Chapter - His Picture

1002 Words
Kung 'di pa tumunog ang phone ko, 'di ko maigawang agawin ang titig na ginawad ko sa picture na hawak. Hindi na ordinaryo sa'kin ang makakita ng gwapong lalaki, normal na ito para sa tulad ko na nagtatrabaho sa isang kompanya. Halos lahat yata na nakikita ko araw-araw, kalahi ni Adonis. Pero ang 'di normal sa'kin, 'yung makaramdam ng kakaiba sa lalaking sa picture ko lang nakita. Binalik ko agad ito sa pinaglalagyang brown envelope at dahan-dahang humiga sa tabi ni Yeeny. Ingat na ingat para 'di siya magising at maalimpungatan. Bahagya pa akong napabuntunghininga nang sulyapan ko ang malaking umbok ng kaniyang tiyan. Nakikita ko sa hitsura niyang kahit payapang natutulog, may hinanakit at sakit na umalipin sa kaniyang pagkatao. "Good night Yeen," pabulong na wika ko at pinikit ko na ang aking mata. KINABUKASAN nataranta ako nang magisnan kong umiiri sa sakit ang aking kaibigan. Hawak niya ang kanyang tiyan at mukhang manganganak na yata siya. Bigla akong nalito kung ano ang una kong gagawin, ang alalayan siya o ang tatawag ng ambulansya. "K-kiera, manganganak n-na yata a-ako!" Gahol akong napatayo at agad na sinuot ang tsinelas. Naka-pajama lang ako pero dahil sa katarantahan ko nang umagang iyon, 'di na ako nagbihis. Mabilis na akong tumawag ng kapit-bahay para tulungan kami. "S-sakaling mawala ako K-kiera, a-alagaan mo ang anak ko." hirap na hirap na sabi niya nung pinagtulungan kami ng kapit-bahay para madala siya sa kalapitang Hospital. "Pwede ba, 'wag kang magsasalita ng ganyan!" kahit naiinis, 'di ko na lang pinansin iyon. Hindi ganito ang pagkakilala ko sa kanya. Tanda ko, isa siyang matapang, palaban at kailanman ay 'di nagpapaapak ng sinuman. Pero dahil sa umibig siya, lahat ng iyon ay tila bulang naglaho. Nakakabaliw nga naman talaga ang pagmamahal kaya minsan sa buhay ko, hindi ako sumubok. Pagsapit ng hospital, agad kaming pinagkaguluhan ng mga attendant. Ako ang kinakabahan sa kaibigan ko at abut-abot ang dasal na sana ay makaligtas siya. Napapikit ako ng pinasok na siya sa isang room. Gusto ko sana siyang sundan sa loob para bigyan ng lakas ng loob pero hindi ako pinayagan. Saka naman ako kinausap ng Doktor matapos matingnan ang kalagayan ng kaibigan ko nung lumabas ito. "Fifty-fifty ang chance na maililigtas ko ang kaibigan mo, Ms. Antonio." pagtatapat nito sa'kin. Tila binagsakan naman ako ng marinig ko iyon. "Dok, sa'yo ko na po iaalay ang buhay ng kaibigan ko. Pakiusap po, gawin niyo ang lahat para iligtas silang dalawa. Matapos namin mag-usap ng doktor, nagdasal ako ng taimtim na sana'y makaligtas si Yeeny. Siya lang ang bukod tanging pamilya ko. Pero nang lumabas ulit ang doktor at sabihin sa'kin ang nangyari, dalawang masaganang luha ang bumagsak sa'kin mata. Hindi dininig ng Panginoon ang dasal ko. Hilam na hilam sa luha ang aking mata habang pinagmamasdan ko ang napakalusog na sanggol sa nursery. Lalaki ang anak niya at ni Ermel. Larawan ng kasiglahan at pagmamahal. Kung alam lang sana ng sanggol na ulila na ito, na wala na itong ina. "Pangako ko Yeen, aalagaan ko ang anak mo. Aalagaan ko ito," pipi kong dalangin. Halu-halo ang naramdaman ko at masakit para sa'kin ang iwan ako ng taong kinilala kong kapatid at pamilya. Matapos kong mabigyan ng maayos na libingan ang aking kaibigan ay umuwi na ako, dala ang bata. Nang araw rin iyon, nagpaskel ako ng karatula sa labas na naghahanap ako ng yaya para sa bagong silang na sanggol. Sakto naman na may nag-apply kinahapunan kaya tinanggap ko ito. "Wala kang tanging gawin kundi ang bantayan at alagaan mo ang anak ko, Mela." Inako ko ng anak ang walang muwang na sanggol. Walang makakaalam sa lihim na ito kahit na ang pamilya o ama nito. Jayar Antonio ang pinangalan ko. Kinuha ko sa pangalan nung lalaking nasa picture. Wala akong maisip na pangalan ng mga sandaling iyon kaya ito ang ginamit ko. "Upo ate." "Ipangako mong 'di pababayaan si Jai." Tumango ito at ngumiti. "Ipapangako ko, ate." Maluwang kong tinanggap ang bagong kasambahay ko ngayon. Siya lang ang maaaring sandalan ko sa mabigat na tungkulin na iniwan sa'kin ni Yeeney. Parang sa isang iglap lang, nagbago ang lahat. Pero sisikapin kong maitaguyod at mapalaki ng maayos ang bata ngayon nasa akin na ito. Sa simula, hirap ako sa pagbabantay kay Jai. Ako ang nagpupuyat sa pagpapalit ng lampin at pagtitimpla ng gatas sa gabi. Kahit naman kasi kumuha ako ng yaya para sa anak ko, gusto ko pa rin alagaan siya tulad ng pinangako ko sa kaibigan ko. Nagmistula akong tunay na ina ni Jai. Sa araw, trabaho ang inaatupag ko at sa gabi, siya ang inaasikaso ko. Para kahit papaano, makapagpahinga si Mela sa buong araw na pagbabantay. "Naku, baby nagkakalat ka na naman ha," kunwari'y reklamo ko. Kahit papaano, masaya ako sa pagdating ng munting anghel na dumating sa'kin buhay. "Ako na ang maglilinis sa kalat ni Jai, ate," Lumapit sa'kin si Mela at nagbulontaryo. Nang magsimulang humakbang si Jai, naglulundag ako sa subrang tuwa. Kapag may sakit naman ang bata, para akong tanga sa katataranta at 'di malaman ang gagawin. Halos tawagin ko ang lahat ng santo para gumaling lang ang anak ko. Kahit puyat ako sa pagbabantay sa anak ni Yeeny, masigla pa rin akong gigising kinabukasan. Papasok ng opisina at maagang uuwi para masilayan ang mukha ng tinuturing kong anak. Kahit pagod ako sa pagtratrabaho buong maghapon, napapawi naman ito sa munting tawa at ngiti ng anak ko. Bahay-opisina ang naging routine ko araw-araw. Kapag weekeend naman ay ipinapasyal ko ang bata. Kahit hirap ako sa pagbabalanse ng gastusin araw-araw ay naging masaya na ako. Makita ko lang na malusog at masigla ang batang nasa pangangalaga ko. Itinago ko rin ang brown envelope sa'kin drawer. Wala ng rason pa para ipaalam ko sa mga ito na nagsilang na ang aking kaibigan at nasa poder ko ang bata. May isang papel do'n na naglalagay ng address at numero ni Ermel pero wala akong plano. Pero ang picture ni Jayar Montevidad ay kinuha ko at nilagay sa ilalim ng unan. Weird na kung weird pero nakaramdam ako ng paghanga para rito. Pero hanggang doon lang ag lahat. Alam kong kapatid ito ng lalaking nang-iwan sa kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD