Kabanata 1
Mabilis kong dinampot ang bag ko mula sa ibabaw ng lamesa at umisang higop pa ng kape sa puting tasa.
"Nanay, pasok na ako!" sigaw ko sa may katamtamang lakas para lang marinig niya dahil nasa likod bahay siya at nagluluto.
"Dali una dinhi, Dreya. Aduna koy isugo nimo."
Nanghaba ang nguso ko dahil kalahating oras na lang ay mahuhuli na ako sa pang unang klase ko ngayong umaga. Sasakay pa ako ng habal-habal para makarating sa escuelahan at ilang minuto rin ang itatagal noon.
"Ma-late na ako kaeskwela, nay!" nagkakamot sa ulo na sabi ko ngunit naglakad na rin naman patungo sa likod bahay.
"Sandali lang ito,"
Pagkarating ko sa likuran ay naabutan ko siyang nakapameywang at naghahalo pa ng iniluluto niya. Hinarap niya ako, hawak pa ang siyanse.
Mula sa kahoy at bulok na lamesa namin ay may ibinigay siyang isang papel sa akin.
"Ibigay mo ito sa tatay mo. Listahan iyan nang mga kailangang bilihin para sa palayan. Hinihintay na ni Mang Abner kaya lang ay nakalimutan naman ng tatay mo. Nagmamadali kasi."
"Asa si tatay karon?"
"Naroon sa mansyon. Ipinatawag ni Sir Dashiel at may paguusapan. Pumunta ka na roon at siguradong kanina pa hinihintay 'yan. Baka mahuli ka pa sa escuela."
Mabilis na nanghaba ang nguso ko. Hindi dahil sa ayaw kong sundin ang utos na iyon ni nanay. Wala naman sanang kaso kaya lang ay hindi ako kumportable sa ideyang doon mismo sa mansyon nila Sir Dashiel ako tutungo.
Simula nung nakakahiyang interaksyon namin kahapon, hindi ko maiwasan ang ulit-ulitin sa isip ko kung paanong walang arte niyang kinuha ang putikan kong kamay at inilapat sa kanya. Remembering how smooth and fair his hand was compared to mine, I couldn't help but to feel ashamed for myself. Marumi at ubod ng dami ng putik ang akin, paano niya nasikmurang hawakan iyon at umastang wala lang?
Sa itsura pa lang niya ay halata ng may kaartehan siya sa katawan. Although some part of me tells the otherwise. Na siya iyong tipo ng lalaki na walang arte. Pero malabo ata iyon. He's the heir of this huge land, and probably not just this property alone. Siguradong ang katulad niya ay pihikan at maselan.
"Bagay lang naman sa kanya mag inarte. Gwapo siya-"
"Unsa man kana, Dreya?"
Mabilis akong nag angat ng tingin kay nanay at naabutan itong kunot noong nakatitig sa akin.
"Wala, nay. Aalis na ho ako at dadalhin ito sa mansyon."
"Oo, sige. Mag ingat ka at mag aral ng mabuti.
Tumalikod na ako at lumabas na ng bahay. Muli akong sinalubong ni Browny. Sinipat ko ang mga alagang halaman at inisang haplos ito.
"Pakabait kayo mga halaman," nakangiting sabi ko saka nagtuloy-tuloy palabas.
Umihip ang pang umagang hangin. Bahagyang nililipad ang hanggang bewang kong buhok. Marahan kong sinisipa ang ilang maliliit na bato habang naglalakad, ang isip ay naglalakbay pa rin kung dapat ba akong tumuloy sa mansyon.
"Narito na ako, heto nga at naglalakad na papunta roon."
Narinig ko ang tahol ni Browny na hindi ko namalayan na kasama ko pala.
"Browny, tutuloy ba ako? Kung magdahilan na lang kaya ako na mahuhuli na talaga ako sa klase?"
Dalawang beses siyang tumahol na tila ba hindi payag sa suhestyon ko.
"Sige na nga. Baka si tatay pa ang mapagalitan dahil sa akin."
Napipilitan man ay tinunton ko na ang daan patungo sa mansyon. Malapit lang naman 'yon kung tutuusin. Hindi ako mahuhuli sa klase ko kung tanging ang pag abot lang naman kay tatay ng listahan na ito ang gagawin ko.
The white huge gate of the Monasterio Mansion is already open when I reached the property. Nagtuloy-tuloy ako sa pag pasok. Sa mismong malawak na terasa pa lang ay natatanaw ko na si tatay. Nakaharap ito sa gawi ko habang kausap si Sir Dashiel na nakatalikod naman.
Bumuntong hininga ako. Aaminin kong kahit nakatalikod siya ay napakalakas ng dating niya. Suot ang isang kupas na maong na pantalon, puting t-shirt na halos hapit at ipinapakita ang magandang hubog ng katawan niya, hindi maipagkakaila na maraming babae ang nahuhumaling sa kanya.
Ano pa nga ba ang nakakapagtaka roon? He's a city man, handsome and rich. Most of the women are probably after him. Namamangha lang talaga ako dahil sa totoo lang ay siya pa lang ang lalaking nakiya ko na ubod ng gwapo. Palibhasa ay bihira naman ako makakita ng taga Maynila.
"Dreya, nariyan ka na pala. Dala mo ba ang listahan?" si tatay na pumutol sa paglalakbay ng isip ko.
Tumango ako. "Dala ko na, tay."
Humakbang ako patungo sa gawi nila. Malayo pa man ay nakita ko na ang marahang pagpihit ni Dashiel sa gawi ko. Our eyes locked with each other. There's no trace of smile in his face, only sternness. Maging kahapon naman nang magpakilala siya sa aming lahat ay tipid na ngiti lang ang ibinigay niya.
"Magandang umaga po, Sir Dashiel." mahina ang boses na bati ko at may kaunting ngiti sa labi, naalangan.
Shoving his hands inside his jeans’ pocket, he nodded without any ghost of smile on his face.
"Morning..."
Lumunok ako at dinala ang tingin kay tatay. Inabot ko sa kanya ang papel na agad niyang kinuha.
"Papasok na rin—"
"Sandali lang, Sir Dashiel, iaabot ko lang po ito kay Abner," putol ni tatay sa akin bago ako nilingon. "Hintayin mo na ako, Dreya."
"Sige, tay."
Napakamot ako sa ulo nang mabilis na tumalikod si tatay at nagmamadaling umalis. Nakaramdam ako ng mas matinding ilang nang kami na lang ni Sir Dashiel ang naiwan habang nakatayo ako sa harapan niya. Tumungo ako, ang mga mata ay nasa lupa.
Tatalikod na ba ako? Baka naman sabihin niya ang bastos ko. Dapat siya ang mas maunang tumalikod para wala siyang masabi sa akin.
The heavens must have seen me looking stiff that it immediately heard my prayer. I saw Sir Dashiel's brown leather boots turned towards somewhere else. Nakahinga ako ng maluwag saka nag angat ng tingin. Nakita ko siyang may ilang metro ang layo sa akin, nakapameywang at tila may kausap sa cellphone.
"I'm already here, Zadriel." I heard him say.
Tumalikod na rin ako at naupo sa pasimano ng terasa. Ilang sandali pa at nakita ko ang paglapit sa akin ng ilang pusa. Panay ang huni nila habang nakatingin sa akin.
Kumurap kurap ako. "Nagugutom ba kayo? Ginugutom ba kayo dito?"
Muli silang gumawa ng ingay, sabay-sabay pa.
"May tinapay ako dito, ayos na ba iyon sa inyo? Pasensya na dalawa lang kasi ang baon ko. Tig isa tayo."
Kinuha ko ang tinapay sa bag at nagsimula itong himay-himayin bago inihagis sa mga pusa na ngayon ay nagkukumahog sa pagaagawan.
I heard a baritone chuckle that made me lift my head. I saw Sir Dashiel looking at my way, a taunting smirk was plastered on his pinkish lips.
"Did I just hear you talking with those cats?" he asked.
Umawang ang labi ko. Ako ba ang kinakausap niya? Malamang. Ako lang naman ang narito. At ako lang ang nakikipagusap sa mga pusa.
"O-Opo?" patanong pang sagot ko.
The edge of his lips turned upward and shook his head twice.
"Weird." he dropped and turned his back away from me.
Somehow, I felt embarrassed for the second time. Wala namang masama sa pagkausap sa mga hayop. May buhay rin naman sila. Anong wirdo roon?
Ngumuso ako at binalikan na lang ng tingin ang mga pusa. Hindi ko na sinulyapan pa si Sir Dashiel. Ilang sandali lang naman at dumating na rin si tatay kasunod si Mang Abner. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo.
"Tay, pasok na ako. Ma-late na talaga ako sa eskwela," sabi ko at tiningnan si Mang Abner. "Maayong buntag."
"Maayong buntag, hija." sagot ng matanda.
Tumango si tatay saka hinarap si Sir Dashiel na ngayon ay papalapit na sa gawi namin.
"Sir Dashiel, puwede ba natin isabay ang anak ko sa biyahe? Madadaanan lang rin natin ang eskwelahan niya."
"Tay, huwag na. Ayos lang naman—
"Wala pong problema." putol ni Sir Dashiel sa akin dahilan para mapatingin ako sa kanya.
He diverted his almost hawk like eyes to me and I immediately back down. Bakit naman kasi nagtanong pa si tatay ng ganoon. Puwede naman talaga akong mag habal-habal na lang.
"Salamat po. Humayo na tayo kung ganoon." si tatay.
Palihim akong ngumuso nang hilahin niya na ako patungo sa isang magarang sasakyan na sa tingin ko ay pagaari ni Sir Dashiel.
Sa likod kami naupo ni tatay. Sa harapan naman ay si Mang Abner at Sir Dashiel. Tahimik ako sa maiksing sandali ng biyahe namin. Silang tatlo lang ang laging naguusap at puro patungkol iyon sa pamamahala ng palayan.
"Salamat po sa pagpapasabay sa akin, Sir Dashiel." mahina ang boses na wika ko nang buksan ko ang pinto sa aking gilid.
I saw how his eyes move to the rear view mirror. The rays of the morning sun suddenly strike his brown orbs, making its shade more defined. He nodded his head once as an answer.
Tipid akong ngumiti sa kanya saka binalingan sila tatay at Mang Abner.
"Mauna na po ako."
"Mag ingat ka, Dreya."
Mabilis na lumipas ang araw. Naging abala ako sa klase dahil na rin sa dami ng pinapagawa. Alas kwatro ng hapon ay nakahanda na ako sa paguwi. Dahil malilim naman at hindi gaanong tirik ang araw, nagdesisyon akong maglakad na lang para tipid na rin sa pamasahe.
Bago mag alasingko ay nasa baryo na ako. Naabutan ko si Maricel na kabababa lang ng motorsiklo. Bahagyang namilog ang mga mata ko nang makitang hinalikan niya ang pisngi nung lalaki na hindi pamilyar sa akin.
Sandali, iba na naman ba ang nobyo niya?
Huminto ako sa isang tabi. Hinintay kong lumingon sa gawi ko si Maricel at nang makita niya ako ay agad siyang kumaway sa akin. Nang makaalis ang kasama niya ay naglakad na siya sa gawi ko.
"Nobyo mo?" tanong ko agad.
"Hindi," humagikhik siya. "Nangliligaw pa lang."
"Nangliligaw pa lang pero hinahalikan mo na?"
"Ganoon talaga, nasa modernong panahon na tayo. Sa Maynila nga ay mas higit pa roon ang ginagawa kahit na magkakaibigan lang."
"Pero nasa probinsya tayo at wala sa Maynila. Hindi mo kailangan gumaya sa kanila, Maricel. Ano na lang ang sasabihin sa'yo ng mga lalaki? Na madali kang makuha?"
She rolled her eyes on me. "Masiyadong makaluma ang pananaw mo sa buhay, Dreya. Kaya wala ka pa rin nobyo, e. Lahat ng manligaw sa'yo ay tinatanggihan mo."
"Dahil hindi ko pa naman kailangan ang lalaki sa buhay ko. Magtatapos muna ako bago ko atupagin iyan."
"O siya, ikaw na ang Maria Clara!" natatawang aniya saka kami nagumpisang maglakad. "Teka, nakita ko kanina 'yong anak ng may ari ng lupain natin, Dreya. Sobrang gwapo! Ano nga ulit ang pangalan no'n? Sayang at wala ako nang kilalanin niya lahat ng trabahador."
Bumuntong hininga ako. "Dashiel ang pangalan niya."
"Pangalan pa lang ang gwapo na! Bagay na bagay sa itsura niya. Para siyang isang Griyego! Sa tingin mo ba mapapansin niya ako?"
Kusang umangat ang kilay ko matapos marinig ang tanong na 'yon ni Maricel. Nilingon ko siya, nakangiti siya habang nasa daan ang paningin, tila ba nangangarap. Ang pulang lipstick niya ay masiyadong matingkad lalo pa at kayumanggi rin ang kulay niya, hindi gaanong naaayon.
She also loves wearing skimpy blouses that reveal her body. Minsan nga, kahit nasa palayan kami ay ganoon ang suot niya imbes na long sleeve. Tuloy ay mas umitim siya.
"Kung magpapapansin ka, sigurado." wala sa sariling sagot ko.
"Subukan natin..." aniya nang nakangisi na ikinakunot ng noo ko. "Magandang hapon, Sir Dashiel!"
Mabilis akong napabaling sa kaliwa nang marinig ang sinabi niyang iyon. Sir Dashiel in his slightly crumpled white shirt was slouching towards his car as if he's fixing something. His triceps were flexing as he's leaning his hands against it. He smoothly turned his head to our direction.
"Afternoon..." he greeted back, a slight smile was engraved on his lips.
Huminto si Maricel sa paglalakad, maging ako tuloy ay ganoon rin. She closed the gap between them and handed her hand.
"Ako po pala si Maricel. Hindi po tayo nagkakilala kahapon dahil wala ako."
Umayos ng tayo si Sir Dashiel at hinarap si Maricel. He accepted her hand and shook it gently.
"I see. Nice to meet you then."
Hindi ko napigilan ang kagatin ang ibabang parte ng labi ko nang mapansin ang pagdiin ni Maricel ng pagkakahawak sa kamay ni Sir Dashiel. I even saw how his eyes move to their hands as if he felt what Maricel did. Nagtaas siya ng kilay, mas pinagmukhang suplado ang datingan niya ngunit may bahid ng paglalaro.
Mukhang hindi nga malabo na mapansin ni Sir Dashiel si Maricel. Men like him knows if a girl has a hidden agenda. Agresibo si Maricel, siguradong hindi nito aatrasan ang kaibigan ko.
Unang bumitaw si Sir Dashiel mula sa pagkakahawak. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Ganoon na lang ang pagbilis ng t***k ng puso ko nang maabutan siyang nakatingin sa akin.
"M-Magandang hapon, po." nauutal pang sabi ko.
Umangat ang sulok ng labi niya, mas lalo tuloy siyang pinagwapo noon.
"Your dog is already fetching you."
"Po?"
Awtomatiko akong napatingin sa gilid ko at nakitang papunta na nga si Browny sa gawi ko, kumakawag kawag pa ang buntot at tila nakangiti. Nag init ang batok ko nang balingan ko si Sir Dashiel na nakatingin pa rin sa akin at nakangisi.
Sa mga oras na ito, hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng hiya na sinusundo nga ako ng isang aso. Nakasanayan na iyon ni Browny sa tuwing darating ako mula sa eskwelahan.
"I even bought food for the cats. Hindi ko sila gugutumin," Sir Dashiel let out a throaty chuckle.
Ramdam ko ang init ng aking pisngi matapos maalalang iyon ang sinabi ko sa mga pusang pinakain ko kanina. Oo nga pala at narinig niya akong kinakausap ang mga ito. He even told me that I'm weird.
Ngumuso ako. Nakita kong nakatingin sa akin si Maricel, bahagyang nakataas ang kilay.
"M-Mauna na po ako sa inyo. May gagawin pa kasi ako sa bahay," palyadong sabi ko. "Sige, Maricel."
Hindi ko na hinintay pang sumagot si Sir Dashiel at agad ng tumalikod. Inayos ko ang dala dalang bag pack at huminga ng malalim. Nakanguso akong naglakad palayo habang sinasabayan ni Browny na panay pa rin ang kawag ng buntot at tila masaya.
Para akong si Dora the explorer at siya naman si Boots.