Kabanata 5
Hinilot ko ang aking sentido matapos balikan ang mga lesson plan na ginawa ko para sa gaganaping practice teaching ko sa isang araw. Some of the materials I will use for the demo are scattered around me. Ako na lang mag isa ang naiwan sa class room namin at lahat ay naguwian na.
Nag angat ako ng tingin sa bintana na yari sa salamin. It's already six in the evening and the sky was already reflecting the colour of fire. Ilang sandali na lang ay lalamunin na ng dilim ang buong paligid. I should probably get home. Alam naman nila nanay na gagabihin ako ngayon dahil dito. Puwede na siguro akong umuwi dahil halos patapos na rin naman ako.
Bumuntong hininga ako saka inilibot ang paningin sa mga kalat. Nagsimula na akong ligpitin ito. Nang matapos ay binitbit ko ito at halos mapangiwi nang hindi na ako magkanda-ugaga sa pagdadala. Mabigat ang bagpack ko, mas doble ang bigat ng mga materyales na dala ko.
"Hindi bale na, sasakay na lang ako pauwi."
Malinis na ang school ground nang lumabas ako. Tanging ang matandang dyanitor na lang na nagwawalis ng tuyong dahon ang naiwan.
"Mo una nako, Tiyo Delfin." paalam ko na ikinalingon niya sa akin.
Ngumiti siya.
"Naa naman diay ka, Dreya. Nganong naulhi man ka sa pag-uli?"
"Gina-homan man gyud nako ang lesson plan nako para sa practice teaching nako atong sa usa ka adlaw."
"Hala sige. Amping sa imong pag-uli."
Isang ngiti ang pinakawalan ko bago ako tuluyang tumalikod at lumabas na ng eskwelahan. Wala na halos ako makitang habal-habal na puwede kong sakyan pauwi kaya naman nagdesisyon na lang akong maglakad.
Ilang beses nagkadahulog-hulog ang ilan sa mga dala kong materyales. Mabuti na lang at malamig na ang simoy ng hangin kaya hindi rin ako ganoong pinawisan.
Bago pa sumapit ang ala-syete ay nakarating na ako sa baryo namin. Pagtapak pa lang sa mismong kanto namin ay kumunot na ang aking noo. Luminga-linga ako, hinahanap si Browny na nakasanayan nang sumusundo sa akin sa tuwing uuwi ako galing sa eskwelahan.
"Bakit wala iyon?"
Nagtuloy ako sa paglakad papasok. Tahimik na ang buong lugar. Mula sa distansya ko ay tanaw ko ang malawak na mansyon ng mga Monasterio. Bukas ang ilang ilaw rito ngunit ang mismong harapan ay bahagyang madilim.
As I'm nearing the mansion, my eyes suddenly stopped at the familiar person who's leaning against the gate, looking down while dropping some white mini ball as if he's playing with someone. Pero tama nga, nakikipaglaro nga siya.
Kay Browny!
Hindi pa man tuluyang nakakalapit ay lumingon na sa akin ang alagang aso. Tumahol siya dahilan para tumingin sa gawi ko si Sir Dashiel. Tumakbo papunta sa gawi ko si Browny at mabilis akong sinunggaban paakyat sa aking binti habang kumakawag ang buntot. Hinaplos ko ito sa ulo at nginitian.
"Nakalimutan mo akong sunduin, Browny..." sabi ko sa kanya.
Pasimple akong nag angat ng tingin. Nakita ko si Sir Dashiel na umayos ng tayo at naglakad palapit sa akin habang nakapaloob ang mga kamay sa bulsa. He's already staring at my face and all I could do was to look down again for my heart is beating aggressively.
Knowing that he's about to come my way makes me feel ridiculously nervous. Bakit ganoon?
"Ginabi ka..." aniya na ikinaangat ko ng ulo mula sa pakikipagkulitan ko kay Brownie.
Tipid akong ngumiti. "May tinapos lang po sa eskwelahan."
Tumango siya saka marahang pinasadahan ng dila ang kanyang pang ibabang labi.
"Did someone bring you home?"
"Ah, hindi po. Naglakad lang po ako pauwi."
Bahagyang naningkit ang mga mata niya.
"Naglakad ka?"
"Opo."
"Gabi na. Masiyadong delikado para maglakad pa ng ganitong otas."
Nagkamot ako ng sentido saka nangiti.
"Wala na pong sasakyan na nakapila sa eskwelahan namin paglabas ko kaya wala po akong pagpipilian."
Words didn't rush down his lips. Umihip ang malamig na panggabing hangin. Ilan sa mga takas na buhok mula sa aking pagkakaipit ay masuyong nagsiliparan. Sir Dashiel remained staring at my face. I suddenly feel that we're in some sort of a magical place where the two of us are the only people.
"Ganito ba lagi ang oras ng uwi mo?" tanong niyang muli.
"Hindi po, ngayon lang po dahil nagaasikaso ako ng mga kailangan ko gawin para sa presentation sa isang araw."
He nodded his head once. I took that chance to look down at Browny and caressed his head.
"Ikaw, ha. Nakalimutan mo akong sunduin." sabi ko, natatawa. Iwinagayway niya lang ang kanyang buntot bilang tugon.
"He was waiting for you earlier. Tinawag ko kaya naman naabutan mo siyang narito." sabi ni Sir Dashiel dahilan para muli ko siyang tingnan.
Ngumiti ako. "Ganoon po ba? Uuwi na rin po kami, Sir Dashiel."
He shifted his feet and stood straight, looking so attentive.
"Can you walk alone? I mean..." He pointed his hand somewhere else. "It's already dark."
"Opo, kasama ko naman po si Browny. Salamat po."
Tiningnan niya ang alaga kong aso, bahagyang nagtaas ng kilay at nakipagtitigan dito ng ilang sandali. Sinipat ko si Browny at nakitang nakatitig rin ito kay Sir Dashiel. Para silang may sariling pagkakaintindihan.
Sa huli, nag angat siya ng tingin sa akin at tumango.
"Mag ingat ka kung ganoon."
Ngumiti ako, naalala ang isinagot niya sa akin nung isang gabi.
"Mag-iingat po ako..."
He let a soft chuckle as if he also remembered what I have in mind. Tumungo ako bilang pagpapaalam saka tumalikod na.
"Halika na, Browny."
Sumunod agad siya sa akin. Ilang hakbang na ang nagagawa ko nang tumingin ako sa likuran at natagpuan siyang nakatayo pa rin doon habang nasa akin ang direksyon ng mga mata. Pakiramdam ko tuloy ay nagagawa niya akong ihatid sa pamamagitan ng ganoong klase ng tingin niya.
"Nariyan ka na pala, Dreya. Magbihis ka na at kakain na tayo," saad ni Nanay nang makarating kami sa bahay. "Kamusta ang paghahanda mo?"
"Maayo man, nay."
Inilapag ko ang mga gamit sa ibabaw ng kahoy na upuan saka inilibot sa mesa ang mga mata. Napakurap-kurap ako nang makita roon ang dalawang putahe ng ulam na bihira mailuto ni nanay dahil sa kakulangan namin ng pera. Nakakatikim lang ako kapag may okasyon.
"Saan nanggaling 'yang mga ulam na 'yan, nay?" tanong ko.
Inilapag niya ang mga kubyertos sa ibabaw ng mga plato.
"Pinabibigay iyan ni Ma'am Cheska. Dinala dito ni Sir Dashiel kaninang hapon."
"T-Talaga po? Ano raw po ang mayroon?"
"Marami raw iniluto si Ma'am Cheska. Natuwa marahil sa'yo noong samahan ninyo ang mga taga Maynila sa talon. Nagulat nga ako at si Sir Dashiel pa mismo ang nagdala dito."
Oo nga. Puwede namang ipakuha na lang kay Tatay. Mabait talaga si Ma'am Cheska. Sa mukha pa lang ay hindi na 'yon maipagkakaila. Masiyadong malambot.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising para mag ensayo sa gaganaping practice teaching ko bukas. Dala ang isang tase ng kape, naupo ako sa damuhan kung saan naroon ang mga alaga kong bulaklak at nginitian sila.
"Maayong buntag!" bati ko. "Mag-eensayo ako ngayon. Kunyari kayo ang mga estudyante ko at nakikinig kayo sa akin."
Humagikhik ako sa isip. Napahinga ako ng malalim nang maamoy ang mabangong aroma ng sinangag at pritong tuyo. Siguradong mamaya lang ay tatawagin na ako ni nanay para sa almusal.
"Magsimula na tayo!" maligalig na sabi ko. "Before we start our lesson or topic for today, can anyone give me a summary of our topic yesterday?"
Tinitigan ko ang mga bulaklak ng may ngiti sa aking labi na akala mo ay sasagot sila.
"How about you, Santan? Do you-"
My words were suddenly interrupted by a low and deep chuckle. Mabilis akong lumingon sa gawi ng gate namin at halos takasan na ng kulay nang makita roon si Sir Dashiel. He's standing there, looking so fresh in his black v-neck shirt and denim blue jeans. His hair was a bit damp as if he just got out of the shower. There's a sinister smirk etched on his lips while looking at me.
Bakit narito siya?
"I see. That's your habbit, huh?" he taunted and I already know what he meant by that.
Tumayo ako mula sa pagkaka-indian sit at tumungo sa kanya bilang pagbati.
"Magandang araw, Sir Dashiel."
Naglakad siya palapit sa gawi ko. Hindi niya inaalis ang pagkakatitig sa akin dahilan para makaramdam na naman ako ng hiya.
"I caught you talking with cats before, and now with these flowers..." he chuckled. "You're really weird."
Ngumuso ako nang marinig iyon. Nagiwas ako ng tingin sa kanya, literal nang nahihiya dahil tama siya. Palagi niya akong naaabutan na nakikipag usap sa mga bagay na hindi naman ako magagawang kausapin pabalik.
"But adorable..." Sir Dashiel added that made me look at him.
That little rise in the corner of his mouth he was oblivious to combined with the cool detachment in his eyes made me stare at him for a little longer. Like I am suddenly lost for a moment.
Why he's too handsome... is already beyond me. He's already near to perfection. Sa bawat ngisi na iginagawad na mapupula niyang labi, sa bawat pag angat ng kanyang makapal na kilay at sa bawat pagtitig na ginagawa ng mga mata niya, pakiramdam ko ay mas lalo lang akong humahanga sa kanya.
"Narito ka na pala, Sir Dashiel! Pasensiya na at napaghintay kita." si Tatay dahilan para bumalik ako sa reyalidad.
Naabutan ko pa rin si Sir Dashiel na nakatitig sa akin nang mag angat ako ng mga mata sa kanya. He then transferred it to ky my father and smiled a bit.
"Ayos lang po. Kararating ko lang rin naman."
"Kumain na po ba kayo? Nagluto si Emma ng almusal. Baka gusto niyong kumain muna?"
"Hindi na po. Kumain ako sa bahay bago tumungo rito." sabi ni Sir Dashiel saka ako sinulyapan.
Biglang nataranta, nagiwas ako ng tingin at kinagat ang ibabang parte ng labi ko.
"Sige. Humayo na tayo kung ganoon," saad ni Tatay. "Dreya, mo adtu usa mi sa bayan ni Ser Dashiel. Kamo usa ang bahala sa imong nanay dinhi sa balay."
Saka lang ako nag angat ng tingin matapos marinig ang sinabing iyon ni tatay. Tumango ako, iniiwasan silipin si Sir Dashiel kahit pa pakiramdam ko ay sa akin siya nakatingin.
"Sige, Tay. Pag-amping kamo ni..." Leaving me with no choice, I glanced at him and he's drilling his eyes into mine. "Ni Sir Dashiel."
Tumaas ang sulok ng labi niya habang nakatingin sa akin. Sinadya kong ibahin ang lenggwaheng ginamit ko dahil baka kapag sinabi kong mag ingat sila sa salitang Tagalog ay sumagot na naman siya ng katulad sa isinagot niya sa akin nung nakaraang gabi.
Kapag nangyari iyon, siguradong magiging abnormal na naman ang t***k ng puso ko.
Dali-dali akong lumabas ng bahay kinabukasan. Isang oras na lang ay magsisimula na ang practice teaching ko. Kailangan ay maaga akong makarating doon dahil marami pa akong kailangan ihanda bago magsimula.
Bitbit ang ilang bag ng materyales, dali-dali akong naglakad palabas ng baryo namin. Malayo pa lang ay natanaw ko na si Sir Dashiel na nakasandal sa itim niyang pick up habang nasa lupa ang direksyon ng mga mata. Kagaya ng nakasanayan, ang mga kamay niya ay nakapaloob sa bulsa ng kupas niyang pantalon.
Ilang metro na lang ang kayo ko sa kanya nang mag angat siya ng tingin sa gawi ko na para bang ramdam niyang papalapit na ako.
When I'm just meters away from him, he let out a soft smile.
"Morning." he greeted.
"Magandang umaga rin po, Sir Dashiel.".
"Papasok ka na?"
"Opo."
Tumango siya at inilabas ang kamay mula sa bulsa. Isang bagay ang iniangat niya, kusang dumapo ang mga mata ko roon.
My eyes went round when I realized what that is.
"Nahulog mo..." aniya.
"Hala!" asik ko. "Saan po?"
Naglakad ako palapit sa kanya. His fresh scent of perfume lingered in my nostril as I reached my ID from his hand. Bahagya pang nagkadikit ang balat namin dahilan para makaramdam ako ng kuryente.
"Dito sa pinagkitaan natin kagabi." malalim ang boses na sagot niya.
"Salamat po. Hindi ako makakapasok ngayon kung wala ito." sabi ko bago isinilid ang ID sa loob ng bag.
Tiningnan ko siya sa mukha, naabutan ko siyang seryoso at naniningkit ang mga matang nakatitig sa akin na tila ba pinagaaralan niya ang bawat bahagi ng mukha ko.
"Papasok na po ako, Sir Dashiel. Baka kasi mahuli ako at hindi 'yon maaari."
"Today is your practice teaching, right?"
"Ganoon na nga po."
Tumango siya. "Ihahatid na kita sa eskwelahan mo."
"P-Po?"
"May kailangan akong bilhin sa bayan. You can ride with me. Your school is just along the road anyway."
"Huwag na, Sir Dashiel. May masasakyan naman akong habal-"
"Is it more convenient than riding me? I mean, than riding with me?" He sighed, shaking his head once as if he's disappointed.
Bahagyang kumunot ang noo ko, iniisip kung may mali ba sa sinabi ko... o, sa sinabi niya.
"Are you coming with me or not?" he added. "Damn, I won't leave you with any choice. Ihahatid kita sa eskwelahan mo."
Pagkasabi niya noon ay kinuha niya ang ilan sa mga gamit na dala ko at kusa iyong inilagay sa likuran ng sasakyan niya. When he's done settling my things, he opened the passenger seat and glanced at me. Sa uri ng tingin na ipinupukol niya sa akin, para bang hindi niya na ako binibigyan pa ng pagkakataon na tumanggi.
Bumuntong hininga ako, bagsak ang mga balikat. Naglakad na ako palapit sa gawi niya at sumakay na ng kotse. Inayos niya pa ang dulo ng palda ko na nakalaylay sa labas ng sasakyan bago tuluyang isinara ang pinto.
I watched him jog around until he reached the driver's seat. Ni minsan ay hindi ko inasahan na makakasakay ulit ako ng sasakyan niya. The first time I rode in his car was when I was with my father and Mang Abner. Ibang sasakyan pa ang gamit namin noon.
Ngayon, sa pangalawang pagkakataon, ibang sasakyan ulit. Kaming dalawa lang. The feeling of being with him alone is ridiculously abnormal. Parang may kung anong naglalaro sa sikmura ko. Parang gusto kong maduwal. Para akong nakikiliti.
Hindi ko alam.
Nagbuga ako ng hangin at ikinabit na lang ang seat belt. Hindi naman ako gaanong inosente pagdating sa kotse dahil minsan na rin naman akong nakakasakay sa ganito dahil sa mga kaklase kong may kaya sa buhay. Alam ko ang mga dapat ikabit at hindi.
Tahimik ang naging buong biyahe. Dahil nakakotse ay mabilis akong nakarating sa eskwelahan. Huminto kami sa tapat ng school gate. He bend towards the backseat and grabbed my things. Iniabot niya ang mga 'yon sa akin na agad kong kinuha.
"S-Salamat, Sir Dashiel. Mauuna na po ako sa inyo."
Tumango siya, walang ekpresyon ang mukha kung hindi pagiging seryos lang. Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para buksan ang pintuan ko at itulak 'yon.
"Dreya..."
Nahinto ako sa akmang pagbaba ng sasakyan nang marinig ang tawag niyang iyon sa akin. Lumingon ako at inosente siyang tinitigan sa mga mata.
"Po?"
He slouched near me until we're only few centimeters away from each other that I could smell his bubble mint breath. Mas bumilis ang t***k ng puso nang akala ko ay may kakaiba siyang gagawin.
Pigil ang aking hininga, kinalas niya ang seat belt sa aking katawan at mataman akong tinitigan sa mga mata, pababa sa aking labi... bago muling umakyat sa mga mata ko.
"Good luck on your presentation."