Simula
Simula
"Adrestia, ano ba! Sisilip na ang araw narito pa rin tayo sa bahay. Naroon na sa palayan ang tatay mo!"
Isang matunog na buntong hininga ang pinakawalan ko nang marinig ang sigaw na iyon ni nanay. Iminumog ko ang tubig sa lababo at nag ahon ng ulo.
"Susunod na lang po ako, nay! Sandali lang po."
"Ay naku ka talagang bata ka! Sinabi ko nang huwag kang magpupuyat kaka-cellphone. Binili namin iyan sa'yo para sa pag aaral mo hindi para sa kung saan, Adrestia, ha!"
Ngumuso ako. "Hindi naman po ako napuyat, nay."
"Dalian mo na diyan at sumunod ka na sa akin!"
"Opo!"
Bumalik ako sa pagsisipilyo, mas nagmamadali. Hindi na bago sa akin ang pagiging istrikto ni nanay pagdating sa oras ng trabaho. She's always been like that ever since I was a little girl. I've witnessed how efficient they are when it comes to work and how well they manage their time. Kaya naman ng lumaki ako at nagdesisyon tumulong na sa pagsasaka sa lupaing parte rin ng kinatitirikan ng bahay namin ay natutunan ko na rin ang ganoong pag uugali nila.
Nga lang, minsan ay hindi ko maiwasan ang hindi marindi kay nanay. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay palagi siyang nagaalala na baka mahuli kami sa trabaho. Ayaw niyang may masabi sa amin at sa mga kasamahan namin ang may ari ng lupain. I haven't meet the owner of this land yet. Sila nanay at ilang magsasaka lang ang nakakakilala sa kanila. Pero base naman sa naririnig ko ay mababait daw ang may ari.
Nga lang, hindi porque mabait ay puwede ng samantalahin.
Pagkatapos magsipilyo ay nag ayos na ako ng sarili at nagsuot ng damit na akma sa trabaho ngayong araw. Wala akong pasok dahil Sabado naman. Usually, most of my weekends are being spent here in the farm. Depende iyon kung walang project na kailangan asikasuhin.
Pagkalabas ng pintuan ay mabilis akong sinalubong ni Browny, kumakawag ang buntot at tila ba sabik na makita ko. I pat his head as he licked my hand.
"Kumain ka na ba, Browny?" tanong ko na akala mong magagawa ako nito sagutin.
The four year old dog only wagged his tail. I smiled and squatted in front of him. Inalis ko ang tingin sa kanya at ibinaling sa mga halaman sa aking tabi.
"Mamaya ko na lang kayo didiligan, nagagalit na kasi si nanay at pinagmamadali ako. Huwag kayong magtatampo, huh?" pagkausap ko sa mga halaman ay hinaplos pa ang dulo ng dahon nito.
Tumahol si Browny dahilan para maagaw ang atensyon ko. I saw it looking somewhere else. Nang sundan ko ng tingin iyon ay nakitang kay Rommel siya nakatingin. Kumaway siya sa akin na agad kong sinuklian ng ngiti.
"Sabay na tayo pumunta sa palayan." aniya.
Tumango ako.
"Sige, papunta na rin naman ako," tumayo ako at naglakad na palapit sa kanya. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya habang nakatayo sa tapat ng kahoy na gate. "Si Maricel, hindi mo ba dinaanan sa kanila?"
"Dumaan rin ako. Pero ang sabi niya kasi ay baka mamaya pa siya makapunta roon."
"Bakit raw?"
Nagkibit balikat siya. "Hindi sinabi, e."
Isinara ko ang gate bago sabay na naglakad paalis ng bahay. Sa gilid ko ay naroon si Browny ay sumasabay rin sa amin. Nakaugalian niya na ang pagsama sa akin sa tuwing pupunta ako ng palayan. Hindi ko nga alam kung bakit sa akin siya nasabay at hindi kela nanay. Siguro ay dahil ako ang madalas na nagpapakain sa kanya.
"Pagod na naman tayo nito buong maghapon." ani Rommel.
"Hindi ka pa nasanay. Wala namang parte ng pagsasaka ang madali at hindi nakakapagod."
"Kakaiba ka talaga, Dreya. Ni minsan ay hindi ako nakarinig ng pagrereklamo sa buhay na mayroon tayo umpisa pa lang. Hindi kagaya ni Maricel na kulang na lang ay isumpa na ang buhay na kinalakihan natin."
Sandali ko siyang nilingon at nginitian.
"Bakit naman ako magrereklamo? Dito sa trabaho na ito tayo binuhay ng mga pamilya natin. Normal lang naman ang mapagod, kasama na iyon sa buhay pero hinding hindi ko kailanman ito isusumpa."
"Pero wala ka bang balak na umalis rito sa probinsya at makipagsapalaran sa Maynila? Ang sabi nila ay marami raw oportunidad roon." dagdag pa ni Rommel.
Natahimik ako. Marami na akong naririnig na kwento tungkol sa lugar na iyon. I heard that it offers a lot of fine jobs where you can save up big for your future. Marami na rin akong nakilala na nagtungo roon at nakipagsapalaran, hindi na umuwi at doon na lang namuhay. I guess that place truly offers you fortune. Nga lang, ang paglayo sa pamilya ang magiging kapalit no'n.
"Hindi ako sigurado," sagot ko kay Rommel matapos ang ilang sandali. "Kapag nakatapos ako ng kolehiyo, maari kong pag isipan ang tungkol sa bagay na iyan. Tatanungin ko rin sila nanay."
"Isang taon na lang naman at matatapos ka na sa pagaaral. Puwede mong gamitin ang kursong matatapos mo roon."
A soft smile blossomed in my lips. "Tama ka, pero saka ko na iisipin ang tungkol sa bagay na iyan. Ikaw, may plano ka bang dumayo roon?"
Nilingon ko siya, saktong pagbaling niya rin sa akin. He stared at me for a little bit longer and smiled, his complete set of teeth showed up.
"Mayroon. Pero saka na rin siguro. Puwede tayong magsabay papunta roon kung gusto mo..."
Hindi lingid sa kaalaman ko ang kumakalat na balitang gusto ako ni Rommel ng higit pa sa kaibigan. I first heard it from some of our friends but I chose to ignore it. Mabait na tao si Rommel, may itsura rin naman kung tutuusin. Hindi katangkaran ngunit malaki at banat ang katawan. His hair is short but messy. He had a sun burnt complexion, a pair of black eyes and a bit wide lips. Mabait siya at responsable pagdating sa pamilya. Tipikal na ugali ng isang probinsyano.
He's a fine man actually but I don't find myself liking him back. Kahit naman sa eskwelahan ay wala akong nagugustuhan. Hindi ko pa lang talaga iniisip ang mga bagay na 'yon.
Nakarating kami sa tambayan kung saan roon nakatambay ang mga magsasaka. Naroon na si nanay at naghahanda na sa gagawing trabaho ngayong araw. Si tatay naman ay kanina pa nakasabak sa kabilang palayan at nag aararo.
Hinubad ko ang sumblero at ipinatong sa kahoy na mesa kung saan naroon ang magiging pananghalian ng lahat mamaya. Ibinagsak ko hanggang palapulsuhan ang manggas ng polo ko at tumingin kay Aling Josie na siyang taga luto ng pagkain namin.
"Muabot daw unya ang anak sa tag iya?" si nanay.
"Ou uy. Sigurado gyud ko nga mouban si sir Daniel ana kay mas kailangan man nato og kugihan."
"Uy mga buotan man gud na sila nga manag-asawa. Wala'y dili maayo nga mga tanom nila labi na ka Ma'am Cheska."
"Apan mas maayo usab nga wala nila namatikdi nga kini wala makapahimuot kanato," naiiling na sabi ni Aling Josie saka tumingin sa akin. "Magsugod na ba ka dae Dreya?"
"Oo, Aling Josie. Si Maricel ho ba hindi tutulong ngayon sa atin?"
Napailing siya sa akin. "Ambot sa batang iyon at nagiging sakit sa ulo. Kung umasta ay akala mong mayaman! Kagabi ay nakita kong nakikipaglampungan roon sa binata sa kabilang baryo."
Hindi ako nakasagot. Ilang beses ko na rin nakikita si Maricel na kasama ang binatang tinutukoy ni Aling Josie. Kilala iyon sa pagiging babaero dito sa lugar namin pero mukhang bali wala lang naman iyon kay Maricel.
"Mabuti na lang itong si Dreya mo ay wala pa sa pagiisip ang pakikiparelasyon, Emma?" dagdag pa ni Aling Josie kay nanay.
"Mabuti na lang nga. Sagana naman siya sa pangaral namin ng tatay niya. Nasa sa kanya na iyon kung isasaisip niya o hindi," tumingin sa akin si nanay. "Pero may tiwala ako sa batang iyan. Alam kong hindi niya hahayaan na hanggang dito na lang siya."
Matipid akong ngumiti sa kanya, naiintindihan agad ang sinabi. Istrikto man si nanay ay hindi kailanman niya ako pinangunahan sa mga desisyon ko sa buhay. They always made sure that they will support whatever decision I will be making in the future.
Hindi nagtagal at nasa gitna na ako ng palayan, hila-hila ang kalabaw sa ilalim ng tirik na araw at nagaararo. Mabilis ang bawat paggapang ng pawis sa aking mukha sa ilalim ng sumblerong suot. Tumigil ako sandali sa paghakbang at pinunasan ang noo gamit ang manggas ng damit ko.
"Dreya, ayos ka lang riyan?" sigaw ni Rommel ilang metro ang layo sa akin na nagbubungkal rin ng lupa.
Tumango ako, bahagyang nasisilaw sa tirik na sikat ng araw.
"Ayos lang ako!"
Ipinagpatuloy ko ang ginagawa. Hindi naging mahirap pasunurin ang kalabaw sa bawat galaw ko. Minsan kasi ay may makulit na kalabaw at mahirap pasunurin, parang may sariling mundo.
"Mabuti naman at mabait ka. Mabilis tayong matatapos panigurado," pagkausap ko sa kalabaw.
Mabagal na lumipas ang oras. Pagkasapit ng tanghali ay kumain muna kami bago nagpahinga sandali sa kubo. Hindi rin nagtagal at bumalik na kami sa kanya-kanyang trabaho.
Alas dos na ng hapon at hindi pa ako tapos sa ginagawa. Tinanaw ko ang kubo at napansin na halos lahat ng magsasaka ay naroon at nakahilera. Napansin ko rin si nanay na nakatingin sa gawi ko at panay ang senyas sa akin at tila pinapapunta ako roon.
Kumurap-kurap ako. Anong mayroon?
"Dreya, pumaroon ka at tinatawag ka ng nanay mo." saad ni Aling Lena na mukhang papunta na rin doon.
"Ano po bang mayroon?"
"Nariyan na ang may ari nitong lupain. Kikilalanin daw tayong lahat. Halika na!"
Isang tango lang ang isinagot ko saka niya ako tinalikuran, nagmamadali.
"Wala pa naman siya. Tatapusin ko na lang itong ginagawa ko." bulong ko sa sarili.
Tumalikod ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. Basa na ng pawis ang buong katawan ko at ang mga paa at kamay ko ay nababalutan na rin ng putik ngunit sanay naman na ako.
"Dreya, ano ba! Kanina pa kita tinatawag! Nariyan na ang amo natin!" sigaw ni nanay na ngayon ay nasa likuran ko na.
Binitawan ko ang araro at hinarap siya.
"Sandali lang, nay. Maghuhugas lang ako ng kamay-"
"Hindi na! Pumaroon ka na at nakakahiya! Dalian mo."
Mabilis siyang humakbang pabalik sa kubo. Sumulyap ako roon at nakitang halos lahat sila ay sunod-sunod at maayos na nakalinya, maging si tatay ay ganoon rin.
Mula sa kinatatayuan ko ay natanaw ko ang isang matangkad na lalaki na nakikipag kamay sa kanila. His face isn't that clear because I'm meters far away from them but I can see his tall height and firmed body.
Iyon na ba ang may ari?
Dali-dali akong humakbang paalis ng palayan at nagtungo sa kubo. Dahil nakahilera sila ay sa dulo na ako pumosisyon kesa tumabi pa sa kung nasaan sila nanay.
Tumayo ako sa dulo at nag angat ng tingin sa sinasabi nilang amo namin. Bahagyang kumunot ang noo ko nang masilayan ang isang lalaki na sa tingin ko ay mas may edad lang ng kaunti sa akin. If I am nineteen years old, I bet this man is already twenty six or older.
Siya ba ang may ari ng lupain na ito? Bakit ang bata pa niya? O, baka naman siya iyong tinutukoy nila nanay at Aling Josie na anak ng may ari?
"Magandang hapon po, Sir Dashiel." magkakasunod na bati ng mga kasamahan namin.
"Magandang hapon rin po,"
Lumunok ako nang marinig ang malalim at baritonong boses niya. Nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan siya habang isa-isa niyang kinakamayan ang mga trabahador.
Tama ako ng sabihin kong matangkad siya. Pero mas matangkad siya sa malapitan. Sa tingin ko ay hanggang balikat niya lang ako. Maputi rin siya at bahagyang namumula pa ang mga pisngi. Ang buhok niya ay malinis ang pagkakagupit na bumagay lang sa hugis ng mukha niya. He had a pair of strong jaws and narrow nose.
But then, I focused on his eyes, which were darting back and fourth, shining in the sunlight. They were a deep, earthy brown - the color of the earth after torrential rains. But there was something else in them, something glistening.
Suddenly, he locked eyes with me and I see just how deep they really are. They're not a solid brown. It's mixed with stormy black.
Huminto siya sa harapan ko, titig na titig sa akin.
"Dashiel Monasterio..." I heard him say but I feel like I am too preoccupied by his eyes.
Tao ba talaga ang isang ito?
Pakiramdam ko, saka lang ako bumalik sa sarili ko nang dunggulin ako sa balikat ng katabi ko. Nilingon ko siya at nakitang iningunguso ang gawi ng lalaki sa harapan ko.
Kumurap-kurap ako at napatingin rito. I saw him handing his hand to me. Mula sa pagkakatago ng mga kamay sa likod ay inilabas ko ito at astang kakamayan siya. Ngunit agad rin akong natigilan nang makitang puro sariwang putik pa ang kamay ko.
"P-Pasensya na po at mukhang hindi ko kayo m-makakamayan. Pero ikinagagalak ko po kayong m-makilala," nauutal na saad ko, hindi makatingin ng diretso sa mga mata niya. "Dreya po. Iyon po ang pangalan ko."
Ibinaba ko na ang kamay ko, nakaramdam ng pagkahiya sa kanya.
Bakit naman kasi hindi muna ako naghugas ng kamay!
Tumungo ako, walang narinig na sagot mula sa kanya. He's still standing in front of me for I can see his brown low cut leather boots stepping on the ground. Katapat nito ang mga paa kong nababalutan rin ng putik.
Halos lumundag ang puso ko nang maramdaman ko ang pagkuha niya sa putikan kong kamay ay ilapat sa malinis niyang palad. Kusa akong nag angat ng tingin sa kanya, tigagal at nanglalaki ang mga mata.
"Nice to meet you, Dreya." seryosong aniya habang titig na titig sa mga mata ko.