pusod pababa pribadong katawan nito. Napalunok siya sa nakikita kaya itinaas niya ang paningin sa mukha nito. “Oh! sh*t!” bulong niya habang napapamura, kissable lips, pointed nose at may makapal na kilay. May mahahabang pilik at heart shape ang mukha nito. Sa magazine lang niya ito nakikita at mas gwapo pala ito sa personal." Nagulat pa siya ng magsalita si Mang Tasyo para ibigay sa kanya ang stethoscope. Para namang napahiya sa sarili, hindi dapat siya umakto ng ganon. Emergency ang pagkakataong iyon at walang puwang ang kalandian. Pagkatapos niya ma check ang katawan nito ay inaangat niya ang ulo para itagilid. Tinanggal niya ang ibang buhok nito para linisin at tahiin ang malaking sugat nito sa ulo. Ganun din sa buong katawan ay nilapatan niya ng gamot. "Ilipat ho natin siya sa malaking bahay kailangan niya ng dextrose. At upang ma-check ko oras-oras ang kondisyon niya. Hindi ho ordinaryo ang taong iyan at kilala siya sa lipunan. Kung may magtanong tungkol sa kanya. Wala ho kayong pagsasabihan. Baka may mabigat na dahilan kung bakit kahit may bagyo ay bumiyahe siya. Hintayin natin siyang magising at siya ang magpasya.” Tango lang ang sinagot ng mag asawa pati na ang dalawang lalaki. Basa silang lahat ng marating ang mansion ng dalaga. Maingat na pinasok nila sa guest room at inihiga ng maayos. Hindi na rin nagtagal ang mga ito at nagpaalam na dahil halos mag umaga na sa orasan. Naiwan siyang mag-isa at kinailangan pa na asikasuhin ang binata. Hinubaran niya ito dahil maraming dugo iyon. Pati na ang pantalon nito at iniwan lang ang malaking benda nito. Tanging boxer short lang nito ang suot nito. Wala naman siyang damit panlalaki sa bahay. Binalot na lang niya ito ng makapal na kumot at kinabitan niya ng dextrose. Bago siya nahiga sa couch, hindi niya pwedeng iwanan ito sa ganitong kalagayan. Every hour ay bumabangon siya para i check ito kung okay na. Madaling araw na sa wall clock ng maging stable ang kalagayan ng binata. Kaya nagpasya na siyang mahiga. Hanggang tuluyang nakatulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband Is A CEO Boss

read
475.6K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
431.0K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
173.8K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
612.4K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
169.0K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
84.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
3.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook