bc

MAMAHALIN MO RIN KAYA

book_age16+
34.7K
FOLLOW
220.8K
READ
love-triangle
one-night stand
escape while being pregnant
dare to love and hate
drama
sweet
bxg
heavy
lighthearted
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Iniwan sa pangagalaga ni Kiera ang sanggol matapos itong iluwal ng kaniyang kaibigan at namatay. Mahirap pero siya ang tumayong ina at ama ng bata at inangkin itong totoong anak. Nanatili itong isang sekreto hanggang sa nagtagpo ang tadhana nila ni Jayar Montevidad. Ang tiyuhin ng batang nasa poder niya ngayon.

Paano niya itatago ang katotohanan dito kung unang kita pa lang niya sa lalaki ay nalaglag na ang puso niya sa subrang kagwapuhan nitong taglay. Ang masaklap pa, napagkamalan itong ama ng batang nasa pangangalaga niya.

All Rights Reserved

Copyrights © 2016 by VraielLajj

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Friendship
Kiera's P.O.V Tatlong mahinang katok ang pumukaw sa pagmuni-muni ko sa sala ang nagpabalik ng katinuan ko. Nagmadali akong tumayo para buksan ang pintuan at tingnan kong sino ang bisita ko sa dis-oras ng gabi. "Yeeny?" nagukat ako sa presinya ng kaibigan ko. Bakit siya nandito sa alanganin oras na? "P-pwede bang tumuloy?" "S-sure!" Nataranta naman ako at niluwangan ang bukas ng pintuan at pinapasok ang kaibigan kong ngayon ko lang nakita ulit. Pansin kong malaki ang umbok ng kanyang tiyan at mukhang hirap na hirap siya sa kanyang kalagayan kaya inakay ko na rin siyang maupo sa sofa. "T-thank you," humihingal na saad niya. Napatango ako at ngumiti. "Kumusta ka na?" agad kong tanong nang makaupo ako. Pansin ko agad ang pananamlay ng kanyang hitsura at luhang tila nagbabadyang papatak anumang oras. "Heto... k-kabuwanan ko na at—" Nabahala akong lumapit sa kanya at tinanong kong anong problema nung bumagsak ng tuluyan ang mga luha niya. Base sa nakikita ko, mukhang may problema siyang dinadala. Napasigok si Yeeny at pinahiran ang masasaganang luha na nagsiunahan sa pagpatak. "Kiera, kung p-pwede sana dumito m-muna ako." Napatitig ako sa kanya at tumango. Dati pa man, welcome siya lagi sa pamamahay ko. Pero hindi pa rin niya sinasagot ang tanong ko kaya nirespito ko na lang ito. Baka nagkaroon sila ng tampuhan ng kanyang asawa kaya napasugod siya sa apartment ko Simula bata, magkaibigan na kami ni Yeeny. Pareho kaming lumaki sa bahay-ampunan at nang magkaroon ng tamang desisyon at tapos na sa pag-aaral, lumuwas kami pareho  para makipagsalaparan sa magulong reyalidad ng Maynila. "S-salamat ulit Kiera," garalgal ang boses niya habang sinabi iyon. "A-ang laki ng k-kasalanan ko s-sa'yo b-bilang kaibigan mo." "No Yeeny, 'wag mong sabihin 'yan. Naiintindihan ko kung hindi na tayo masyadong nagkikita. May asawa ka—" "W-wala akong asawa." Napaawang ang labi ko sa sinabing iyon ng kaibigan ko. Akala ko kasi nag-asawa na siya kaya hindi niya na ako mabisita at makumusta. Gusto ko siyang tanungin pero nanatili akong naghintay sa kaniyang sasabihin. "H-hindi ako pinakasalan ng lalaking ama ng dinadala ko," malungkot na saad niya habang nagbabadya na naman ang mga luha sa kaniyang mata. Bigla akong naguluhan. Sa parte ko bilang kaniyang kaibigan, naghalo ang nararamdaman ko. Awa at galit. "Bakit ka pumayag?" Sino bang tanga ang papayag na maging gano'n, 'di ba? "He's rich. Mayaman ang pamilya nila at—" "At mahirap lang tayo kaya pumayag kang buntisin ng lalaking iyon at pagkatapos ay iwan?" 'di ko mapigilan ang saril ko na magtaas ng boses. Galit ang nag-uumapaw sa'kin ngayon at parang gusto kong pagsasampalin ang walang-hiyang lalaking bumuntis sa kaniya. Ang kapal ng mukha! "Hindi ako nagustuhan ng kanyang magulang. Galit na galit sila sa'kin nang malaman nilang nabuntis ako ng anak nila. P-pera lang daw ang habol ko sa kanilang pamilya." "What?" Napatayo ako at napasapo sa noo. Nakakapanggigil malaman na ganito ang naranasan ng kaibigan kong tinuring ko na halos na kapatid. "Ano, hindi ka man lang pinaglaban ng lalaking 'yon?" Napahikbi naman siya at nagyuko ng tingin. "H-hindi." "That beast!" napamura ako at hinawakan siya sa kamay. "Let's go Yeen! Puntahan natin ang pamilya ng lalaking 'yan. Wala silang karapatan na gawin sa'yo ito!" Hayop pala ang lalaking bumuntis sa kaniya, eh. Walang paninindigan! Hanggang pasarap lang ang alam sa kama at kapag nagbunga, tatakbo na parang bata. Mabilis niyang pinigilan ang kamay ko at nagmamakaawang tumingin sa'kin. "Nasa America na sila, Kiera." Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Awang-awa ako ngayon sa kaibigan ko. Nagpasya akong umupo ulit sa tabi niya saka ko hinamig ang sarili ko at napahugot ng buntunghinga. Nung huli namin pagkikita dalawa, hindi niya sinabi sa'kin na ganito na ang sitwasyon pinagsusuungan niya. Hindi ko rin siya masisi kong bakit nilihim niya ito sa'kin. Simula kasi nung napadpad kami rito sa Maynila, naghanap agad kami ng trabaho at nang tumagal ay napalipat kami sa mga branch at do'n na ang simula kung saan madalang na kaming magkita. Naging malihim na rin siya sa'kin at piling-pili na ang mga kwentong kinikwento niya. "Ano bang pwede kong magawa sa'yo?" "K-kung pwede s-sana... a-alagaan mo ang anak namin ni Ermel, Kiera. Pakiramdam ko, hindi na ako magtatagal." Biglang nag-init ang sulok ng aking mata at napailing-iling sa kaniyang sinabi. Hanggang ngayon palabiro pa rin ito. "Ano ka ba! 'Wag ka ngang magsalita ng ganyan." pabiro ko siyang tinampal. "Halika ka nga sa kusina at pagtitimplahan kita ng gatas." Saka ko siya inalalayan sa pagtayo. Napapansin kong hirap na hirap na siya sa kaniyang kalagayan. Nang maibigay ko sa kaniya ang gatas na tinimpla ko, tumingin siya sa'kin bago niya ito ininum. "Isa kang tunay na kaibigan Kiera." Gumuhit ang mapait na ngiti sa kaniyang labi at nagbabadyang papatak ang kaniyang mga luha. "Hey, no crying okay? Makakasama sa baby mo," mabilis na saad ko at umupo ako paharap sa kaniya. Binigyan ko siya ng masayang ngiti at gumanti naman siya pero alam kong may pait at sakit ang ngiting iyon. Parang gusto kong pagmumurahin sa isip ko ang lalaking walang-hiyang bumuntis sa kaniya! "Hindi ba kami magiging pabigat ng anak ko sa'yo, Kiera?" Ginanap niya ang kamay ko. "Of course not! Alam mo naman na ikaw lang ang pamilya ko, 'di ba. You can stay here forever if you want. Baliw ka talaga!" pabiro akong tunawa para hindi siya mailang sa'kin. Nang matapos niyang inumin ang gatas na tinimpla ko sa kaniya, inakay ko na siya patungo sa kwarto ko. Kinuha ko rin ang dalang bagahe niya at dinala ito sa loob. Hindi ko naman siya papayagan na siya ang magbitbit. "H-heto..." Napatingin ako sa kanya ng iabot niya sa'kin ang brown envelope. Kinuha ko ito at tiningnan ang nasa loob, puro mga pictures ang laman. Nalaman kong picture nila ito ni Ermel at kitang-kita ko ang pagmamahalan nilang dalawa sa mga larawan. "Ang gwapo niya, 'di ba?" humagikhik siya ng kunin niya ang isang larawan nilang dalawa. "Nagkakilala kaming dalawa nung minsan nalasing ako sa party at siya ang naghatid sa'kin sa apartment. After that incident, naging magkaibigan kami at nauwi sa pagmamahalan." tila kinikilig pa siya habang inaalala ang nakaraan pero agad din naglaho ng haplusin niya ang kanyang tiyan. "Yeeny, magpahinga ka na. Pagod na pagod ka na at kailangan mo nang magpahinga." Tumango siya at inalalayan ko ulit siya para humiga ng maayos sa malaking kama ko na kasya dalawang tao. Inabot ko na rin ang kumot at kinumutan siya. Ilang sandali pa'y pinikit niya ang mata at tuluyang nakatulog. Kinuha ko ang brown envelope at simulang tingnan ang mga larawan. Sa nakikita ko, mayaman nga ang lalaki ayon na rin sa kagwapuhan nito. Tiningnan ko isa-isa hanggang may isang kumuha ng aking atensyon. Napatitig ako sa lalaking nasa larawan. Biglang sumikdo ang puso ko habang pinagmamasdan ko ang matitiim na titig ng lalaki. Ang makakapal na kilay na bumagay sa may kasingkitang mata, matangos na ilong at mapupulang labi ang kumuha ng atensyon ko kaya 'di ko mapigilan ang sarili ko ng tingnan ang likod ng larawan. "Jayar Montevidad?" halos pabulong lang itong lumabas sa'king bibig. Sino kaya siya? Ewan ko ba, bigla akong nakaramdam ng 'di mapapaliwanag na  damdamin sa lalaking kaharap ko ngayon sa picture. Para bang nahipotismo akong pagmasdan ang mukha niya at titigan iyon buong magdamag.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Disguise (Filipino)

read
434.7K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
418.1K
bc

His Revenge

read
55.8K
bc

'TILL I MET YOU (SPG R-18)

read
335.0K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.3K
bc

One Sinful Night R-18 (Tagalog story) COMPLETED

read
440.4K
bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
40.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook