Kabanata 18 Paulit-ulit akong nagiiwas ng tingin sa tuwing mapapadapo ang mga mata ko kay Dashiel na ngayon ay kasama kong nag-aararo sa palayan. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niya kung bakit niya ako sinamahan dito. Basta ang sinabi niya lang ay tutulong siya sa akin. I didn't even know that he can do things like this. Ang akala ko ay hindi siya maalam sa ganitong klase ng trabaho. "I won't handle any business without having knowledge about it, Dreya." Iyon ang sinabi niya kanina nang tanungin ko siya kung marunong siyang mag-araro. Ilang linggo na rin ang nakakaraan simula nang sagutin ko siya at maging kami, pakiramdam ko ay palagi pa rin akong may natutuklasan na bago sa kanya. Palagi niya akong pinapahanga. "I'm already melting, Dreya." Dashiel chuckled that snapped