Chapter 4 - New Boss

1221 Words
"ANG bago nating manager, si Mr. Esan Fobres," pagpapakilala sa'min lahat na empleyado ni Mr. Ong. Lahat naman ay masiglang bumati sa batam-bata at matikas na manager na nasa aming harapan ngayon. Unang tingin ko sa kaniya, nakaramdam ako ng munting paghanga pero 'di ko pinahalata. "Your new boss, Ms. Kiera Antonio." Bumaling sa'kin ng tingin si Mr. Ong at pinakilala sa'kin ang lalaki. Nag-alay ako ng masayang ngiti nang makipagkamay ako kay Mr. Fobres. "Welcome to the company, Sir." Malugod naman akong tinanggap nito at gumanti siya ng ngiti. "Thank you, Ms. Antonio." Aaminin kong gwapo ang bagong boss na pagsisilbihan ko. Maputi ang kaniyang balat at ang mga mata niya ay malalamlam kung makatitig. Hindi ko ikakaila na nagkakagusto ako sa lalaking kaharap ko pero sa puso ko, tila mapagbiro ang pintig nito. Mapagbiro, dahil si Jayar ang sinisigaw. "I think, gaganahan akong magtrabaho nito Mr. Ong, kapag ganito kaganda ang magiging secretary ko." Tipid na ngiti ang naging tugon ko sa sinabi niyang iyon at namumulang binawi ang kamay. Kung 'di ako magkakamali, mukhang magkakaroon siya ng bahagi sa buhay ko. At hindi nga ako nagkabula sa'kin hinala. Pagdating ko sa opisina kinabukasan ay mayro'ng basket of flowers sa mesa ko. Sabik kong kinuha ang card na nakalagay do'n at binasa. To the most beautiful woman ive ever seen. - Esan Gumuhit ang ngiti sa labi ko pero agad din naglaho at napabuntunghinga. Napatitig ako sa mga nakaukit na letrang nando'n. Isa na namang manunuyo. Napailing-iling akong ibinalik ang card sa basket at pinagmasdan na lamang ang bulaklak na nasa mesa0 nakapatong. Napakaganda ng bulaklak pero... napabuntunghinga ako ulit. Ilang lalaki na ba ang nagtangkang manligaw sa'kin at pagkatapos ay aatras nang malaman ang tungkol sa anak ko? Hindi ko na mabilang sa'king kamay. Para sa'kin, tama naman itong ginagawa ko at walang mali ro'n. Kung totoong mahal ka ng isang lalaki, tatanggapin ka kahit may anak ka o ano ka sa nakaraan. Sa kalagayan ko, nagpanggap lang ako na anak ko sa pagkadalaga si Jai pero wala ng lalaking nagpapatuloy na manligaw sa'kin. Dahil siguro isa na akong disgrasyada sa kanilang paningin, at 'di karapat-dapat mahalin. Ang mga lalaki talaga! Kahit papaano, nagpapasalamat ako sa anak ko. Dahil sa kanya, makikita ko kung sino ang tunay na lalaki ang para sa'kin. 'Yung lalaki na tatanggapin ako pati si Jai. 'Yung lalaki na mahahalin ako sa kabila ng lahat na may anak ako. 'Yung lalaki na 'di ka ikakahiya pagkatapos malaman niyang napaanakan ka sa iba. "Do you like the flowers?" Mula sa labas ay pumasok si Esan na may ngiti ang labi. Pati ang mata nitong malamlam kung makatitig ay nakangiti rin. "Yes, they're beautiful," nagbigay ako ng masayang ngiti. "Beautiful... just like you." bigla siyang nagseryoso ng sabihin iyon. Naramdaman ko naman ang pag-init ng magkabila kong pisngi. Hindi na ordinaryo sa'kin ang sabihan ng maganda galing sa mga lalaki pero 'di ko pa rin mapigilang mag-blush. Lalo na't sa bagong boss ko pa nanggaling ang compliment na iyon. "Can I invite you for lunch later, Ms. Antonio?" Saglit akong natigilan at napatingin sa kaniya. Lunch? Uunlakan ko ba ang gwapong manager na nakatayo sa harapan ko ngayon? Mag-entertain na naman ba ako ng panibagong suitor sa buhay ko? What if katulad lang siya ng ibang nagtangkang manligaw sa'kin? Pero paano ko ba malalaman kong 'di ko susubukan. Baka sakaling tanggapin niya si Jai. Ito na siguro ang panahon na ang sarili ko naman ang bigyan ko ng pansin. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa alok niya. Lumapad naman ang kanyang ngiti at masiglang nagtungo sa kaniyang mesa. Habang ako ay nag-focus na sa trabahong dapat kong asikasuhin sa araw na ito. Sumulyap muna ako sa bulaklak na nasa aking harapan saka na ako nag-concentrate. Sa isang mamahaling restaurant kami humantong ni Mr. Fobres. Malapit lang sa company na kapwa namin pinagtratrabahuan. Mabait siya. Iyon ang unang naramdaman ko sa kaniya. Habang kumakain kami, alaga niyang lagyan ng ulam at kanin ang plato ko. Napapatingin tuloy sa'min ang ibang naroon pero wala akong pakialam. Beside, sa pagiging mabait niya, napakalambing pa niya. Perfect para sa lalaking pwedeng gawin partner ko. Palakwento rin siya. Habang kumakain kami, hindi ako nakakaramdam ng pagkailang o anuman. Magaan agad ang kalooban ko at wala siyang bahid ng anumang kayabangan. MALIGAYA ako sa araw-araw naming set-up. Papasok ako na may flowers o kaya'y roses sa mesa ko every morning. At pag-lunch naman o kaya'y break time ay lagi niya akong niyaya. Pareho kami ng likes and dislikes sa mga bagay-bagay. Magkatulad na magkatulad kami pero may isang problema: ang anak ko. "Kiera." Mula sa pagkasubsub ko sa mesa na puno ng mga paper works, nagtaas ako ng tingin. Nasa harapan ko si Esan at nakapamulsa ang kanyang isang kamay sa itim na slacks. "Sir? May ipapagawa kayo?" mabilis kong tanong. "Pwede ba kitang ihatid mamaya?" "Sir!" nagulat ako at umilap ang aking mata. "Matagal ko na itong pinag-isipan na gawin. Pero I can't help myself para 'di ka lapitan. Parang there's something in you na hinihila ang puso kong magkagusto sa'yo." Napaawang ang bibig ko. Nagbaba ako ng tingin at gusto kong ayawan si Esan sa kanyang gusto. Pero ibang kataga ang lumabas sa'kin bibig. "Ikaw ang bahala," ito ang naging tugon ko at binigyan siya ng isang sulyap. Kitang-kita ko ang pagguhit ng saya sa kaniyang gwapong mukha. Para siyang teenager na kinilig sa kaniyang inakto. Uwian. Sabay na kaming naglakad palabas ng building. Nakatingin sa'min ang kapwa co-workers ng mga sandaling iyon lalo na nung inalalayan niya ako sa siko papasok sa kaniyang mamahaling sasakyan na nakahimpil sa parking lot. Inihanda ko na rin ang aking sarili sa maaaring mangyari mamaya pagdating ng bahay. Kung ano man ang maging reaksyon ni Esan, igagalang at irerespito ko ito. "May boyfriend ka na ba, Kiera?" diretsahang tanong niya habang tinatahan namin dalawa ang kalsada patungo sa apartment kung saan ako nakatira. "Wala," kiming sagot ko. "That's good to hear." Tipid lang akong tumango. Malapit na kami at sa katunayan ay nasa harap na kami ng bahay ko. Pagbukas na pagbukas ko sa pintuan, agad na sumalubong sa'kin ang makulit at gwapo kong anak. "Mommy!" sigaw ni Jai nang salubungin niya ako. "Hey, dahan-dahan lang at baka madapa ka!" awat ko at mabilis kong kinarga ang anak ko na may galak at hinalikan ito sa pisngi. "How's my baby, ha?" "Okay lang," pero sa kasamang bisita ko nakatuon ang kanyang mata. "Mommy, friend niyo?" Nagbaling naman ako ng tingin kay Esan. Kitang-kita ko ang gulat at pagtatanong sa kaniyang mata. "Anak ko," walang ka-emosyong saad ko sa kaniya. "Siya ang dahilan kung bakit magpahanggang ngayon, walang lalaking nagkakamaling magkagusto sa'kin." "M-may anak ka na?" "Oo. Anak ko sa pagkadalaga," walang gatol kong sagot. Malaking bakas ng pagkakagulat at paghihinayang ang nakita ko sa kanyang mata. Nagpalipat-lipat siya ng titig sa'kin at kay Jai na parang 'di makapaniwala. "Gusto mo ng kape? Pasok ka muna." "Ah n-no. May lakad pa pala ako. Sige!" kapagkuwa'y sinulyapan niya ang kaniyang relo at nagpaalam na agad sa'kin. Para bang may sakit akong nakakahawa sa kaniyang inakto. Nakagat ko na lamang ang labi ko habang sinusundan ng tingin ang papalayong lalaki. Tama nga ako ng hinala, aatras din siya pag malaman niyang may anak ako. "Mommy, bakit siya agad nag-leave?" "He's busy." Karga ko pa rin siya nang simulan kong ihakbang ang paa ko patungong kwarto. Magpapalit lang ako ng damit pambahay para makipaglaro sa anak kong subrang cute at bait. Bahala na kung walang lalaking magmamahal sa'kin. Andito naman si Jai sa buhay ko at sapat na ito para sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD