"Come to mommy, Jai!" masayang kaway ko sa'kin anak na ngayo'y nagsimula ng humakbang.
Lahat ng panahon at pagmamahal ko ay sa kaniya ko ibinuhos. Tuwang-tuwa ako ng masigla itong lumapit sa'kin at yumakap. Mahal na mahal ko ang batang 'to at parang sa'kin sinapupunan na rin siya nanggaling sa pagmamahal na pinukol ko.
Itinago ko rin kay Mela ang katotohanan. Ang pagkakaalam nito, totoong anak ko ang bata at anak sa pagkadalaga. Sa munting panahon na naging yaya siya ng aking anak, masasabi kong maaasahan talaga siya.
"Ate, mag-asawa na ho kaya kayo." pabirong wika ni Mela nang ligpitin niya ang mga laruan ni Jai, na nagkalat sa sala.
Nakangiting sinulyapan ko siya. "Mag-aasawa lang ako Mela, kung may tatanggap na lalaki sa'min ng anak ko."
"Tiyak na meron, ate noh! Sa ganda niyong 'yan. Saka ang cute-cute pa ng baby niyo."
Tumawa lang ako sa naging tugon niya. Kahit papaano, malapit ang loob ko kay Mela. Dahil siguro siya ang kasama ko sa pagbabantay kay Jai. Ang cute-cute ba naman kasi ng anak ko kaya siguro malapit din si Mela sa bata.
Sa edad kong 22, wala pa akong naging nakaranasan sa pag-ibig. Inosenteng-inosente ako pagdating sa bagay na 'yan, dahil siguro naka-focus ang isip ko sa pag-aaral dati at ngayo'y sa trabaho. Pakiramdam ko, mukhang tatanda ako nitong dalaga ngayon may Jai na sa buhay ko. Sa kaniya ko lang kasi binuhos ang lahat.
Sa amin dalawa ni Yeeny, habulin siya ng lalaki kahit na nung high school kami. Kung kagandahan at kaseksihan ang pag-uusapan, hindi naman ako pahuhuli. Pero sadyang 'di lang talaga malakas ang appeal ko at nerd ako dati.
MATULING LUMIPAS ang tatlong taon. Masayang sinalubong ako ni Jai nang pumasok ako ng bahay.
"Mommy!" masiglang-masigla na tumakbo sa gawi ko ang bata at niyakap ako ng mahigpit.
Ngingiting-ngiti ko naman ginantihan ang yakap ng aking anak. "How's my baby?" anas ko na kinintalan ng halik ang noo niya. Parang kahapon lang, baby pa ito pero ngayon ang laki-laki na ng anak ko at napaka-cute pa.
"Fine!" nag-cute eyes pa siya. "Mommy, did you buy something for me?"
Nagkunwari naman akong umiling at may nakalimutan ng tumingin sa kaniya. "Naku! Nakalimut si mommy na bumili ng paboritong siopao kay baby."
"It's okay mom." nakangiting pinisil niya at hinalikan ako sa pisngi.
Napatitig ako sa kaniyang mukha. Sinong mag-aakala na magkakaroon ako ng anak na subrang bait at lambing? Para talaga siyang anghel sa buhay ko at hindi ko hahayaan ang anghel na 'to na mawawala sa'kin.
"Tadan!" mabilis kong itinaas ang supot na may lamang siopao. "Makakalimutan ko pa ba ang paborito ng baby ko?"
Tuwang-tuwa na kinuha ito ni Jai at niyakap ako ulit. "Thank you po!" Saka niya ako hinila sa isang kamay. "Come mommy. I show you something!"
Nakangiting sumunod na lang ako sa'kin anak gayun din si Mela na may ngiting nanunuod sa'min dalawa. "Ano ba 'yon baby?"
Sandali siyang huminto at hinarap ako. "Mommy," tila nagmamaktol niyang saad. "Im not a baby anymore! See, im a big guy now!" Nameywang pa siya na ikinahagikhik ko.
"Asus! Big guy na raw. Eh, para sa'kin, baby ka pa rin."
Nag-pout lips naman siya at hinila ako ulit. Humantong kami sa sala na kung saan may nagkakalat na papel at crayons. Mula sa ibabaw nung maliit na mesa; na sadyang binili ko sa kanya para dito siya magsusulat o kaya'y mag-drawing.
Bumitaw siya sa'kin at may kinuha sa ibabaw ng kanyang mesa. "Here!" masayang prisenta niya sa isang bondpaper na may naka-drawing na isang bata, nanay at tatay.
Napatulala naman ako sa kanyang pinakita. Hindi agad ako nakahuma kung anong sasabihhn sa kanya.
"Ako 'yong nasa center. Si mommy sa left at si daddy sa right." 'di nawawala ang saya niya habang nag-demonstrate siya sa harap ko.
Napatitig ako sa kaniya at yumukod para magpantay kami. "Jai, baby." Kinuha ko ang kanyang ginuhit at tiningnan iyon. "Napakaganda ng drawing mo pero..." Nagtaas ako ng tingin at hinaplos ang kanyang buhok. "Si baby ay walang daddy. Its just mommy and baby."
Napatitig siya sa'kin at ngumiti. "It's okay mom." Kinuha niya ang bondpaper na hawak-hawak ko at pinunit ng dahan-dahan kung saan parte 'yung tatay nakatayo. "Here! Just mom and me: happy family!" Saka ako niyakap.
Naluluhang niyakap ko rin siya ng mahigpit. Wala na akong masasabi pa sa pagkakaroon ko ng batang 'to sa buhay ko. Sa murang edad niya, tila naiintindihan niya ang lahat kahit ang totoo, hindi ako ang kanyang tunay na ina at may ama siya. Maluha-luhang nakatingin naman sa'min si Mela. Sumisinghot pa ito at nagpapahid ng mata.
Kinagabihan, katabi ko ang bata sa higaan. Ang apartment na kinuha ko kasi, may dalawang kwarto lang at kasya lang kami tatlo. Normal na pamumuhay para sa isang tulad ko, na kumakayod para sa sarili ko at sa'king anak.
Matapos ko siyang kwentuhan ng bed-time story, nakatulog na siya at himbing na himbing sa pagkakapikit. Agad ko siyang binigyan ng isang masuyong halik sa noo.
Kapagkuwa'y humiga na ako ng maayos at niyakap si Jai bago ko pinikit ang aking mata para matulog. Pero tila mapagbiro ang gabi sa'kin. Nakikita ko ang imahe ni Jayar Montevidad sa isip ko. Ang matitiim nitong mga titig at makakapal na kilay ay tila nangungusap sa'kin na kunin ang kanyang larawan na itinago ko sa drawer. 'Di ko na ito inilagay sa ilalim ng unan dahil sa ginawa kong iyon dati, gabi-gabi ko siyang napapaginipan. Inis akong nagmulat ng mata at bumangon. Bahagya pa akong napasulyap sa mahimbing na natutulog na si Jai bago ako bumaba ng kama at tinungo ang drawer sa isang tabi.
Matapos kong makuha ang larawan, tinitigan ko iyon ng matagal at ando'n na naman 'yong pakiramdam na lumalakas ang pintig ng puso ko kapag dumadapo ang mata ko sa mga mata nito.
Malaya kong hinaplos ito at dinala sa dibdib ko. Nakaramdam ako ng kakaibang saya bago ako bumalik sa kama at humiga ulit. Nakatulog ako ng mahimbing sa gabing iyon na yakap-yakap ang larawan ng lalaki.
Nagulat pa ako kinabukasan nang magisnan ko ang anak ko na nakatingin sa'kin. Ang aga niya yatang nagising ngayon. Agad niya akong binati ng good morning at kinintalan ako ng halik sa mukha.
"Ang aga yatang nagising ng baby ko?"
Tumitig siya sa'kin at tinuro ang yakap-yakap kong bagay. Saka ko lang na-realize na nasa dibdib ko ito ang picture ni Jayar!
"Si daddy po ba 'yan?"
Napaawang na lang ako ng bibig at hilaw na ngumiti. Naglilikot ang aking mata at mabilis na tinago iyon sa ilalim ng unan.
"Did he left you mom?" inosenteng patuloy niya.
"Y-yes," ewan at kung bakit ito ang lumabas sa bibig ko. Dapat sana 'di ko na kinuha iyon kagabi.
Mabilis akong niyakap ni Jai ng subrang higpit. "Don't worry. Jai's here. I won't leave mom like dad did."
Napakagat labi ako sa mga inosenteng salita na binitawan ng anak ko. 'Di man ako ang kanyang ina pero 'di ko mapigilan lumuha. Kung nandito sana ang kaibigan ko, ganito siguro ang mararamdaman niya. Napakabait na bata at para na siyang matanda kung mag-isip.
"Thank you, baby." mahinang usal ko.