Kabanata 7

2154 Words
Kabanata 7 Nakaupo sa damuhan katabi ang mga alaga kong bulaklak, walang humpay ang pagtapik ko sa aking binti dahil sa paulit-ulit na pagkagat ng mga lamok. Huminga ako ng malalim, nakapanga-lumbaba habang nakatingin sa mansyon ng mga Monasterio na tanaw mula rito sa amin. "Umuwi na kaya siya ng Maynila?" mahinang tanong ko sa sarili. Tatlong araw na simula nang huli ko siyang makita. Iyon pa 'yung kaarawan ni Mang Abner. Pagkatapos noon ay hindi ko na ulit siya nakita. Maaring wala nga siya diyan. Pero akala ko ba ay dito na siya maninirahan? Iyon ang sabi ni Mang Abner. O, baka naman nasa loob lang ng mansyon at maraming trabaho? Napalingon ako sa gilid nang mapansin si Maricel na naglalakad habang nakatungo, nagtitipa sa cellphone niya at malawak ang pagkakangiti. Hindi siya lumingon sa gawi ng bahay namin dahil sa sobrang pagkakaabala roon. Halatang masaya siya. Si Sir Dashiel kaya ang ka-text niya? Malaki ang posibilidad. Ibinalik ko ang atensyon sa mansyon at ngumuso. Hindi ko magawang alisin sa isip ko ang eksenang nakita ko sa kusina kung saan magkadikit sila at tila maghahalikan. Kung hindi pa ako maalis, malanang ay nasaksihan ko rin 'yon. I don't think I would still choose to stay there and watch them... kiss. "Oh, Dreya! Nasaan na ang tubig?" si Emilee nang makabalik ako sa mesa. Malakas ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay may punyal na tumusok rito. Kinagat ko ang aking labi at naupo sa harap niya. "W-Wala na kasing tubig roon." pagsisinungaling ko. Kumunot ang noo niya. "Huh? Paanong nangyari 'yon?" Hindi ako nakasagot agad. Matindi ang pananaig ng kirot sa dibdib ko sa hindi malamang dahilan. "Huy, Dreya! Paanong wala ng tubig roon?" ulit ni Emilee. "Ano k-kasi..." Lumunok ako. "Naubos na ata—" Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko nang matanaw ko ang paglabas ni Maricel mula sa entrada ng mansyon, bahagyang nakasimangot ang mukha. Padabog pa itong bumalik sa mesa namin at nilagok ang baso ng lambanog. "Hinay-hinay!" natatawang wika ni Emilee. Sunod kong nakita si Sir Dashiel na papalabas ng pintuan. He suddenly stopped there, leaned his shoulders against the wall and anchored his eyes on my direction. Agad akong nagiwas ng tingin at tumayo na. "Mauna na ako sa inyo. May pasok pa kasi ako. Salamat." Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at tinalikuran na. Before I finally went out of the place, I glanced at Sir Dashiel and saw him staring at me, raising his eyebrow a bit. Hindi ko na nagawa pang magpaalam sa kanya at nagtuloy-tuloy na sa paglabas ng bakuran. Kung hindi pa ako tinahulan ni Browny ay hindi pa ako makakabalik mula sa pagbabalik tanaw ko. "Bakit, Browny?" matamlay kong tanong na sinagot lang niya ng isang tahol at agresibong pagkawag ng buntot. "Masakit ba ang tiyan mo?" Muli ay tumahol siya. Bumuntong hininga ako. "Sige. Sasamahan kitang magbawas." Nakaugalian niya na 'yon. Gusto niyang kasama niya ako sa tuwing magbabawas siya. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan kasama pa ako. Wala naman siyang tali at malayang gawin ang gusto niya. "Nay, padudumihin ko lang si Browny!" pasigaw kong paalam dahil nasa likod bahay siya at naghahanda ng para sa hapunan. Hindi ko na siya narinig pang sumagot. Nagsimula na akong maglakad na agad namang sinundan ni Browny. Pasadao ala-singko na ng hapon, kulay kahel na ang langit at ang mga ibon ay nagkalat na sa himpapawid. Nauna na si Browny sa akin, sa gawi papuntang mansyon ang tungo niya. Hindi nagtagal at nasa tapat na kamj nito. Inamoy-amoy ni Browny ang lupa hanggang sa tuluyan na itong pumasok sa bukas na gate. "Browny, huwag ka diyan!" saway ko saka siya sinundan. Hindi siya nakinig sa akin at nagpatuloy sa pagpasok. Muntik pa akong mabunggo sa nakaparadang sasakyan ni Sir Dashiel dahil sa kakamadali kong mahabol si Browny. "Hay naku, Browny! Makakatikim ka talaga sa akin..." Nang nasa tapat na kami ng terasa ay nagsilabasan ang mga pusa na lagi kong pinapakain ng baon kong tinapay sa tuwing madadaanan ko. Panay ang ngiyaw ng mga ito na tila ba may sinasabi sa akin. Tinahulan sila ni Browny. "Naku, wala akong dalang tinapay ngayon. Hindi pa ba kayo kumakain?" tanong ko bago naupo sa harapan nila. I caressed their heads and they keep on moaning. Mukhang nagugutom nga sila. Muling tumahol si Browny. Tiningnan ko ito at sa entrada ng bahay nakatingin. I also glanced at the doorway and found none. "Browny, huwag ka sabi maingay. Wala ka sa bahay natin." sita kong muli. Binalingan ko ang mga pusa. "Wala ba ang amo ninyo? Nasaan ang mga pagkain niyo?" Tumayo ako at sumilip-silip. Maliwanag ang buong sala ngunit tahimik. Marahil ay wala rin si Mang Abner at tanging mga kasambahay lang ang nasa loob. Huminga ako ng malalim at sinipat ang mga pusa. "Sandali. Susubukan kong hanapin ang mga pagkain ninyo sa kusina. Naka-cat food ba kayo?" Tumitig lang sa akin ang pusa. Nagkamot ako ng ulo at binalingan si Browny na nagkakalkal ng lupa. "Browny, bantayan mo itong mga pusa at huwag mo silang aawayin, ha?" bilin ko pa. Biglang lumakas ang hampas ng kaba sa aking dibdib habang naglalakad ako papuntang pintuan. Ilang beses pa akong nagpasilip-silip ngunit wala talaga akong nakikita na tao sa loob. Nagpatuloy ako. Dahan-dahan pa ang naging lakad ko, iniiwasan maglikha ng kahit anong ingay. Teka nga... bakit ba ako kinakabahan? Kukuhanan ko lang naman ng pagkain ang mga pusa dahil mukhang hindi pa sila— "Did someone give you the permission to come inside?" Awtomatiko akong napatigil sa paghakbang matapos marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Napalingon ako sa gilid at halos takasan na ng dugo nang makita roon si Sir Dashiel na hubad at tanging tuwalyang puti lang na nakatapis sa kanyang bewang ang mayroon. He's leaning his hands against the wooden rail, eyes looking so dark and serious. "Susmaryosep!" nanglalaki ang mga matang sabi ko at nagiwas ng tingin sa kanya. "A-Ano, Sir Dashiel! Ikukuha ko sana ang mga pusa ng p-pagkain. P-Pasensya na at pumasok ako. Lalabas na a-ako ulit." Doble ang naging hakbang ko palabas ng bahay, hindi na siya tiningnan pa. Kung kanina ay medyo kinakabahan lang ako, ngayon ay parang gusto nang lumabas ng puso ko mula sa aking bibig. Nakita ko ang misteryosong buwan at ang unti-unti nitong paglabas. Nakanguso akong lumapit sa gawi ng mga alagang hayop at aupo. "Pasensya na mga pusa. Hindi ko kayo nakuhanan ng pagkain dahil naroon pala ang amo ninyo. Sa kanya na lang kayo manghingi." Ngumiyaw ang mga pusa, tila ba sinasagot ako. Nanatili akong nakaupo roon katabi sila, pinagmamasdan ang langit na unti-unti na rin sinisibulan ng mga bituin. Halos mapatalon ako nang biglang may maupo sa tabi ko. Nang lingunin ko ay nakita ko si Sir Dashiel na naglapag ng bowl sa harapan ko. "Here's what you're looking for..." he said, referring to the cat food and then looked at me. "Why did you run out? Tinatanong lang naman kita." "S-Sir Dashiel! Ano kasi..." napakurap-kurap ako. "Baka isipin mong may masama akong pakay kaya ako naroon sa loob." Nagtaas siya ng kilay saka hilaw na natawa. "Buti ka pa naisip mo 'yan." Ngumuso ako, nag iwas ng tingin. "Akala ko kasi ay walang tao sa loob. Nagugutom ang mga pusa kaya nagbakasakali akong may makikitang pagkain." "Hmm, I was in Manila for three days. Business matters. Kauuwi ko lang kanina." Sinilip ko siya. Nakatingala siya sa langit, nakatuon ang mga kamay sa damuhan habang ang mga binti ay prenteng nakatuwid at magkapatong ang mga paa. "Ganoon po ba. Mabuti at pumayag si Maricel na magtungo kayo roon." Huli na para mabawi ko pa 'yon. He glanced at me, raising his brow a bit that made me avoid his eyes. "Come again?" Hindi ako sumagot. Pumikit ako ng mariin at kinagat ang labi. Huminga ako ng malalim at nagmulat. "I didn't know I have to ask for her permission about my whereabouts, Dreya." he chuckled sarcastically. My lips protruded. "Ganoon naman po talaga kapag mag nobyo, hindi ba? Kailangan sinasabi niyo sa isa't-isa ang mga ginaga—" "We are f*****g what?" Nanglaki ang mga mata ko nang lingunin siya. "Bawal magmura, Sir Dashiel!" He chuckled, looking so amused. "Mag-ano kami ni Maricel?" Hindi ako muling sumagot. Sa halip ay itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga pusa na ngayon ay nakahilata na sa damuhan at halatang busog. Ang daldal mo kasi, Dreya. Mamaya ay sikreto lang pala ang relasyon namin. "Come on, baby. Stop ignoring me..." he chuckled. "What did you say again?" "Sorry, Sir Dashiel. Nakita ko kasi kayo sa kusina nung kaarawan ni Mang Abner na magkalapit sa isa't-isa. Hindi ko naman sinasadya. Kukuha lang dapat ako ng tubig." tuloy-tuloy na sabi ko. Ilang segundo na at hindi pa ako nakakarinig ng sagot mula sa kanya. Nilingon ko siya at nakitang nakatitig siya sa akin, bahagyang awang ang labi. "You eavesdrop?" Mabilis ang naging pag iling ko. "Naku, hindi po! Umalis rin po ako agad-" "You should..." putol niya sa akin dahilan para makaramdam ako ng kirot sa puso ko. Nagbaba ako ng tingin. Galit pa ata siya na naroon ako at nakita sila. "Stay..." he added that made me look at him again. "Sana ay nakinig ka sa usapan namin. You won't surely conclude that we have a relationship." Kumunot ang noo ko. "Ano pong ibig mo sabihin?" Bumuntong hininga siya saka muling itinuon ang atensyon sa kalangitan. "If you think I'd settle with your friend just because she's trying to get under my pants and I'm only a man, think again, Dreya..." he said through his deep voice. "I don't like aggressive women." Umawang ang labi ko, hindi agad nakuha ang sinasabi niya. It took me a couple of seconds before I finally understand what he meant. "Wala kayong relasyon?" Ngumisi siya. "May iba akong gusto." Sino? Gusto ko sanang itanong 'yon pero alam kong labag na 'yon sa karapatan ko bilang isang tauhan niya. Instead of asking him that, I averted my eyes and anchored them on the dark sky. "Kaya ba umuwi ka kaagad?" tanong niya pa. "Hindi po, ah!" puno ng depensang sabi ko at nilingon siya. Nakangisi siya, tila nangaasar. "May gagawin pa po kasi ako sa bahay kaya umuwi na ako." His sexy smirk grew wider. "Really, huh?" Nanghaba ang nguso ko, napapahiya. "Pasensya na, Sir Dashiel—" "It's Dashiel for you, Dreya." Hilaw akong natawa. "Hindi puwede. Amo kita at tauhan mo lang ako. Kailangan kita respetuhin." "Puwede mo akong respetuhin nang pangalan ko lang ang itatawag mo sa akin. Hindi iyon magiging problema." "Hindi ba at ayaw mo po ng pangalan lang ang itatawag sa'yo? Kagaya na lang ng tawagin ka ni Maricel—" "Magkaiba kayo." putol niya ulit sa akin. Huminga ako ng malalim. Mabilis ang t***k ng puso ko... sobrang bilis. Nilingon ko ang mga alagang hayop, nakahilera sila sa amin ni Dashiel at tahimik na nakamasid sa kung saan. Nang iangat ko muli ang paningin sa langit ay halos manglaki ang mga mata ko nang makakita ng bulalakaw! "Hala! Bulalakaw, Sir Dashiel!" natatarantang sabi ko at tinuro pa ito. Kinalbit ko pa siya at nakitang nakamasid rin siya roon. But unlike me, he looks calm like seeing a falling star didn't excite him. Pumikit ako at humiling. Iyon kasi ang sabi nila. Kapag nakakita raw ng bulalakaw, dapat humiling at siguradong matutupad iyon. Nagmulat ako ng mga mata hindi kalaunan. Nilingon ko si Sir Dashiel at naabutang nakatitig ito sa akin, malamlam ang mga mata. "What did you wish for?" he asked. "Hindi ko sasabihin kasi baka hindi matupad." natatawang sabi ko. Maging siya ay natawa rin. He placed his gaze back to the sky. Ganoon rin ang ginawa ko. "Ngayon lang ako nakakita ng bulalakaw. Ang ganda pala." bulong ko. "Ikaw, Sir Dashiel—" "Dashiel..." Bumuntong hininga ako, pagbibigyan na siya. "Ikaw, D-Dashiel, ngayon ka lang rin ba nakakita ng bulalakaw?" "I've seen a lot of that during my younger days. And just like you, I kept on wishing things." Ngumiti ako, hindi pa rin siya nililingon. "Natupad naman po ba?" "Yeah. That's why I do believe in falling stars." "Sana matupad rin ang hiling ko..." wala sa sariling bulong ko. "Saka ang ganda pala nila. Sobrang ganda." "They are," he replied. "They can actually take everyone's breath away." Palihim akong ngumiti, sang ayon sa sinabi niya. "But I've never seen anything..." He added those words that made me look at him. I discovered him already staring at me. As I looked into his eyes I could feel him searching deep into my soul. And in that moment, I feel like I just found a place to find company when the cold winds blew. "As beautiful as you." he said through a breathless whisper that made all the butterflies in my stomach fly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD