Sa reaksyong nakita ko kay Esan kanina, dismayado ang nakalarawan sa kaniyang mukha. Dahil sa pagsisinungaling ko, wala na yatang lalaki na para sa'kin. But no, I know and i know it, na may isang lalaking darating at handang tanggapin ako pati ang bata. "Ate, sa'n na ho 'yung bisita niyo?" tanong ni Mela. "Tulad pa rin ng dati." "Ha? Naku grabe naman! Sige lang ate, antayin na lang natin ang right prince charming mo," pagbibiro niya. Natawa lang ako at nagpatuloy sa pagpasok sa kwarto. Isa si Mela sa naging saksi sa mga lalaking parang bagyo kung dumating at kung maglaho, parang bagyo rin. HINDI ko na ikinagulat kinabukasan nang mag-iba ang pakikitungo sa'kin ni Esan. Tulad nga ng sinabi ko, 'di ko siya masisisi kung bakit nag-iba siya. Atleast, nalaman ko rin ang totoong kulay niya.