Kabanata 2

2071 Words
Kabanata 2 "Dreya!" Yakap ang ilang libro, napatingin ako sa likuran ko nang marinig ang pagtawag na iyon sa akin. Nakita ko si Marcus, lakad-takbo patungo sa gawi ko. Huminto siya nang nasa mismong tabi ko na at sinabayan ako sa mabagal na paglalakad. "Uuwi ka na ba?" tanong niya. "Oo, uuwi na ako. Wala naman ng klase. Bakit?" "Ah, yayayain sana kitang manood ng laro namin mamaya sa basketball. Sandali na lang naman at magsisimula na 'yon." Napakamot ako sa aking sentido at wala sa sariling itinuon ang paningin sa dinadaanan namin. The afternoon sun is scorching that made me a little bit sweaty. Mas lalo akong pagpapawisan nito kapag nasa daan na ako pauwi sa bahay. "Pasensya ka na, Marcus. Marami pa kasing gagawin sa palayan ngayon. Tutulong pa ako kela nanay." sabi ko saka siya nilingon. Kinagat niya ang pang ibabang labi, tumatango-tango at may tipid na ngiti. The tiny holes beside his lips showed up. "Naiintindihan ko. Masipag ka talaga, mas lalo akong humahanga sa'yo." lantaran niyang sabi. Hindi na ako nagulat pa roon. Ever since I stepped up to college, Marcus didn't fail to express his admiration for me. Hindi kagaya ni Ronnel, bulgar niyang sinasabi sa akin na gusto niya ako. Halos buong campus ay alam ang tungkol roon. Pero kagaya nga ng bagay na itinatak ko na sa isip ko, hindi ako makikipagrelasyon hangga't hindi pa ako natatapos sa pagaaral. "Hindi naman. Talaga lang parte na ng buhay ko ay palayan..." Nakarating na kami sa gate. Huminto ako sa paglalakad at muli siyang nilingon. "Paano, mauna na ako sa'yo-" "Puwede ba kitang ihatid?" putol niya sa akin. Napakurap-kurap ako. Sa ilang buwan niyang paglapit-lapit at pakikipag usap sa akin, ngayon niya lang ako tinanong ng tungkol sa bagay na iyan. "B-Bakit? Wala ka na bang klase?" bigla ay naiilang na sabi ko. "Uy, mukhang umaarangkada na naman si Mendoza!" pangaasar ng ilang kalalakihan mula sa Business Management department nang mapadaan sa harapan namin. "Hi, Dreya! Huwag kang papaloko diyan kay Marcus-" "Gago! Umalis nga kayo dito." si Marcus. Inihagis nung isang lalaki ang hawak na bola kay Marcus, tatawa-tawa. "Wala, pre. Mahina ka pala. Ilang buwan ka ng nagpaparamdam diyan kay Dreya, e. Na-ghost ka na ba?" Sinipat ko si Marcus, napapailing ito at may ngiti rin namam sa labi. Mukha naman siyang hindi napapahiya sa ginagawang pangaasar sa kanya ng mga ito. Ganoon naman ata talaga ang mga kalalakihan. Inihagis niya ang bola pabalik sa mga ito bago ako nilingon. "Payag ka ba, Drey?" "Huwag na, ayos lang. Malapit lang naman iyon-" "Trenta minutos bago ka makarating sa inyo. Paano naging malapit iyon?" "Sanay naman na ako. At saka wala ka na bang klase?" Umiling siya. "Wala na. Mamaya pa ang practice namin kaya marami akong oras." "Payagan mo na, Dreya. Para naman ganahan mamaya sa practice game." halakhak pa ng isa niyang kaibigan. Wala sa sarili akong napakamot sa sentido ko. Bahagyang umihip ang hangin, nakaramdam ako ng kaunting kapreskuhan dahil doon. Inalis ko ang ilang hibla ng buhok mula sa aking leeg. Naabutan ko si Marcus na nakatingin sa mismong parte ng katawan ko na iyon. Tuloy ay nakaramdam ako ng pagkailang. "S-Sige. Kung hindi ka abala," Ayos lang siguro na pinagbigyan ko siya para na rin matahimik at hindi na mangulit sa susunod. Wala na rin naman akong balak na pagbigyan pa siya. Maaaring isipin niya na may pagkakataon siya sa akin dahil sa naging pagpayag ko na maihatid niya ako pero uunahan ko na siya bago pa dumating ang bagay na 'yon. Hindi nga nagtagal at nasa biyahe na kami ni Marcus. He wanted me to hold on his waist so I wouldn't fall down but I refused. Mas pinili kong sa bakal sa magkabilang gilid na lang ako humawak. Baka kasi bigyan niya pa ng malisya. "Dito na lang ako, Marcus." sabi ko nang malapit na kami sa kanto ng baryo namin. "Huh? Hindi ba at sa looban pa ang bahay ninyo? Doon na kita ihahatid." Paano niya naman nalaman na sa mismong looban pa ang bahay namin samantalang ito ang unang beses na naihatid niya ako. "Hindi, ayos lang. Sa mismong palayan kasi ako didiretso dahil naroon sila nanay-" "Doon na kita ihahatid kung ganoon." pangungulit niya pa saka tuluyang ipinasok ang motor sa baryo namin. Hindi na ako nakaangal pa, napabuntong hininga na lang. Makulit pala talaga ang isang ito. "Dito na lang. Naroon na ang tambayan namin." turo ko sa mismong kubo kung saan naroon ang mga magsasaka. Ilang metro lang ang layo nito sa amin. Kaya naman ng huminto ang motorsiklo sa tapat nila ay nakuha namin ang atensyon nila. Nakita ko si nanay na nasa akin ang mga paningin. Siguradong magtataka siya kung bakit may lalaking naghatid sa akin. Bumaba ako ng motor. Inalalayan pa ako ni Marcus. Muli akong sumulyap sa kubo at halos magdalawang balik pa ako ng tingin nang makita ko si Sir Dashiel. Nakaupo sa harap nila nanay habang nasa gawi ko rin ang mga mata. Anong ginagawa niya sa tambayan namin? For some unknown reason, my heart thumped faster just by seeing his presence. Hindi ko alam kung bakit pero simula nang pasimple niya akong asarin tungkol sa pagsundo sa akin ni Browny ay nakaramdam na ako ng matinding pagkailang sa kanya. Kapag nakikita ko siya, para akong laging kinakabahan at hindi ako sigurado kung bakit. "Magkita ulit tayo bukas, Dreya." agaw ni Marcus sa atensyon ko. Nilingon ko siya. "Wala akong pasok kinabukas." "Ganoon ba? Sa susunod na araw na lang kung ganoon." Tipid akong ngumiti. "Huwag mo sanang mamasamain pero ayokong bigyan mo ng kahulugan ang naging pagpayag ko sa paghatid mo sa akin dito." He stared at me into the eyes for a long while. I'm aware that my beads of sweat are crawling down my forehead and he could clearly see them but I ignored it. It's just... Marcus anyway. "Naiintindihan ko. Huwag kang magalala, alam ko naman kung saan ako lulugar." "Salamat kung ganoon. Sige, mauna na ako sa'yo. Ingat ka pagbalik sa school at good luck na lang sa practice game mo." Tumango siya. "Salamat, Drey." Isang tipid na ngiti lang ang pinakawalan ko saka ako tumalikod. Tinawid ko ang palayan saka diniretso ang kubo. Nanay's full of doubt eyes were still drilling into mine. Pero hindi iyon ang gusto kong bigyan pansin sa mga oras na ito kung hindi ang mga mata ni Sir Dashiel na hanggang ngayon ay nasa direksyon ko pa rin. He really has the eyes that could probably melt every woman's knees. Masiyado siyang malalim kung tumitig, hindi ko kayang tagalan. "Dreya! Sabi ko na nga ba at sasagutin mo rin 'yong si Marcus, e. Hindi ka lang talaga umaamin." humagikhik si Maricel na nasa tabi ni Sir Dashiel at inaayos ang dahon ng saging. Bakit nga ba siya narito? Naupo ako sa tabi ni nanay na hanggang ngayon ay nakasunod pa rin ang tingin sa akin. "Hindi, nagkakamali ka. Wala akong balak sagutin siya at isa pa ay hindi naman siya nangliligaw sa akin." "Sus! Lantaran naman sa eskwelahan na gusto ka niya. Kailangan pa ba na pormal niyang sabihin iyon sa'yo?" "Aba'y hindi ba at ganoon naman talaga dapat, Maricel? Kailangang pormal na sabihin ng lalaki sa isang babae kung gusto niya ito. Palibhasa ay kung sino-sino na lang rin ang hinahayaan mong pumatol sa'yo." Huminga ako ng malalim, hindi nagugustuhan na ako ang sentro ng atraksyon ngayon lalo pa at narito si Sir Dashiel sa harapan ko. Mula sa pagkakatingin sa mga pagkain na nasa harapan ay nag angat ako ng tingin sa kanya. He's already looking at me, face holds nothing but seriousness. "Magandang tanghali, Sir Dashiel." Just like what he did yesterday, the corner of his lips slightly rose. "Ganoon rin sa'yo, Dreya." aniya sa namamaos na boses. Nagiwas ako ng tingin at muling tumungo. "Narito si Sir Dashiel para sabayan tayo sa pagkain. Nakakahiya nga lang dahil simple lang ang mga ulam na mayroon tayo." "Wala pong problema, Aling Emma. Kumakain po ako kung anong nakahain sa mesa." "Salamat kung ganoon. Halatang tama ang naging pagpapalaki sa'yo ng mga magulang mo." sagot ni nanay. Hindi na naiwasan pa, muli akong nag angat ng tingin sa kanya. Nakangiti siya kay nanay, titig na titig at tila bata na handang makinig sa sasabihin ng nakakatanda sa kanya. "Nabalitaan ko kay Mang Abner na darating ang pinsan mo rito mula sa Maynila, Sir Dashiel." si Aling Josie. "Opo, mga tanghali po marahil ay narito na sila." "Wow! Makakakita na naman ako ng Manileño. Lalaki ba Sir Dashiel—" "Maricel, iyang bibig mo! Manahimik ka nga." sita sa kanya ni Aling Josie. Sir Dashiel let out a soft chuckle. Hindi ko akalain na mas may iga-gwapo pa siya kapag tumatawa. Sa ilang beses ko kasi siyang nakikita ay mas lamang ang seryoso. "Yes. He will be with his girlfriend. Dalawa silang pupunta rito." sagot niya. Nanatili akong titig sa kanya. Pasimpleng pinagmamasdan ang bawat parte ng mukha niya na tila ba pinagaralan mabuti ng May Kapal bago likhain. I admire how his pinkish lips move whenever he's talking. His almond eyes whenever he's smiling. Even his complexion, it's too fair. His skin looks smooth that I couldn't even see even the smallest scar. Mabilis akong napakurap-kurap nang bigla ay lumingon siya sa akin at maabutan niya akong nakatitig sa kanya. Nag angat siya ng kilay, bagamat may kaunting ngisi sa labi ay mukha pa rin suplado. Tumungo ako, nagkunwaring hindi siya tinitingnan kahit pa bistado na. Sana lang ay huwag niyang isipin na pinagmamasdan ko siya. "Luto na ang isda! Kumain na tayo," si Mang Abner hindi kalaunan. "Sir Dashiel, sariwa ang isdang iyan. Magugustuhan mo panigurado." Tiningnan ko si Sir Dashiel, ang isda pala... ngunit nag angat pa rin ng tingin sa kanya. I saw him looking at the grilled fish. "Mukha pong masarap." aniya at may kaunting ngiti sa labi. Sa pangalawang pagkakataon ay nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na magbawi dahil masiyado naman na akong halata. Muling umusbong ang nakakalokong ngisi sa labi niya. "Natutunaw..." wika niya sa mahinang boses habang titig na titig sa akin. "Ang alin ang natutunaw, Sir Dashiel?" tanong ni Aling Josie. Lumunok ako. Pakiramdam ko ay may ibig sabihin siya sa sinabi niyang iyon at ako mismo ang pinatatamaan. Pero... baka hindi naman? Baka. "Iyong yelo po sa baso ko, natutunaw na." sagot niya dahilan para palayain ko ang hangin na kanina ko pa pala pinipigilan ibuga. Akala ko ay ako ang sinasabihan niya. Sigurado namang wala lang sa kanya kung maabutan niya akong nakatingin sa kanya ng ilang beses. Baka nga sanay na siya na palaging pinagmamasdan ng mga kababaihan. "Sige, papalitan na lang natin ng bago," si Aling Josie. "Dreya, ayos lang ba na ikaw na ang kumuha ng yelo at lagyan ang baso ni Sir Dashiel?" Napatingin ako kay Aling Josie. Lahat sila ay may ginagawa at tanging ako lang ang wala. Normal lang na ako ang utusan niya. "S-Sige po." Tumayo na ako, hindi na muling tiningnan ang gawi ni Sir Dashiel. Kumuha ako ng isang yelo sa ice box at binasag ito sa puso para magbiyak biyak. Nang madurog na ay saka ko naman inilipat sa malukong. Mabilis ang tahip ng puso ko habang naglalakad papalapit kay Sir Dashiel na ngayon ay nasa mga pagkain sa harap niya ang paningin. Sinilip ko ang baso niya. Nasa gilid niya ito, sa tabi ni Maricel. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko saka nagtungo palapit doon. He's sitting straight, legs were wide apart. I can see how firm his thighs are through his denim jeans. Magkasalikop ang mga kamay niya habang nakatingin sa kawalan. Nang nasa tabi niya na ay bahagya akong dumukwang upang ilagay ang mangkok na naglalaman ng durog na yelo. Mula sa kinatatayuan ko ay naaamoy ko ang presko at mamahaling pabango niya. Mula sa gilid ng mga mata ko ay napansin ko ang paglingon niya sa akin. Kinuha ko ang baso niya kung saan tunaw na ang yelo. "Natutunaw..." bulong niya sapat lang para kaming dalawa lang ang makarinig. Napahinto ako sa ginagawa at awtomatikong napatingin sa kanya. Sinalubong niya ang mga mata ko. Sa sobrang lapit namin ay mas natitigan ko ang pagiging kulay kahoy no'n. "Ako..." dagdag niya pa na naging dahilan ng paglipad ng kung ano sa aking sikmura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD