Kabanata 3
Paulit-ulit kong binabasa ang ilang pangungusap sa aking notebook habang wala sa sariling sumusulyap sa malawak na palayan. Amid the wheat, amid the soft golden ears, moves the unseen wind. It moves my hair and sea of summer grass all the same.
Mayroon akong nakatakdang long quiz bukas sa isang major subject at ngayon lang ang pagkakataon para makapag aral ako. Dito ko naisipan sa tambayan gawin ito dahil mas nakakapagisip ako ng maayos. Mabuti na lang rin at wala gaanong gawain ngayon kaya hindi ko kailangan tumulong.
"Naiinis talaga ako kay Jeffrey. Hihiwalayan ko na nga siya!" si Maricel na ikinawaglit ng paningin ko sa hibla ng mga palay.
Nilingon ko siya, nakatanaw rin siya sa kawalan ngunit salubong ang mga kilay habang magkakrus ang mga braso sa ibabaw ng kanyang dibdib.
"Sinong Jeffrey?" tanong ko.
"Iyong nobyo ko sa kabilang bayan. Ang sabi niya ay padadalhan niya ako ng load. Namuti na ang mga mata ko at wala pa rin!"
Tumaas ang mga kilay ko. "Hindi ba at nobyo mo rin iyong si Michael na taga kabilang baryo rin? Huwag mo sabihing pinagsasabay mo sila?"
"Ano naman ang masama? Parehas ko naman silang hindi sineseryoso. Past time lang ang dalawang iyon, Dreya. Hindi ganoon ang mga tipo ko."
"Kung ganoon ay bakit nagsasayang ka pa ng oras sa kanila?"
"Bored ako!" humalakhak siya. "Ang mga tipo ni Sir Dashiel ang gusto ko. Gwapo na mayaman pa. Siguradong kapag nagustuhan ako ng isang tulad niya ay aahon ako sa hirap at makakaalis na sa lugar na ito."
Umawang ang labi ko sa lantaran niyang pag amin tungkol sa pagkakagusto niya kay Sir Dashiel. Gusto kong matawa na hindi ko maunawaan. Imposible kasing magustuhan siya ng isang tulad ni Sir Dashiel. Siguradong ang mga kauri lang niya ang pagtutuunan niya ng atensyon. Iyong mayayaman at nasa alta sociedad. Pero siyempre ay hindi ko sasabihin iyon kay Maricel dahil sasama lang ang loob niya.
"Ikaw ba, Dreya? Hindi ka ba nangangarap na mapansin ni Sir Dashiel?"
Mabilis ang naging pagkalabog ng dibdib ko sa naging tanong niyang iyon. Sa kabila ng kakaibang pakiramdam ay pinili kong tawanan siya at umastang normal lang ang tanong niyang iyon.
"Masiyadong mataas si Sir Dashiel para pangarapin, Maricel. Alam ko kung saan lang ako nababagay."
Kahit na ang totoo, may kung anong kuryente ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko siya. Hindi ko alam kung bakit. Wala akong ideya dahil ngayon ko lang naman naramdaman ang ganoon.
Kahapon, nang sabihin niyang natutunaw siya, hindi ko alam kung ano ang dapat isagot. Siguradong ang pagtitig ko sa kanya ng ilang beses ang tinutukoy niya. Nakaramdam ako ng matinding pagkahiya noon sa kanya. Mabuti na lang at nagbukas ng tema si Aling Josie kung kaya nawaglit sa akin ang atensyon niya. If he continued staring at me for a little longer, I might be the one who melted.
"Sabagay. Tsaka imposible rin naman na magustuhan ka niya dahil masiyado kang makaluma. Halata naman kay Sir Dashiel na modernong babae ang mga gusto," natawa siya. "Kagaya ng mga babae sa Maynila."
"Kaya imposible rin na magustuhan ka niya dahil hindi ka isang Manileña."
Ngumiwi siya at sinamaan ako ng tingin.
"Hindi malabo. Kung umasta naman ako ay para rin akong taga roon."
Natawa ako, hindi sinasadyang magtunog nangaasar.
"Huwag mong pilitin, Maricel."
Isang irap pa ang natamo ko mula sa kanya. Natawa na lang ako at isang beses na umiling. Ibinalik ko ang tingin sa notebook at muling nagbasa.
"Dreya, anak, itigil mo muna sandali ang binabasa mo at dalhin mo ito roon sa mansyon."
Nag angat ako ng tingin sa gawi ni nanay. Abala sila sa pagsasalansan ng mga kakanin ni Aling Josie sa isang basket.
"Ibigay mo ito kela Sir Dashiel, sabihin mong ipinabibigay namin dahil tutungo sila ngayon sa talon kasama ang pinsan niya at iyong nobya nito."
Balitang dumating na ang pinsan ni Sir Dashiel mula sa Maynila kasama ang nobya nito. Hindi pa namin nakikita dahil hindi naman sila lumabas kahapon. I even heard that Sir Daniel Monasterio and his wife are also here. Medyo nakaramdam ako ng kaba sa kaalamang pupunta ako roon. I haven't met his wife yet. Tanging si Sir Daniel lang.
Masungit kaya ito at palaging seryoso kagaya ng anak niya? Si Sir Daniel naman ay palangiti kahit pa kababakasan ng pagiging strikto.
"Huwag mo kalilimutan bumati kela Sir Daniel at Ma'am Cheska, Adrestia." dagdag pa ni nanay at tumingin sa gawi ko. "Kunin mo na ito."
"Sasamahan ko na si Dreya, Aling Emma." si Maricel.
"Aba'y bakit sasama ka pa? Hindi naman mabigat itong dadalhin niya."
"Mahiyain itong si Dreya, nay. Mamaya ay makalimutan pa nitong bumati kela Sir Daniel."
Nilingon ko si Maricel. There's an evil smile on his lips as if there's some crazy idea running inside her head. Kung sa bagay, parehas naman namin alam ang dahilan kung bakit niya ako sasamahan.
"O siya, lakad na at baka umalis na ang mga 'yon."
Bumuntong hininga ako, wala ng magagawa pa. Ayaw ko sanang pumunta roon pero magtataka lang sila nanay kapag tumanggi ako. Ewan ko ba kung bakit bigla ay naging labag sa kalooban ko ang sumunod sa mga utos nila na may kinalaman kay Sir Dashiel. Parang hindi ako mapalagay.
"Mabuti na lang at ikaw ang inutusan ng nanay mo na dalhin itong kakanin," si Maricel nang nasa daan na kami patungo sa mansyon. "Gusto ko rin talaga makita si Sir Dashiel ngayon at iyong pinsan niya. Siguradong gwapo rin."
Napailing ako. "Puro lalaki na lang iyang nasa isip mo."
"Lalaking mayaman ang magaahon sa akin sa kahirapan, Maricel."
"Nagkakamali ka. Sarili mo ang magaahon sa'yo kung nasaan ka ngayon. Kaya nga tayo nagaaral, hindi ba?"
"Bakit pa ako magpapakahirap kung may madaling paraan naman?" Natawa siya.
Hindi na ako sumagot pa dahil wala rin naman iyong saysay. Sarado ang isip pagdating sa ganoong bagay.
Hindi pa man tuluyang nakakarating sa mansyon ng mga Monasterio ay natatanaw ko na si Sir Dashiel katabi ang isang maganda at kulot na babae. They're talking as if they're currently on a debate. Nakakunot ang noo ni Sir Dashiel, tila may hindi sinasang ayunan.
Sa harap naman nila ay isang lalaki at isang babae rin na nakaupo sa pasimano. Dahil nakatalikod sa gawi namin ay hindi ko makita ang itsura nila.
"Ay! Ayan na ata sila, Dreya!" impit na bulong sa akin ni Maricel.
Pumasok kami sa entrada ng bahay. Dumako agad sa akin ang paningin nung babaeng nasa harapan ni Sir Dashiel. Her cat like eyes were piercing and sharp. She looks intimidating and fierce but I won't deny the fact that she's beautiful.
Maputi ang balat, matangkad, elegante ang dating ng mukha at sopistikada kung tumigin. Sa tabi niya ay isang lalaki na nasa gawi nila Sir Dashiel ang paningin. Kagaya nito ay gwapo rin ito. Hindi sila nagkakalayo ng itsura. Nga lang, mas mukhang pilyo ito kumpara kay Sir Dashiel.
Ito ba 'yong pinsan niya at nobya nito?
"I've been there once, Mama. Saulo ko na ang lugar na 'yon."
"Isang beses pa lang, Dashiel. Matagal na rin iyon at ilang taon na ang nakakalipas."
Mama? Ibig sabihin ay ito si Ma'am Cheska? Masiyado siyang bata tingnan upang akalaing isa ng ina. I even thought that she's just some Sir Dashiel's friend. Para itong Diyosa kung titingnan. Her facial features are soft and very angelic. Her lively and curly hair gave justice on how gorgeous she is.
"M-Magandang umaga po..." mahina ang boses na bati ko upang agawin ang atensyon nila.
Successfully, they all looked at our way. Panay ang pasimpleng dunggol ni Maricel sa bewang ko sa hindi maunawaang dahilan.
"Good morning. What can we do for you?" bati sa amin ni Ma'am Cheska na sinuklian pa ng matamis na ngiti.
Hindi ko naiwasan ang tumingin sa gawi ni Sir Dashiel. He's looking intently at me. And for the countless time, his face was void of any emotion. Parang wala sa mood.
Bakit hindi ka mo ako nginingisian ng nakakaloko ngayon?
I gulped and avoided his eyes. Sa halip ay ibinaling ko ang tingin sa Mama niya.
"Nagpadala po si Aling Josie ng mga kakanin para po sa pamamasyal niyo sa talon." sabi ko.
She smiled.
"That's so nice of her..." aniya at lumapit sa amin. Inabot ko sa kanya ang basket na agad naman niyang kinuha. "What's your name, hija?"
"D-Dreya po..."
"Nice to meet you, Dreya. I'm sure you are very familiar with this place. Ayos lang ba kung hihilingin ko sa'yo na samahan sila sa talon na pupuntahan nila?"
"Mama, that isn't needed. I already know the direction." reklamo ni Sir Dashiel, halatang hindi gusto ang ganoong ideya.
Ma'am Cheska rolled her eyes and glanced at her son.
"Dashiel, mas mabuti na 'yong may kasama kayong maalam na talaga sa lugar na pupuntahan ninyo. Don't argue with me about this anymore." salungat niya saka kami muling hinarap. "Ayos lang ba sa'yo?"
Sinulyapan ko si Sir Dashiel at nakatitig na naman ito sa akin. He slightly raised his brow up as if he's telling me not to agree.
Bakit parang hindi niya gusto ang ideya na sasamahan namin sila? Puwede naman akong tumanggi. Kaya lang ay nakakahiya kay Ma'am Cheska.
Tumango ako hindi kalaunan at iniwasan na ang malalim na tingin ni Sir Dashiel.
"Ayos lang po. Pero puwede ko po ba isama itong kaibigan ko?"
"Sure, no problem, Dreya." Ma'am Cheska smiled before looking at his son again. "Are we done now, Dashiel?"
Bumuntong hininga ito, tila hindi na gusto pang kontrahin ang ina dahil halatang wala naman siyang magagawa. Lumabas ang isang gwapo at matipunong lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay si Sir Daniel ito. It's been years since I last saw him and his face was still the same.
May lahi bang bampira ang mga ito? Bakit parang hindi sila tumatanda?
"Is everything okay here?" si Sir Dashiel saka inakbayan si Ma'am Cheska. They look perfect together.
"I told her not to bring any other companions with us. Alam ko naman ang direksyon papunta roon sa talon," ungot ni Sir Dashiel sa ama niya sa supladong paraan. "Abala ang mga iyan sa palayan. Inaabala natin sila."
Sir Daniel looked on our way. Napatungo ako nang dumapo ang mga mata niya sa akin.
"Good morning!" I heard him greet that made me look at him. He's holding a soft smile for us. Gumanti rin ako ng ngiti pabalik.
"Magandang umaga rin po, Sir Daniel."
Isang ngiti pa ang pinakawalan niya saka hinapit si Ma'am Cheska palapit sa kanya. Nilingon siya nito at bahagyang pinagangatan ng kilay.
"Let them, Ches. Our son here surely knows where that place is-"
"You don't argue with me too, Dan. Dreya and her friend will be with them."
Sir Daniel slightly bit his lower lip and looked at his son. He shrugged his shoulders.
"What your mother says always goes, son." he chuckled.
Ngumisi si Sir Dashiel, napapailing. "As expected, Dad."
Hindi rin nagtagal at nasa daan na kami patungong talon. Nauuna si Sir Dashiel, sunod kami ni Maria at sa likod naman ay iyong pinsan nya at nobya nito. I heard that his cousin's name is Zadriel and the elegant woman is Tate. Naririnig ko iyon kapag kinakausap sila ni Sir Dashiel.
"Ih, ano ba! Gusto mo na naman umi-score, eh! Nabitin ka ba kagabi?"
Bahagyang uminit ang batok ko nang marinig ang bulgar na litanya na iyon ni Tate.
Humalakhak si Zadriel, buong-buo ang makapal na tinig.
"I'm always excited about you, Tate. You know one round isn't enough."
"More jerjer, more fun ka na naman!"
"Tss. Taga Maynila ba talaga ang babaeng iyan? Bakit ganyan siya kung magsalita? Akala mong hindi mayaman." dinig kong bulong ni Maricel sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag kang maingay. Baka marinig ka."
Inirapan niya ako. "Ang landi-landi!"
At sa'yo pa talaga nanggaling ang salitang iyan, huh? Kung tutuusin ay tama naman siya. Mukhang may pagkamaharot si Tate at bulgar pa magsalita. Pero wala naman sigurong masama dahil nobyo niya si Zadriel.
Itinuon ko ang atensyon kay Sir Dashiel. He looks so stiff right now. Diretso ang lakad niya at tila ba walang ibang kasama. Parang wala sa mood.
Baka ayaw niya talaga na kasama kami? O, marahil ay nahihiya siya sa pinsan niya na may kasama silang kagaya namin?
Huwag kang ganoon magisip, Adrestia. Hindi ganoon si Sir Dashiel. Mabait siyang tao kahit pa may pagkasuplado. Hindi ba at walang arte niyang kinuha ang kamay mo noon kahit putikan para lang makipagkilala sa'yo?
"Finally, we're here!" saad ni Tate nang makarating kami. Namumula na ang pisngi niya dahil sa init.
Naupo sila sa isang batuhan di kalayuan ni Zadriel. Ganoon rin kami ni Maricel. Si Sir Dashiel ay naglakad sa gilid ng talon at nakapameywang na pinagmasdan un. He looks like a God looking at his creation. His upper back was screaming masculinity.
"Maliligo ka ba, Dreya?" tanong ni Maricel.
"Hindi. Manonood lang ako. Ikaw?"
"Depende, kung may makakasama ako maligo." aniya at tumingin sa gawi ni Zadriel.
Maging ako ay napalingon doon. Mariin itong nakatitig kay Tate habang ang nobya ay may kausap sa cellphone. Sa paraan ng tingin niya dito, para bang si Tate lang ang babae sa paligid niya.
"Huwag ka ng umasa," pangbubuska ko kay Maricel at ibinalik ang tingin sa talon.
Inismiran ako ni Maricel. It's then Sir Dashiel pulled his white shirt out from the back of his neck and threw it out on the rocks. Sunod niyang hinubad ang pantalon na suot dahilan para magiwas ako ng tingin.
The next thing I heard was the splash of water.
"Grabe..." si Maricel na ang direksyon ng tingin ay nasa talon, alam ko na agad ang tinitingnan niya.
"Bakit ba kasi ayaw mo maligo? Kaya nga tayo nandito para mag-swimming. Kill joy ka!" malakas ang boses na saad ni Tate na nakapagpalingon sa amin.
She's pulling Zadriel's hand but Zadriel seems not in the mood for that.
"Come on! Take that shirt off." dagdag pa ni Tate.
"I'm not in the mood to swim, Tate."
"Then why did you come here with us?" padabog na binitawan ni Tate ang kamay ni Zadriel at umirap.
"Ang arte niya talaga! Hindi naman kagandahan." iritableng wika ni Maricel.
Nilingon ko siya. "Maganda naman talaga siya. Sobrang ganda pa nga."
"Maputi lang siya!" asik nito.
Napailing na lang ako dahil halata namang naiinggit siya. Inalis ko na ang atensyon sa kanila at itinuon na lang ito sa talon. Naabutan kong nakatingin sa gawi ko si Sir Dashiel ngunit agad rin nagbawi nang magtama na ang mga mata namin.
Kumurap-kurap ako. Nakasandal ang dalawa niyang mga kamay sa batuhan, sa gilid siya ng talon nakapwesto. Umihip ang pang umagang hangin, isinasayaw ang mga dahon mula sa puno na nagbibigay repleksyon sa malinaw na tubig.
Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Kaya naman nang muli siyang tumingin sa gawi ko ay kitang kita ko. Nag angat siya ng kilay, pinagmumukha siyang suplado. There's a darkness comes under his brown orbs that made me swallow a bit but still didn't look away.
Hindi gumawa ng kahit anong ekspresyon ang aking mukha, gusto lang siyang titigan. Sa mga oras na ito, tila ba nawala ako sa sarili at hinayaan dalhin ng agos ng... paghanga ko para sa kanya.
Paghanga nga ba itong nararamdaman ko? Hindi ako sigurado. Baka. Puwede. Maaari.
Nakipagsukatan ako ng titig sa kanya. Sa huli, umiling siya at nagiwas ng tingin sa akin. He dived into the water that made me stop from staring at him too much.