Kabanata 4
Paulit-ulit kong sinusulyapan si Zadriel ngayon na nakasimangot at tila iritado habang nakatingin sa gawi nila Tate at Sir Dashiel. Nang hindi maaya ni Tate si Zadriel ay hinayaan niya na ito at dinamayan si Sir Dashiel sa paliligo sa may talon.
Seeing the irritation rolling across his eyes, I could tell that he doesn't like the idea of Tate being with his cousin. Nagseselos ba siya? Pinsan niya iyon kaya dapat ay hindi siya nagseselos.
At saka, wala ba siyang tiwala kay Tate?
Nilingon ko ang dalawa sa talon. Tate was laughing while there's a smirk plastered on Sir Dashiel's lips. He didn't look at my direction again after I caught him several times glancing at me. Hindi naman sa nagaabang ako na tingnan niya ulit ako pero... parang ganoon na nga.
"Maliligo ako, Dreya."
Wala sa sarili kong nilingon si Maricel. Kumurap-kurap ako nang makitang naghuhubad siya ng damit niya pang itaas. His red brassiere was now out, exposing her huge breast.
Kung mayroon man maganda sa katawan ni Maricel, iyon ay ang mga dibdib niya. Natural na bilugan at maumbok. Bagay na hindi ako pinagpala pero ayos lang naman. Hindi ko kailanman ininda ang tungkol sa mga ganyang bagay.
"Hindi, dito na lang ako. Manonood-"
Naudlot ang pagsasalita ko nang makita ko siyang maarteng naglakad at nagtungo sa gawi ni Zadriel.
"M-Maricel, saan ka pupunta?" pabulong na tanong ko ngunit nanatili na lang iyon sa hangin dahil nalapitan niya na mismo si Zadriel.
"Hi! Gusto mo maligo?" dinig kong tanong ni Maricel.
Nag angat ng tingin si Zadriel sa kanya, madilim ang mga mata at halatang iritado pa rin. Nagtaas siya ng kilay kay Maricel. I was in the brink of thinking that my friend would only get embarrassed when Zadriel stood up and pulled his shirt from his nape. He threw it somewhere and glanced at Maricel again.
"Sure."
Sabay na naglakad patungo sa talon ang dalawa. Maricel even looked at my direction and gave me a self-satisfied wink.
Kumunot ang noo ko, hindi lubos na maintindhan ang nangyayari. Hindi sumama si Zadriel kay Tate na nobya niya, pagkatapos kay Maricel ay sumama siya?
Nakita kong itinuro ni Sir Dashiel ang gawi nila Zadriel kay Tate. Nakadipa ang mga braso ni Zadriel sa batuhan, si Maricel ay nasa harapan niya at ngiting-ngiti. I saw how Tate shrug her shoulders like what she's seeing right now was totally nonsense for her. Sa halip ay nakipagtawanan pa ito kay Sir Dashiel.
Huminga ako ng malalim at umiling, itinuon na lang ang paningin sa ibang direksyon. Sumandal ako sa malaking bato sa aking likuran at kinuha ang cellphone. Naglaro ako sandali hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na ako.
Nang magising ay ramdam ko ang pagiging kumportable sa bandang ulo ko. Nag angat ako ng sarili, pupungas-pungas pa. Luminga-linga ako at nakitang naroon pa rin ang mga kasama sa talon, ngunit wala na si Sir Dashiel.
Iginala ko ang paningin, pasimple siyang hinahanap. Dumapo ang mga mata ko sa bato n sinandalan. Isang puting t-shirt ang nakita kong nakabalumbon sa banda kung saan ko ipinatong ang aking ulo.
"Kanino ito?" wala sa loob na tanong ko saka kinuha ang tshirt.
"That's mine..."
Mabilis akong napatingin sa gilid nang marinig ang tinig na 'yon. I saw Sir Dashiel standing with nothing but his jeans on! He's drying his hair with a black mini towel, beads of water were crawling down his chest. Mabilis akong nagiwas ng tingin.
"I saw how uncomfortable you were while leaning on that rock." he added.
"Uh, s-salamat po. Lalabhan ko na lang po—"
My words were halted by his low chuckle.
"No need. Hindi naman nadumihan," sagot niya. "Iabot mo na lang sa akin. Nilalamig na rin ako."
Tumango ako at iniabot sa kanya ang t-shirt, hindi pa rin siya nililingon. Kinuha niya ito at nang ilang sandali lang ay muli siyang nagsalita.
"You can look at me now. I already have my shirt on."
Marahan akong nag angat sa kanya. Naupo siya hindi kalayuan sa akin saka isinandal rin ang likod sa batuhan.
"You got bored?" aniya, ang paningin ay nasa harapan. He suddenly diverted his eyes on me and stared at me for a while. "Sana ay naligo ka."
Sa mga oras na ito, pakiramdam ko ay panandalian ako nakaramdam ng kaduwagan na titigan siya. Kung kaninang malayo siya ay nakakaya ko siyang pagmasdan ng matagal, ngayong ilang sentimetro na lang ang layo namin sa isa’t isa ay hindi na.
Nagiwas ako ng tingin.
"Ayos lang po. Inantok lang talaga ako dahil maaga ako nagising para mag aral."
"Nag aaral ka bago ka nagpunta sa bahay kanina?"
"Opo."
"I'm sorry. Naabala ka pa ni Mama nang dahil lang dito."
Mabilis ko siyang nilingon. "Naku, ayos lang po! Marami pa naman pong natitirang oras para ipagpatuloy 'yon."
His pair of brown orbs were drilling into mine. "What course are you taking?"
"E-Education po."
He nodded and looked ahead of us. "A future teacher, huh?"
"Kung papalarin po makatapos."
"Saan mo balak magtrabaho pagkatapos mo kung ganoon?"
"Sa Maynila po."
Nilingon niya ako. "Why there?"
Nagkibit balikat ako, nakaramdam ng kaunting kaalwanan dahil sa klase ng usapan namin. Para bang hindi ko siya amo at simpleng magkaibigan lang.
"Naroon po ang oportunidad sa isang kagaya ko. Kung doon ako makakapagtrabaho, malaki ang tsansa na mabigyan ko ng magandang buhay ang mga magulang ko."
"Manila is such a cruel place, Dreya. Maraming mapagsamantalang tao roon. If you won't get smart, people would surely take advantage of you..." He then let a deep sigh and looked at the raging water falls. "You look so damn innocent."
Those last words from him were like a whisper that I barely heard it.
"Alam ko naman po iyon. Maraming salamat sa paalala Sir Dashiel."
He anchored his eyes on me. Ilang sandali niya akong tinitigan ngunit agad rin naman binawi na para bang hindi niya matagalan ang tingnan ako. Kung tutuusin ay ganoon rin naman ako sa kanya.
Bandang hapon ay nagyaya na si Sir Dashiel na umuwi na dahil ayaw niyang abutan kami ng dilim sa daan. Sa paglalakad ay si Zadriel ang kasabay namin ni Maricel. They seem close now while Tate was walking with Sir Dashiel.
Hindi kaya at magkaaway ang dalawa?
"Magtatagal ba kayo dito, Zadriel?" maarteng tanong ni Maricel na ikinakunot ng noo ko.
Zadriel? Kailan pa siya nawalan ng galang sa mas nakakataas sa kanya?
"No. We'll be going back home tomorrow."
"Kasama mo siya?"
"Who?" Zadriel asked as he gave Maricel a quick glance, raising his thick eyebrow a bit. Mas mukha talaga siyang mapaglaro kesa kay Sir Dashiel.
Mukha rin naman iyon mapaglaro pero mas lamang ang pagiging seryoso at maawtoridad. His aura screams power.
"Si Tate."
"Magkasama kaming pumunta dito. Uuwi rin kaming magkasama."
Nakita ko ang biglang pag asim ng mukha ni Maricel.
"Kahit magkaaway kayo?"
"It's just a little misunderstanding. My woman doesn't know how to get mad."
Lihim akong natuwa sa sagot na 'yon ni Zadriel. Halatang kahit may hindi sila pagkakaunawaan ni Tate ay matimbang pa rin ang pagmamahal niya para dito.
Nakarating kami sa mansyon hindi kalaunan. Zadriel insisted to send us home while Tate is in front of us. He's obviously making her jealous. Pumayag rin naman si Tate na ihatid kami ng nobyo niya, halatang nangaasar rin.
"Mauna na kami, Sir Dashiel. Salamat po." paalam ko sa kanya nang aastang papasok na siya sa loob ng bahay.
Tumango siya, seryoso na naman ang ekpresyon ng mukha.
"Salamat rin. Mag ingat kayo."
Isang tipid na ngiti lang ang pinakawalan ko. Naglakad na kami palabas sa malawak na bulwagan nang magsalita si Maricel.
"Sana ay hindi ka na nag abala pa, Zadriel. Malapit lang naman ang sa amin." aniya, halata ang kilig sa boses.
Huwag ka masiyadong umasa, Maricel.
"It's nothing."
Malapit na kami sa gate nang makita namin si Ma'am Cheska na papasok pa lang kasama si Sir Daniel. Ngumiti sila sa amin.
"Uuwi na kayo?" tanong ni Ma'am Cheska.
"Opo, Ma'am."
"Naku, dito na kayo maghapunan. I honestly want to thank you for accompanying them earlier. Is it fine with you, Dreya?"
"Ayos lang naman po, Ma'am!" si Maricel ang sumagot.
Saka lang inilipat ni Ma'am Cheska ang paningin kay Maricel nang magsalita ito. Her smile lessened a bit but still nodded her head.
"Alright. Pumasok na tayo sa loob. The dinner is already served."
Gusto ko pa sanang tumanggi dahil medyo marami pa akong gagawin sa bahay. Pero dahil nahihiya naman akong tanggihan sila ay wala na rin akong nagawa.
Pumasok kami sa bulwagan, diretso sa hapagkainan. Sir Daniel is already sitting in the center. Sa tabi niya ay naroon si Ma'am Cheska. Nagpaalam si Zadriel na aakyat muna kung kaya kaming dalawa lang ni Maricel ang naupo sa kabilang hilera.
"I hope you enjoyed being with them, Dreya. Medyo suplado ang magpinsan na iyan kaya nagaalala ako na hindi kayo kinausap." si Ma'am Cheska habang ang paningin ay nasa akin.
Ilang kasambahay ang nagaayos ng mga pagkain sa harapan namin. Tipid akong ngumiti.
"Ayos lang naman po. Kinakausap rin naman po ako ni Sir Dashiel kahit papaano."
"Kinakausap rin po ako ni Zadriel."
Ma'am Cheska looked at her. "He did? I thought he's too focused on Tate."
Humalakhak si Sir Daniel. "You know that one can be too playful. Just like his father."
Nilingon ni Ma'am Cheska ang asawa. "Si Zion? I don't think so, Dan. You are much playful than your brother."
"Were, baby. Past tense. I'm a changed man since I met you." he winked at her.
Ma'am Cheska rolled her eyes but a genuine smile was etched on her lips.
"Hear that? Hanggang ngayon ay binobola mo pa rin ako," natatawang aniya saka ako tiningnan. "Pasensya na. Ganito lang talaga kami."
"Naku, wala pong problema iyon, Ma'am."
Naagaw ang atensyon naming lahat nang makarinig kami ng lagapak ng tsinelas. Tumingin ako sa gilid at nakita si Sir Dashiel na pababa ng hagdan, bagong ligo at mamasa-masa pa ang buhok.
The moment our eyes locked with each other, he stopped. He even stopped drying his hair as if seeing me surprised him.
"Adam, come here. We're about to start our dinner. I invited them to join us, pasasalamat na rin." si Ma'am Cheska.
Bakit niya tinawag na Adam si Sir Dashiel? Pangalan niya rin ba 'yon?
Hindi nagsalita si Sir Dashiel at nagdiretso na lang papunta sa gawi namin. He sat in front of me, looking so stern and strict.
"Where's your cousin and Tate?" tanong ni Ma'am Cheska sa anak.
"In their room..." tamad na sagot nito.
As if on cue, Zadriel and Tate showed up in the dining area, they're holding duffel bags as if they're leaving.
"Sorry about this sudden decision, Tita Cheska and Tito Daniel. Tate here got a problem regarding her work and her staff need her presence. Kailangan na namin makarating ng Maynila ngayon." si Zadriel, ang isang kamay ay nasa bewang ng nobya.
Pasimple kong sinipat si Maricel. Wala sa sarili akong natawa nang makita ang pangangasim ng mukha nito.
"Hindi na ba puwede ipagpabukas? Delikado na sa daan." si Sir Daniel.
"I'm sorry, Tito Dan, as much as I want to stay here for a little longer, my people need me. Puwede ko naman po iwanan si Zadriel dito-"
"Tate..." Zadriel warned.
Humagikhik si Tate at tiningnan ang nobyo. "Char lang! Isasama kita kahit saan ako magpunta. Kahit sa ilalim pa ng lupa. Gusto mo 'yon? Gusto ko 'yon!"
Natawa si Ma'am Cheska, maging si Sir Dashiel ay napangisi na rin.
"If that's the case then, take care on your way there. Please call me, Zadriel, if you and Tate are already home."
"I will, Tita Ches."
"Thank you for accommodating me here, Tita Cheska and Tito Daniel!" maligalig na saad ni Tate.
"Anytime, Tate. Regards to your parents."
Nakaalis na ang dalawa nang muling magsalita si Ma'am Cheska.
"That two, they look perfect for each other. I can see the chemistry in them. Kesa kay Dianarra. Rian doesn't even like that woman for her son."
"Mother's instinct, I guess. I wonder when our son here is planning to get serious. No more flings anymore." Sir Daniel chuckled.
"Is it possible to happen?" singit naman ni Ma'am Cheska.
Napatingin ako kay Sir Dashiel. He suddenly anchored his eyes on me while holding a glass of water. His grip on it was calm but I can still see the veins on his hand.
"Just waiting for the right woman."
Nagbaba ako ng tingin. Sa mga oras na ito, hindi ko kinaya ang intensidad ng mga titig niya. Parang may iba. Parang may kahulugan. O, sadyang nagiilusyon lang ako.
Hindi ko namalayan natapos na ang hapunan. Sa buong oras na 'yon ay hindi ako nagsasalita. Tanging ang pamilya Monasterio lang ang naguusap tungkol sa negosyo. Samantalang si Maricel ay paminsan-minsan nakikisali sa kanila. Hindi ko tuloy naiwasan mapansin ang paniningkit ng mga mata ni Ma'am Cheska habang nakatingin sa kanya.
"Dashiel, anak, ihatid mo na sila Dreya sa bahay nila-"
"Ay naku, Ma'am Cheska, hindi na po kailangan. Ayos lang po-"
"I insist, Dreya. Kahit na taga rito ka pa ay delikado pa rin ang daan. Let my son walk you till your house. I won't take no for an answer." putol sa akin ni Ma'am Cheska.
Napatingin ako sa gawi ni Sir Dashiel. He's sitting on the couch, crouching over the laptop while playing with his lower lip. He looks too engaged with what he's doing. Siguradong negosyo ang pinagkakaabalahan niya. Nag angat siya ng tingin sa akin. Isang tango ang ginawa niya na para bang sinasabi niyang ayos lang ang gusto ng Mama niya.
Napakamot ako sa noo saka nilingon si Ma'am Cheska. She's smiling at me, face very soft ang angelic.
"Pumayag ka na, Adrestia! Arte mo naman, naku."
Naglaho ang ngiti ni Ma'am Cheska nang marinig iyon. She breathed a sigh and then put her smile back on her face.
"Sige na, Dreya. Magpahatid na kayo dahil gabi na rin. Si Dashiel na ang bahala magpaliwanag sa mga magulang ninyo."
Bago pa ako makasagot ay nakita ko na ang pagsara ni Sir Dashiel ng laptop saka tumayo at naglakad na palabas, hindi na lumingon pa sa gawi namin.
"S-Sige, Ma'am. Maraming salamat po sa hapunan."
"No problem. Thank you, too. Please take care."
Ngumiti akong muli sa kanya saka kami naglakad palabas ng bahay ni Maricel. Sininghalan niya pa ako dahil daw sa pagiging maarte ko.
"Ayokong isipin nila na namamantala tayo, Maricel. Kaya naman natin umuwi. Dito na tayo lumaki sa lugar na ito at halos saulo na natin ang daan kahit pa gabi na. Anong mali sa pagtanggi ko?" katwiran ko.
"Ayun na nga! Si Ma'am Cheska 'yon tapos tinatanggihan mo!" angil niya.
Nilingon ko siya, kunot ang noo niya habang nakakrus ang mga kamay sa ibabaw ng dibdib.
"Bakit ba parang ang sungit mo?" tanong ko. Magdadagdag pa sana ako ng tanong ngunit nakita ko na si Sir Dashiel na nasa tabi ng gate nila at nakasandal roon, ang mga kamay ay nakapaloob sa bulsa ng pantalon habang nakatingala.
Nang makarating sa gawi niya ay nagbaba siya ng tingin sa amin at umayos na tayo.
"Tayo na?" tanong niya, nasa akin ang paningin.
Kumurap kurap ako. "Tayo na po?"
He chuckled. "Ang ibig ko sabihin, hatid ko na kayo?"
Nakita ko ang paglingon sa akin ni Maricel at nginiwian ako. Uminit ang batok ko sa kahihiyan. Kahit kailan talaga ay lagi na lang ako napapahiya sa harap ni Sir Dashiel.
"Ah, o-opo!" bawi ko, napapahiya siyang tiningnan.
Umangat ang sulok ng labi niya habang nakatitig sa akin, tila ba nangaasar pa.
Nagsimula na kaming maglakad. Dahil madadaanan namin ang bahay ni Maricel ay siya ang mas unang naihatid.
"Salamat, Sir Dashiel." paalam niya na halatang wala talaga sa mood.
"Alright. Thanks, too."
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Sa mga sandaling ito, kaming dalawa na lang ang natira, naglalakad sa ilalim ng maliwanag na buwan at mga bituin. Ang malamig na hapyaw ng panggabing hangin ay nagagawang isayaw ang mga buhok namin.
"Your friend seems to be in a foul mood." Sir Dashiel chuckled.
Maging ako ay natawa ng kaunti. "Hindi ko nga po alam kung bakit."
"Must be because of Zadriel. She might took their closeness awhile ago in a wrong way."
Alam kong iyon nga ang dahilan. Ayaw ko lang na sa akin manggaling.
"I don't want to be sound rude but my cousin was just using her to make Tate jealous. That man was head over heels in love with her." dagdag pa niya.
"Halata naman po. Pagkakamali na 'yon ni Maricel. Baka po inisip niyang na love at first sight si Sir Zadriel sa kanya." natatawang sabi ko.
Matunog siyang ngumisi. "Do you believe in that?"
Nilingon ko siya, diretso lang siyang nakatingin sa dinadaanan namin. "Sa love at first sight po?"
"Yes..."
"Hindi ko po alam. Siguro po. K-Kayo po ba?"
He shrugged his shoulders.
"In some cases, it might be true..." sabi niya. "Saka ko na sasabihin ang sagot sa'yo, kapag ako na mismo ang nakaranas."
Ngumuso ako, hindi na sumagot pa. Natanaw ko na ang kahoy na bahay namin. Malayo pa man ay sumasalubong na sa akin si Browny. Narinig ko ang bahaw na halakhak ni Sir Dashiel.
"There goes your body guard." he teased.
Ngumiwi ako ngunit natatawa na rin. Nakarating na kami sa tapat ng bahay hindi kalaunan. Huminto kami, nahihiya ko siyang hinarap.
"Salamat po sa paghatid, Sir Dashiel."
Tumango siya, ang mga kamay ay nasa loob pa rin ng pantalon niya.
"Do you want me to talk to your parents? Magpapaliwanag ako kung bakit ka ginabi."
"Naku, hindi na po. Ako na po ang bahala."
"Sure?" he asked, his eyes were like the midnight sky, dark and mysterious.
"Sigurado po ako."
Tumango siya at huminga ng malalim.
"Mauuna na ako kung ganoon."
"Sige po. Mag ingat po kayo."
His lips twitched, making him ridiculously handsome while eyeing me intently.
"Magiingat ako..."