Chapter- 6

2078 Words
MAKALIPAS ang mahabang paglalakbay ay naglanding ang sinasakyan nila sa England. Wala silang sinayang na sandali bawat kilos nila ay double time. Isang two story house ang hinintuan ng taxi'ng kanilang sinasakyan. At nakamasid lang si Andrei sa paligid wala din kibo habang papasok sila sa loob ng bahay. Dumeretso si Yza sa kwarto at naiwan si Andrei sa sala naupo lang siya sa sofa, masyadong napagod sa mga nangyari sa kanila ng dalaga kaya ng sumandal ito ay tuluyang nakatulog. Hindi alam ni Yza o Isabell kung gaano katagal siyang nakatulog. Basta ng magising ay agad na pumasok sa loob ng banyo at may pagmamadali na naligo. Bagong paligo si Yza ng bumaba at naabutan niya ang binata nakahiga ito sa mahabang sofa. “Ahm…. Andrei…” ngunit natigilan siya dahil tulog pala ito kaya sinalat na lang ang noo kung may lagnat pa ba ang binata. Medyo mainit pa rin, kaya tumuloy na lang siya sa kusina para alamin kung ano ang mga kailangan nila, especially food. Matapos mailista ang mga bibilhin ay gumawa siya ng note. Para kung sakaling magising ito ay hindi siya hanapin. A few hours later… Pagkatapos mamili ng personal na gamit kagaya ng mga damit na para kay Andrei ay nag grocery naman siya. Dinamihan na niya para mayroon silang stocks at nang hindi na kailangan na laging lumabas. Pagdating sa bahay ay nanatiling sarado ang pintuan, meaning baka tulog pa rin ito. Ibinababa niya ang mga pinamili ng lumapit ang kapitbahay niyang si Marcus. Kasamahan din niya sa pagiging agent pero active ito. Hindi kagaya niya na paminsan minsan na lang kung tumatanggap ng mission dahil sa mga nangyari noon. “Hi, Yza, kumusta? Anong pinagkakaabalahan mo ngayon at napakatagal mong hindi nagpakita?” tanong sa kanya ni Marcus. “I’m good, how about you?” aniya habang patuloy sa ginagawa. “Ito walang nagbago, you need help?” tanong nito sa kaniya. “No, it's okay.” “So, babalik ka na ba uli sa trabaho?” “Not sure,” at humakbang na si Yza papasok ng bahay habang nakasunod sa kaniya si Marcus. Nasulyapan niya si Andrei na busy sa harapan ng malaking screen. Samantala ay tila wala namang nakikita si Andrei, tuloy lang ito sa panonood ng tv. Subalit ng mapalingon at nakitang may ibang kasama ang dalaga ay agad na tumayo. Nakasimangot na tinungo ang kwarto. Dala ni Yza ang biniling mga personal na gamit para ibigay iyon sa binata ngunit bigla itong nawala. “Nasaan na ba ang lalaking 'yon bakit biglang nawala?” “Umalis at masama yata ang mood, sino ba kasi yon?” sagot ni Marcus sa kanya. “I see.” Pagkatapos ay nilagay na muna niya sa loob ng shelves ang mga delata pati ang ibang groceries at ang frozen foods ay loob ng fridge. “Anong plano mo ngayon Yza? Tatanggap ka na bang muli ng mission?” “Wala pa, meron akong importanteng mission ngayon na hindi related sa organisasyon.” “Kung anuman yon, sana ay hindi malaman sa taas dahil siguradong tatawagan ka nila para mag report na. Alalahanin mong naka bakasyon ka lang.” “Alam ko naman yon eh.” “Sige maiwan na kita at may lakad ang grupo ngayon.” paalam ni Marcus sa kanya. “Okay, ingat kayo.” “Call me if you need me.” “Thanks Marcus.” Matapos maisara ang pintuan ay umakyat siya sa taas, pinuntahan ang kwarto ng binata. Bukas ang pintuan kaya tumuloy na lang siya at ibinaba ang mga pinamili. Hindi pansin ang nakatayo na si Andrei sa nakabukas na pintuan ng banyo. Kakatapos lang nitong maligo habang pinupunasan ang basang buhok at tanging boxer short lang ang suot. “What are you doing here?” Muntik nang mapatalon sa gulat si Yza nang marinig ang boses nito. “Ouch! Ahm...d-dinala ko lang ito para sayo. Ayaw niyang lumingon dito dahil alam niyang nakahubad ito. “Let's eat,” at nagmamadaling lumabas ng room. Mabilis na dinampot ni Andrei ang isang paper bag. Kinuha ang laman at agad na sinuot ang isang t-shirt pati na ang white short ay napapangiti siya. “Hmmm…she knows my size?” bulong niya sa sarili. Saka nagmamadali nang bumaba, naka ready na ang food ng umupo siya sa bakanteng upuan. Ngunit napaisip si Andrei ng maalala ang lalaking kasama ni Yza kaninang dumating ito. “Kain na tayo, hindi mo ba gusto ang pagkain?” malambing ang dating ng boses nito para sa kaniya. Hindi sumagot si Andrei dahil para siyang kinikilig bigla. Ngunit nang muling maalala ang lalaking kasama nito kanina ay bigla siyang napa simangot. “Sino ang lalaking yon, boyfriend mo?” seryoso siya ngunit sa isipan ay humihiling na sana ay hindi. “No! Kasamahan ko yon sa trabaho. At isa rin siya sa maaaring makatulong sayo… “I don’t need him!” putol niya sa ibang sasabihin pa ni Yza. Ayaw na niyang marinig pa sa bibig ng dalaga ang tungkol sa lalaking yon. “O-okay,” tipid na sagot ni Yza sa kaharap dahil mukhang badmode ito. “By the way, Ms. Yza, How's my dad? Is there any message from him?” “Wala naman, kaya lang wala akong tiwala sa mga bodyguard niya. Walang kahirap hirap akong nakapasok sa mansion nyo. Paano kung isa akong killer? Hindi safe ang ama mo sa mga taong nakapalibot sa kaniya. Andrei, he need’s a professional bodyguard. Para maprotektahan siya ng tama lalo na ngayon na hindi sila nagtagumpay para patayin ka.” “May kilala ka ba na maaaring mapagkakatiwalaan kay Dad?” “Tatawagan ko ang kaibigan ko, sa kaniya ako hihingi ng tao para sa dad mo. Maiba tayo ng usapang kailan pala ang plano mong magpakita sa daddy mo? Ang sabi niya ay isang linggo mula ngayon, plano nang palitan ang position mo ng bagong CEO. Dahil ang alam nila ay patay ka na at ilan sa kanila ay nag uunahan makuha ang pwesto na yon.” ngunit walang sagot mula sa binata. Hanggang natapos silang kumain ay hindi na nagsalita si Andrei. At maya maya ay tahimik na tumayo para lumabas ng bahay. Hindi niya alam kung anong iniisip nito ayaw naman niyang magtanong pang muli. Kaya’t matapos ma iligpit ang mga pinagkainan ay umakyat na lang siya sa kwarto. Nakaramdam siya nang antok, kahit tatlong oras ay kailangan niyang matulog. Mabilis na nag shower at pagkatapos ay tinuyo lang ang sarili. Nagsuot ng manipis na damit saka nahiga at tuluyang nakatulog. Sa baba ay palakad lakad si Andrei habang nagpa plano sa gagawing move. Kailangan na makabalik siya sa araw mismo ng pagpapalit ng CEO. Hindi siya papayag na basta na lang papalitan ang posisyon niya. Kahit marami silang kumpanya sa iba’t ibang panig ng mundo ay hindi siya aalis doon. Lalo na sa nangyari sa kaniya, kailangan pagbayarin niya ang taong responsable sa lahat. Ayaw muna niyang istorbohin ang dalaga kaya lumbas siya ng gate. At sa paglalakad ay nasumpungan niya ang isang basketball court. Alam niyang mga pinoy ang mahilig sa ganong laro kaya naman na upo siya sa bakanteng bench at pinanood ang mga ito. Karamihan sa mga iyon ay half pinoy, halata sa pananalita at kilos. Hanggang hindi na niya napansin ang paglipas ng oras. Madilim na ng pumasok siya sa kabahayan at nagtaka siya kung bakit madilim ang bawat sulok ng bahay. “Where is she?” Madilim at walang ilaw ang buong bahay at nanglalagkit ang kaniyang pakiramdam. Kaya’t agad na dumiretso sa bathroom ng kwarto niya at mabilis nag shower. He want’s to talk Yza, para sa plano niya. Lumabas at tinungo ang kwarto nito. Kakatok na sana siya pero naka awang ang pinto nito at madilim sa loob kaya itinulak niya at kinapa ang switch ng ilaw. Nang magliwanag ang buong silid ay para siyang naka kita ng napakasarap na pagkain. Sunod sunod ang lunok niya dahil tila biglang nanuyo ang kaniyang lalamunan sa nakikita. Ang pwesto ng dalaga sa pagkakahiga ay nakakapgpainit ng kaniyang katawan. Hindi tuloy maiwasang balikan ang unang araw na nakita niya ito. Doon pa lang ay matindi na ang init na hatid nito sa kaniyang buong sistema. At ngayon ay halos gusto na niyang sumiklab sa kakaibang init ng pagnanasa. Dahil sa pagkaka tihaya nito ay nakalabas ang kabilang dibdib. “Ooh, s**t! F*ck!” Inaakit ba talaga siya nito? Dahil kung hindi bakit gano’n ang suot nito at iniwang basta nakabukas ang pintuan. Napansin niyang pawisan ang noo ng dalaga at mukhang may nangyari dito na hindi maganda. Takot at pangamba ang kanyang naramdaman. Lalo pa nga at may gustong pumatay sa kanya. Hinila niya ang kumot nito para malaman niya ang kalagayan nito kung okay pa ba ito? Subalit naalimpungatan yata ito sa ginawa niya at nabigyan agad siya ng malakas na sipa. Kaya pasubsob na bumagsak siya sa sahig. Babagon na sana siya ngunit biglang may kumalawit sa kaniyang leeg kaya nahihirapan siyang huminga. “H-hey! s**t! B-bitawan mo ako!” at saka pa lang siya binitiwan nito. “S-sorry, ahm….bakit ka kasi narito?” hindi alintana ang itsura na nakapamewang pa sa harapan ng binata. “F*ck! Bakit mo ako sinipa at sinakal?” habang hinahaplos ang sariling leeg ay hindi maiwasang titigan ang kabuuan ng dalaga. At saka pa lang tila natauhan ng maalala ang itsura. Mabilis na tumakbo sa loob ng banyo at ini-lock iyon. Hindi nagtagal ay kinatok siya ng binata. “Yza, please come out, we need to talk. Hihintayin kita sa living room, okay?” ngunit walang sagot mula dito kaya lumabas na siya ng room nito. Medyo masakit ang tinamaan ng sipa pero hindi mawala sa isipan niya ang kagandahan at ang nakita niyang kabilang dibdib nito. She's so hot at alam niya sa sarili na hindi na siya matahimik hanggang hindi ito naangkin. Subalit lumipas ang mahabang sandali ay walang Yza na bumaba. Kaya kinuha na lang ang alak at dinala sa kwarto. Baka sakaling makalimutan ang mga bagay bagay na nagpapa gulo sa isipan. Ngunit sa halip na makalimot ay lalong naghuhumiyaw sa isipan niya ang katawan ng dalaga. Naka apat na shots siya ng whisky bago magpasya ng mahiga. Sa kwarto ni Yza ay palakad lakad at hindi mapalagay. Nahihiya siya kay Andrei, sa hindi sinasadyang pagsipa niya dito. Pagkatapos ay nakita pa nito ang kahubaran niya. Kaya lang dapat niya itong puntahan dahil kailangan raw siyang makausap. Nagdala na rin siya nang cream para dito dahil napalakas ang sipa niya. Subalit hindi niya nakita sa living room o kahit na sa veranda. Kaya bumalik sa kwarto at kinatok ang ukupado nitong silid. “Andrei! Nariyan ka ba sa loob? Andrei! Kaya lang mukhang wala rin doon. Tumalikod na siya ngunit biglang may nagbukas ng pinto. “Yes, naririto ako.” kaya naman agad na pumihit siya paharap dito. Ngunit napatulala siya sa nakita. Six pack abs ang sumalubong sa kaniyang paningin dahil tanging boxer short lang ang suot nito. “A-ah k-kasi y-yung…ahm…. Hindi na natuloy ang sasabihin sana niya ng hilahin siya nito papasok sa loob ng kwarto. Isinandal siya sa likuran ng pintuan at agad na sinibasib ng halik. Sinubukan niyang itulak ito palayo, ngunit mahigpit ang hawak sa baywang niya. Kinakapos na siya ng hininga bago pa bitawan ng binata. At ang sandaling pagsagap ng hangin ay muling sumara ang kanyang bibig. Sa pangalawang pagkakataon ay lumalim ang halik at ang tangi niyang nagawa ay ang umungol. Lalo na ng iipinasok ang nito ang mainit na dila at hinagilap ang sa kanya. Tila siya malulunod sa tindi ng ginagawa kaya napahawak siya ng mahigpit sa leeg nito. “Ooh!” ungol ni Yza. “I-I want you, Yza.” bulong niya rito na may halong pakiusap. At habang gumapang pa ang mga halik nito sa leeg niya ay kakaibang kilabot ang hatid sa kanyang kaibuturan. Lalo nang hagudin nito ang harapan niya ay tila nawala na siya sa tamang pag iisip. Hindi na rin namalayang natanggal na ang hook ng kanyang panloob. Kaya malayang nahawakan nito ang magkabila niyang dibdib. Mali ang ginagawa nila at alam niya iyon. Ngunit ano ba ang kaya niyang gawin para tutulan ang katawan na lunod na sa nakakaliyong sensayon. Binabaliw na ang buo niyang pagkatao sa matinding luwalhati. Ang kakaibang pakiramdam na ngayon pa lang niya nararanasan. Kaya sa halip na itulak ang binata palayo ay tuluyan na siyang nagpaubaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD