Kabanata 8

2048 Words
Kabanata 8 Malayo pa lang ay natatanaw ko na si Dashiel na nakasandal sa pintuan ng sasakyan niya habang nasa lupa ang paningin. Sa tuwing makikita ko siyang ganoon, hindi ko maiwasan isipin kung gaano siya kaseryoso at katahimik na tao. His aura was too powerful, menacing and dangerous. He's like any deadly storm that no one would ever dare to meet. Ibang-iba siya sa Dashiel na nakausap ko kagabi. Para bang hindi malayo ang agwat namin at iisa lang ang mundong ginagalawan, na kung tutuusin ay milya-milya ang distansiya namin dalawa. Humikab ako, aminadong inaantok pa kahit pa oras na ng pagpasok sa eskwelahan. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang sinabi ni Dashiel. "But I've never seen anything as beautiful as you…" Bumuntong hininga ako. "Ayan na naman. Naiisip ko na naman. Hindi naman ako dapat maniwala doon, ah! Ang daming magagandang babae sa Maynila. Siguradong niloloko niya lang ako." sabi ko, ang paningin ay nasa lupang nilalakaran rin habang nakanguso. "I see. Talking to yourself again, huh?" "Ay palakang bundat!" napapatalong wika ko at nag angat ng tingin sa kanya. May mapaglarong ngisi sa kanyang mapupulang labi. "I-Ikaw pala…" Kunyari hindi mo siya napansin, Dreya. His smirk grew wider but even more sexy. "Spacing out?" "Hindi naman. May iniisip lang." Pinagkrus niya ang mga braso sa ibabaw ng kanyang dibdib. I can see how corded his arms are. Balbon rin siya at kitang-kita ‘yon dahil sa pagiging maputi niya. Minsan tuloy ay hindi ko maiwasan kwestyunin ang kutis na mayroon ako. I've never been this bothered about my complexion not until I met him… and have this unfamiliar feelings for him. Naiisip kong hindi kami maganda tingnan kung magtatabi dahil maputi siya at kayumanggi naman ako. Ano kayang sabon ang gamit niya? Baka puwede kong subukan. "Dreya…" I blinked my eyes for a few times as soon as I heard him call me. Wala na ang ngisi sa labi niya at seryoso nang nakatitig sa akin ngayon. "Ano 'yon?" "You okay?" Tumango ako. "Ayos lang. Pasensya na, may iniisip lang ako tungkol sa eskwelahan." "Problem?" "Wala naman." He stared at me for a little while as if he's trying to convince himself by my answer. Tumango siya hindi kalaunan. "Ihahatid na kita." "Hindi na. May nadaan namang sasakyan diyan. At saka inihatid mo na ako nung nakaraan-" "Get use to it then." he cut me off. Pagkasabi no'n ay kinuha niya ang kamay ko at marahan akong hinila paikot sa passenger side. "Hala, Dashiel!" aligagang tawag ko sa kanya at luminga-linga sa paligid. "Baka may makakita sa atin, malalagot ako!" He suddenly pinned me against the closed door and stared intently into my eyes. He tilted his head. "And I should care because?" "Dahil hindi maganda sa paningin ng iba na makitang magkasama tayo at inihahatid mo pa ako sa eskwelahan." "I call bullshit on that, Dreya." Ngumuso ako. "Bawal sabi magmura." Sa sobrang lapit namin ay madali kong nalanghap ang preskong amoy ng hininga niya. I can also clearly see his caramel-shaded orbs that have the power to bring me into another dimension without giving too much effort. He chuckled, voice deep and raspy. "Sorry, miss." "Bakit mo ba kasi ako gustong ihatid sa eskwelahan namin? May pupuntahan ka ulit sa bayan?" Sa mga oras na ito, isa nang palaisipan sa akin ang mga nagiging kilos ni Dashiel sa tuwing kaharap ako. Hindi ako malisyosang tao. I don't put malice in anyone's actions towards me. Kahit na kay Marcus, hindi ko binibigyan ng malisya ang mga pagdikit-dikit niya sa akin kahit pa alam kong gusto niya ako. Pero pagdating kay Dashiel ay hindi ko maiwasan isipin na baka… parehas kami ng nararamdaman? Na baka hinahangaan niya rin ako? Kasi kung hindi, bakit niya ako ihahatid sa eskwelahan? Bakit sasabihan niya akong maganda? Kung sa bagay, libre naman ang mangarap. Imposible naman kasi talagang magustuhan niya ako. Baka natutuwa lang siya sa akin… sa isang probinsyanang katulad ko. "Wala akong gagawin. Libre ako sa maghapon na ito kaya puwede kitang ihatid—" "Pero hindi naman kailangan. Hindi obligasyon ng isang amo na ihatid ang tauhan niya sa kung saan man ito pupunta—" "This is what I want, Dreya. Unless you ask me to stop doing this for you, then I'll stop…" he said, drilling his dark eyes into mine. "Do you want me to?" Words didn't rush down to my lips. They chose to stuck in my head and scattered there like a jumbled puzzle. Pasimple akong lumunok, nagbaba ng tingin at nagtagal ang atensyon sa matikas niyang braso na nakaharang sa gilid ko. A chuckle arises in Dashiel's throat that earned a soft glance from me. "No need to answer me. Ihahatid na kita." He removed his hands from leaning on the car. Dinala niya ang isa niyang kamay sa bewang ko at marahan akong pinalapit sa kanya dahil halos hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. He opened the car door and I'm still looking at him. Nang mapansin na hindi pa rin ako sumasakay ay nagbaba siya ng tingin sa akin. Inosente akong nakatingala sa kanya, ilang beses nang kumukurap. Natawa siya. "Sumakay ka na, po." I breathed a sigh and dropped my head down. Lumingon ako sa gilid at halos manglaki ang mga mata nang makita si Maricel na papalapit na sa gawi namin. "Si Maricel! Papasok na ako sa loob!" Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Dashiel at asta nang isasara ang pintuan. Ngunit bago iyon ay muli ko siyang sinilip. "Makikita ba ako dito?" Kunot ang noo, umiling siya na tila naguguluhan sa asta ko. "It's tinted…" Tumango ako. "Sige!" Pagkasabi no'n ay ako na mismo ang nagsara ng pintuan. Isinandal ko ang likod sa upuan nang makita ko ang pagikot ni Dashiel patungo sa gawing kabila. Saktong paglapit ni Maricel sa kanya. Nakita ko kung paanong ilapit ni Maricel ang sarili kay Dashiel. Dashiel looks bored as he glance at her, para bang napipilitan lang. Bumubuka ang bibig nila parehas, senyales lang na may pinaguusapan sila. Maricel keeps on smiling. Hinahawakan pa nito ang dibdib ni Dashiel na tila ba inaakit. Huminga ako ng malalim. Hindi man lang siya nahihiya ipakita kay Dashiel ang pagiging interesado niya rito. Kahit pa parang ayaw nito sa kanya ay patuloy pa din siya. Ilang segundo pa nang buksan ni Dashiel ang pinto sa gilid niya at pumasok. Halos iliyad ko pa ang sarili ko huwag lang ako makita ni Maricel na narito sa loob. As soon as Dashiel closed the door beside him, he casted a piercing gaze at me. "Why do you need to hide from her?" he asked, a bit confused. "Gusto ka niya. Kapag nakita niyang narito ako sa loob ng sasakyan mo ay baka kung anong isipin niya." "Does it matter? As far as I'm concerned, I'm not committed to anyone." My lips protruded. "Ayaw ko lang po na pagisipan niya ako ng hindi maganda." He sighed and shook his head. Umayos na siya ng upo at nagsimula ng buhayin ang makina. "That woman is really persuasive. Is she really your friend?" "Oo naman po. Matagal ko nang kaibigan si Maricel kahit na minsan ay hindi kami nagkakasundo dahil sa magkaiba ang pananaw namin." His slender hands were now gripping the steering wheel as we started leaving the place. Dahil nakatagilid siya mula sa akin ay mas napansin ko ang pagiging matangos ng ilong niya. "You two are totally different. She might be a bad influence to you." "Hindi ako naniniwala sa bad influence. Nasa sa tao naman iyon kung magpapadala siya sa mga masasamang bagay na ginagawa ng mga tao sa paligid niya. May pagka-agresibo si Maricel pero hindi ibig sabihin no'n ay magiging agresibo na rin ako." I saw him lick his lower lip and shot me a quick glance. Ngumisi siya na mas lalo niyang ikinagwapo saka muling ibinalik sa daan ang atensyon. "Damn…" he whispered. "You surely know how to catch my attention, huh?" Nag init ang pisngi ko sa sinabi niyang 'yon. Paano mo naman ako hindi magbibigay ng malisya sa kanya kung ganito siya magsalita lagi sa akin? Parang laging may ibig sabihin. Nakarating ako sa eskwelahan sa tamang oras. Kakatapos lang ng pangalawang major subject namin at ang susunod ay bakante na. Ang ilan sa mga kaklase ko ay napiling lumabas at kumain sa canteen. Narito lang ako sa upuan, tahimik na nagmamasid sa kung saan-saan. Bakanteng oras, dapat bakante rin ang isip. Pero mukhang hindi mangyayari dahil kanina ko pa naiisip si Dashiel. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Ang sabi niya ay maghapon siyang may tatrabahuhin sa laptop. Hindi ko naman tinatanong pero sinabi niya 'yon sa akin. Aside from here, he's also helping his father in running their businesses. "Kakilig jud oi! Nakitan nako siyaa ganiha sa lungsod. Gibaba man tong salamin sa bintana, murag pauli naman to siya. Mas gwapo Jud siya sa personal!" Napatingin ako sa mga babae kong kaklase na nagkukumpulan habang nakatingin sa cellphone nung isa. "Gi follow ko siya sa i********:. Wa man niya gi private mao to dali ra nako nakitan mga pictures niya." "Anong username niya? I-follow ko rin!" Ngumiti ang isa sa magaganda kong kaklase. "Dashiel Adam Monasterio. Pangalan pa lang ang gwapo na." Napatuwid ako sa pagkakaupo nang marinig ang pangalan na 'yon. Pakiramdam ko ay naging alerto ang mga tainga ko at mas nakinig pa sa pinaguusapan nila. Iisa lang naman ang Dashiel na kakilala ko. At lalong hindi nagkataon na Monasterio rin ang apelyido niya. They're surely talking to Dashiel who had just drove me here earlier! Natahimik ang ilan sa kanila. Hindi kalaunan ay sunod-sunod na pag irit ang narinig ko. "Omg! Ang gwapo niya nga. May nobya na kaya siya?" tanong ni Claire, ang isa sa matataray kong kaklase. "Parang wala kasi kung mayroon, dapat may mga pictures siya dito sa account niya." "Pero tingnan mo 'yung My day niya. Two hours ago lang. Buhok ng babae 'yan, hindi ba? Ibig sabihin may girlfriend siya!" Kumalabog ang puso ko sa narinig. Buhok ng babae? Sino 'yon? Wala naman siyang nobya, iyon ang sinabi niya nung kaarawan ni Mang Abner. Posible kayang hindi iyon totoo at may karelasyon naman talaga siya? Hindi malabo, Dreya. Taga Maynila siya. Ang lalaking katulad niya ay imposibleng mawalan ng karelasyon. Bagsak ang balikat akong napasandal sa upuan. Tiningnan ko ang mumurahing cellphone sa ibabaw ng desk ko. Gustuhin ko man mag-download ng i********: ay hindi rin uubra. Mababa lang ang kapasidad nitong cellphone ko at hindi na kakayanin pa ang magdagdag ako ng application. f*******: lite nga lang ang gamit ko dahil iyon lang ang kaya. Kung tutuusin ay ayos lang naman. Hindi ibinili nila nanay sa akin ang cellphone na ito para sa social media applications. Binili ito para kahit papaano ay may magamit ako kapag kailangan ko mag-research. Pero gusto ko makita ang picture na sinasabi ng mga kaklase ko. Kaso paano 'yon kung wala naman akong i********:? Lumipas ang maghapon. Palabas na ako ng gate nang matanaw ko si Dashiel na nakaupo sa harap ng kotse niya, magkakrus ang mga binti habang pinapaikot-ikot sa daliri ang susi niya. Nasa gawi ko agad ang paningin niya tila ba inaabangan ako. Bakit siya narito? Sinusundo niya ba ako? Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga estudyanteng babae na halos magkandabali-bali sa pagtingin sa kanya. Dashiel's seems to be oblivious about it though. Naglakad ako palapit sa kanya. He watched me walk towards him through his menacing eyes. Huminto ako sa harapan niya, kumurap-kurap. "Hi…" bati ko, akala mo hindi amo ang kausap. Ngumisi siya. "Uwi na tayo?" "Sinusundo mo ako?" Nagkabit balikat siya. "Obviously." Huminga ako ng malalim. "Paguusapan talaga tayo niyan sa ginagawa mo. Baka isipin na lang nila na nagpapakita ako ng motibo sa'yo at gusto kita—" "Don't mind them, Dreya…" he said seriously and stood up. Matangkad siya kaya naman kinailangan ko pang tumingala para tingnan siya. He slouched towards me and moved closer to my ear. "It's actually the other way around." he whispered, his warm breath making love with my skin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD