Kabanata 19 Halos sumayad na ang nguso ko sa simento habang naglalakad patungong classroom. Pakiramdam ko ay gusto kong magpalamon na lang sa ilalim ng lupa at huwag nang umahon pa. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga klase ng tingin na ipinupukol sa akin ngayon. Alam kong ang ilan doon ay puro panghuhusga, ngunit mas marami ang siguradong gulat. Nilingon ko si Dashiel na diretso ang tingin at seryoso ang ekpresyon ng mukha. He looks like a calm beast that would go bersek whenever someone tries to poke him. Bitbit niya ang ilang libro ko sa isang kamay. "Uwi ka na..." mahina ang boses na sabi ko. Bumaling siya sa akin saka supladong nagtaas ng makapal na kilay. Whenever he does that, I couldn't help but to remember how snobbish he was during the days we're just new to each othe