Kabanata 6
Maluwag ang pakiramdam ko nang makauwi ako sa bahay. My presentation went well. The admiration in my classmates and professors’ eyes were too much to take that I couldn't still forget their smiles even if I am already home. Masarap lang sa pakiramdam na nagbunga ang isang bagay na pinaghandaan ko ng mabuti.
"Adrestia, sasama ka ba mamaya sa birthday ni Mang Abner?" tanong ni nanay habang dinidiligan ko ang mga alagang bulaklak.
Nilingon ko siya. Mas lalong tumingkad ang kanyang kayumangging kulay dahil sa pagkakatama ng panghapong araw. Sinipat niya ako habang abala siya sa paglalagay ng mga daing sa malaking bilao.
"Imbitado ang lahat maging ang mga kabataan. Siguradong naroon sila Maricel at Ronnel." dagdag pa niya.
"Sige, nay. Sasama ako at sasaglit lang."
Tumango siya saka binalingan ang mga dinaing na bangus. Maging ako ay bumalik na rin sa pagdidilig.
"Doon sa mansyon ng mga Monasterio gaganapin ang selebrasyon." aniya
Napahinto ako, wala sa sariling napatitig sa mga bulaklak.
"Bakit doon? Hindi ba at sa tambayan nagse-celebrate lagi si Mang Abner?" tanong ko, hindi maiwasan makaramdam ng kung ano sa dibdib ko.
"Iyon ata ang gusto ni Sir Dashiel. Isa pa ay sagot naman niya lahat ang magiging selebrasyon. Pasasalamat na rin sa matagal na serbisyo ni Mang Abner sa pamilya nila. Iyon ang sabi."
"Ibig sabihin ay naroon rin si Sir Dashiel, nay?" walang saysay na tanong ko.
Bakit ko pa ba naitanong 'yon? Siya ang amo namin, siya ang batas dito. Malamang sa malamang ay naroon siya. Sa mismong bahay niya.
"Anong klaseng tanong iyan, Adrestia Lucinda?"
Peke akong natawa. "Biro lang 'yon, Nay. Ikaw naman..."
"Umamin ka nga sa akin na bata ka. Ikaw ba ay humahanga sa amo natin?"
Natigil ako sa ginagawa at mabilis na nilingon ang gawi ni nanay. She's already looking at me, throwing me a judging stare.
"W-Wala, nay! Hindi ko naiisip ang mga ganyang bagay..." katwiran ko, nauutal pa at halatang palyado. "Bakit ninyo naman po naitanong?"
Mabilis akong tumalikod at itinuloy ang ginagawa, mabilis ang kalabog ng dibdib.
"Ang balita ko ay siya ang naghatid sa'yo sa eskwelahan mo kanina."
"Nag magandang loob lang si Sir Dashiel, nay. Pupunta daw kasi siya ng bayan at isasabay na daw niya ako. Nahihiya naman ako tumanggi, nay." katwiran ko.
"Ipapaalala ko lang sa'yo, anak. Mataas na tao si Sir Dashiel at mababa lang tayo. Sa ngayon ay wala pa tayong puwede ipagmalaki. Mahirap magkagusto sa isang kagaya niya. Masasaktan ka lang."
It may be very cliche to say but she's right. Rich people cannot like us.
"Huwag kang magalala, nay. Alam ko naman ang tungkol sa bagay na 'yan." wala sa loob na sabi ko.
Sumapit ang gabi. Pagkatapos maghapunan ay nagtungo na kami nila nanay at tatay sa mansyon. Maliwanag ang bakuran, nagkalat ang ilang silya at mesa. Mayroon rin videoke na nakahanda. Naroon na halos ang lahat ng mga kasamahan namin sa bukirin at nagiinuman. They're all laughing and talking loudly. Malayo pa nga lang ay naririnig ko na ang boses ni Mang Abner.
I even saw Ronnel and Maricel with some of our friends on the other table. May isang bote ng lambanog doon. Sa itsura pa lang ni Maricel ay halatang kanina pa siya nakikipag inuman.
Mukhang nahuli kami ng dating.
My eyes searched for him but found none. Mukhang hindi siya makikisaya sa amin ngayon. Baka abala o hindi kaya ay walang oras.
"Nariyan na pala kayo, Emma! Halika na kayo dito!" si Aling Josie na naglalapag ng inihaw na baboy sa mesa nila.
"Oo, sige! Mukhang kanina pa kayo naguumpisa." si nanay.
"Dalawang oras na rin ang lumipas. Akala nga namin ay hindi na kayo makakarating."
"Malipayon nga kaadlawon, Tiyo Abner!" masayang bati ko sa matanda.
"Salamat, Dreya. Kumain na ba kayo? May nga nakahanda diyan. Kumuha lang kayo."
"Tapos na ho kami." sabi ko.
"Dreya, tara dito!"
Napalingon ako sa gawi nila Ronnel at nakitang sa akin siya nakatingin. He's smiling while waving his hand. Tumango ako bilang tugon at bumaling kela nanay.
"Nay, doon muna ako sa mesa nila Maricel."
Tumango siya. "Huwag kang iinom, Adrestia."
"Hindi ho."
Naglakad ako palapit sa mesa nila. Sinulyapan ko pa ang mansyon, umaasang kahit papaano ay makikita siya. Pero ayos lang naman kung hindi rin. Ayaw kong makaramdam ng pagkailang ng wala sa oras.
Maricel's tipsy smile greeted me.
"Hi, Dreya! Mabuti naman at dumating ka na. Akala ko ay magpapaka-madre ka na naman at hindi sisipot dito." natatawang aniya.
Tipid akong ngumiti at naupo sa tabi ni Ronnel dahil doon lang naman mayroong bakante.
"Dadalo naman kami. Natagalan lang dahil naghapunan pa."
"Bakit hindi na lang kayo dito kumain? Marami naman ang nakahanda." si Ronnel.
Nagkibit balikat ako, walang maisagot sa kanya. Sinubukan akong abutan ng isang baso ng lambanog ni Emilee, isa sa mga anak ng kasamahan nila nanay sa pagsasaka pero agad akong umiling. Natawa siya.
"Hindi na ako magpupumilit. Sinubukan ko lang." sabi niya.
I smiled at her. "Pasensya na—"
"Sir Dashiel, mabuti at narito ka na! Halika at samahan mo kami!" dinig kong sabi ni Mang Abner.
Ramdam ko ang awtomatikong paglipad ng kung ano sa sikmura ko sa simpleng pagkarinig ng pangalan niya. It's like someone put a live wire on my stomach that made me feel uncomfortable.
"Ang gwapo niya talaga." si Emilee. Nang sipatin ko siya ay nakita kong sa direksyon ng mansyon siya nakatingin.
Slowy, I turned my head to where she's looking at and found Sir Dashiel descending to the white marble stair looking so fresh and handsome.
Mamasa-masa pa ang buhok nito, tila bagong paligo. Preskong-presko sa suot na puting t-shirt at kupas na pantalon, kapares ang itim na tsinelas. He's smiling a bit while looking at the oldies' direction.
"Ang sarap pa..." si Maricel sabay hagikhik.
"Kayo talaga! Bakit hindi ninyo gayahin itong si Dreya? Hindi naaapektuhan ng pang labas na anyo ng isang lalaki. Walang pakielam." sabi ni Ronnel.
"Kahit naman magkaroon siya ng pakielam ay hindi rin siya mapapansin ni Sir Dashiel. Masiyadong makaluma ang isang iyan." sagot ni Maricel na ikinailing ko saka sila hinarap.
"Huwag na nga ako ang pagusapan ninyo."
"Sir Dashiel, dito tayo! Senior citizen ang mga nariyan!" sigaw ni Paul sabay nagtawanan.
"Aba at bastos ang bibig ng batang ito, ah!" si Aling Josie na natatawa rin naman. Maging ako ay natawa na rin.
Hindi ko narinig ang naging sagot ni Sir Dashiel. All I could hear was his deep chuckle. Ayaw kong tumingin sa gawi nila dahil natatakot akong magkasalubong ang mga mata namin.
"Dito po muna ako sa pwesto nila..."
It's as if there's a horse galloping inside my chest when I heard that baritone voice of Sir Dashiel. Lumunok ako. Ang makita si Maricel at Emilee na tila kinikilig ay senyales na papalapit na sa amin si Sir Dashiel.
"Can I join you?"
Huminga ako ng malalim nang marinig ang boses niyang iyon.
"Dito ka sa tabi ko, Sir Dashiel!" si Maricel na umusod pa upang bigyan ito ng espasyo.
Bakit nung ako ang dumating ay hindi naman siya nag alok ng upuan sa akin? Magtataka ka pa ba, Dreya?
"Thanks."
Wala na akong nagawa kung hindi ang tumingin sa gawi ni Sir Dashiel dahil sa mismong harapan ko siya naupo. The moment he settled himself there, he looked at my way and our eyes immediately locked with each other.
"Dashiel, shot ka muna! Nainom ka ba ng lambanog?"
Nanglaki ang mga mata ko sa paraan ng naging pagtawag ni Maricel sa kanya. Sir Dashiel seemed to not like the way she called him when he shot his brow up and made a sexy but dangerous smirk.
"Dashiel, huh?" he said, a tone of sarcasm was laced with his voice and suddenly grabbed the glass of lambanog from Maricel's hold.
Inisang lagok niya ito saka swabeng ipinatong ang baso sa ibabaw ng mesa.
"Ay, sorry! Sir Dashiel pala." hagikhik ni Maricel.
"Wala kang galang, Maricel!" si Ronnel.
"Nakaligtaan ko lang!"
Pasimple kong sinulyapan si Sir Dashiel. Mataman siyang nakatitig sa mesa, mahigpit ang pagkakahawak sa baso. He must have felt me staring at him when he suddenly anchored his eyes on me. Agad akong nagiwas ng tingin sa kanya.
"Ikaw naman, Dreya! Huwag ka ng kill joy. Bawal iyon dito!" wika na naman ni Maricel, lasing na talaga.
"Hindi ako iinom, Maricel."
"Huwag kang mag alala! Hindi naman makakarating kela Aling Emma at sa tatay mo," natatawang aniya. "Tumikim ka naman kahit isang beses-"
"Huwag mong pilitin," putol sa kanya ni Sir Dashiel dahilan para manahimik ito. "She can still enjoy the occasion without drinking this."
"Oo nga naman, Maricel! Bad influence ka talaga kay Dreya!" saad ni Ronnel na bahagya pang iniusod ang sarili sa tabi ko.
Napansin ko ang mariing pagtitig ni Sir Dashiel sa gawi namin. Mababa man ang lebel ay pailalim naman. Lumunok ako at suminhap ng sariwang hangin, pakiramdam ko ay bigla akong nainitan.
"Sir Dashiel, ilang taon ka na po?" tanong ni Emilee.
Umayos ng upo si Sir Dashiel, idiniretso ang likod at tamad na tiningnan si Emilee.
"Twenty nine."
Halos siyam na taon pala ang tanda niya sa akin.
"Hindi po pala tayo nagkakalayo ng edad. Bente singko lang po ako." sagot ni Emilee. "Iyon pong pinsan niyo na taga Maynila, ilang taon na siya?"
"Not sure of his specific age but I'm way older than him."
"Ilan kayong magpipinsan, Sir Dashiel?" si Maricel naman.
"Just three. We're supposed to be four but Zadriel's brother died at a very young age."
Tumango-tango sila. Tahimik lang akong nakikinig.
"May girlfriend ka na po?" humahagikhik na tanong ng isa pa naming kaibigan.
Bigla ay naging alerto ang pandinig ko, gusto rin malaman ang isasagot niya. I dared myself to look at him bravely.
"Wala..." sagot niya. Mula sa pagkakatingin niya sa kaibigan namin ay itinuon niya ang mga mata sa akin at mariin akong tinitigan. "...pa."
Impit na tili ang isinagot ng mga kasamahan kong babae. Sir Dashiel and I remained staring at each other like we're the only person here. I gulped to put moisture in my dry throat.
Kung hindi pa nag ring ang cellphone niya na nasa ibabaw ng mesa ay hindi pa mawawaglit ang tinginan namin. He moved his gaze down and stared at his phone for a little while before picking it up.
"Have to answer this. Excuse." sabi niya saka mabilis na tumayo. Ilang sentimetro ang inilayo niya sa amin bago niya sinagot ang tawag.
I even saw him walk inside their mansion like he's about to talk to a very special person. Ibinalik ko ang atensyon sa mga kasamahan. Naabutan ko si Maricel na nasa direksyon ni Sir Dashiel ang paningin. Bahagya nang namumungay ang mga mata niya, tila ba nanunukso.
"Hoy, Maricel! Natulala ka na diyan!" si Emilee, tatawa-tawa.
Ngumisi si Maricel. "Wala naman. May naiisip lang."
Minuto ang lumipas. Nagpaalam si Maricel na magbabanyo lang para umihi. Ganoon rin si Ronnel na sa tabi tabi lang naisipan pumwesto. Hindi pa rin bumabalik si Sir Dashiel. Siguro ay mahalaga ang pinaguusapan at tungkol sa negosyo.
"Wala na pala tayong tubig," wika ni Emilee at tumingin sa akin. "Dreya, puwede bang kumuha ka muna sa loob? Huwag ka mag-alala. May pa-abiso naman sila na puwede tayo kumuha ng kailangan natin diyan."
Tumango ako. "Sige. Ako na ang kukuha."
Tumayo ako bitbit ang malaking pitsel. May ilang beses na akong nakapasok ng mansyon noon kaya naman alam ko na kung saan ang kusina. Medyo may kalayuan nga lang dahil masiyadong malaki ang lugar.
Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang lingunin ang bawat painting na nakasabit sa mga dingding. Each and every masterpiece was obviously expensive. Sa kakamasid ko sa mga ito ay hindi ko na namalayan na papalapit na ako sa kusina.
Kusang huminto ang mga paa ko nang sa entrada pa lang ay matanaw ko na si Maricel at Sir Dashiel. He's leaning against the counter, imprisoning her inside his arms. Their faces were centimeters away from each other. Kaunting galaw lang ay puwede na nilang halikan ang isa't-isa.
Sir Dashiel was titling his face like he's about to kiss her. Unfamiliar pain suddenly crept on my heart as I gulped. Pakiramdam ko ay ngayon ko lang naramdaman ang emosyon na ito.
Bakit pa nga ba ako magugulat? Liberated na klase ng babae si Maricel. Hindi imposibleng maakit si Sir Dashiel sa kanya lalo pa at nagpapakita naman ito ng motibo.
I remained standing there, my heart feels like sinking under the ground. When Sir Dashiel moved even more close to her, my hold on the pitcher tightened.
"You really like me, huh?" I heard him say.