Kabanata 20 Pagpasok pa lang sa canteen ay mas dumami ang taong nakatingin sa amin. Naiintindihan ko iyon dahil halos sabay-sabay ang lunch break ng mga estudyante rito. Pinilit kong huwag na silang bigyan ng atensyon at ituon na lamang ito kay Dashiel. Nga lang, hindi ko sigurado kung hanggang kailan siya malayang maglalakad dito sa eskwelahan namin. He's an outsider. Siguradong kapag nalaman ng director ng school na ito na nagpapagala-gala siya rito ay paaalisin siya. Ayaw kong mapahiya siya kapag nagkataon. Ngumuso ako sa naisip. Sa parteng unahan kami naupo. Bakante pa iyon at kaming dalawa pa lang ang uupo kung sakali. "I'll order for us. What do you want?" si Dashiel. Nilingon ko siya. "Kanin at gulay na lang. Sigurado ka bang ayos lang sa'yo dito, Dashiel?" Bahagyang k