Makalipas ang ilang araw...
Club Ginza.
Kanina pa bored na bored si Lucky habang mag-isa siyang umiinom ng white wine sa VIP chair sa Club Ginza. Kasalukuyan nilang sine-celebrate ang kanilang victory party para sa matagumpay na pagpapalabas ng "Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin" Finale kagabi.
Their Finale got the most highest rating in the history of all teleseryes for the year 2019. Kaya naman tuwang-tuwa ang Director, Producer at production crew ng teleserye na iyon...
Wala siyang ganang mag-celebrate dahil pagod na pagod siya. Nakailang guestings din sila ni Quiel sa mga TV Shows kahapon upang i-promote ang last episode ng kanilang teleserye...
Lucky decided to just show up at the party upang hindi naman siya magmukhang bastos sa kanyang mga kasamahan sa production. Anyway, kung hindi rin naman dahil sa kanila ay hindi magtatagumpay ang kanilang teleserye...
"Lucky,are you alright? Why don't you go to the dancefloor and have some fun?" ang tanong sa kanya ng kanyang Manager na si Katarina. Masaya itong umupo sa tabi niya habang pinapanood ang mga nagsasayaw nilang kasamahan sa dancefloor.
"I'm tired,Kat. Ayoko nang pagurin ang sarili ko dahil may pictorial at interview pa ako para sa isang fashion magazine bukas. Pumunta lang ako dito dahil kahit paano ay malaki rin ang nai-contribute ng production crew sa success ng drama series ko. But after midnight, uuwi na ako." Lucky wearily replied.
"You're right.Kailangan mong magpahinga para sa pictorial mo bukas. Don't worry, ako na ang bahalang magpaliwanag kina Direk at sa Producer natin." ang pagsangayon naman ni Katherine.
Naputol ang kanilang pag-uusap nang biglang lumapit sa kanila ng Manager ni Quiel si Kat.
"Kat,Lucky,anong ginagawa ninyo dito? Why don't you join us sa dancefloor?" ang nakangiting yaya sa kanila ni Rob.
"I just want to rest for awhile,Rob. But don't worry about me. Why don't you dance with Kat here instead?" ang pagbibigay ng suhestiyon ni Lucky. Matagal na niyang nahahalata na may gusto si Katarina sa Manager ni Quiel. At sa tingin naman niya ay bagay silang dalawa.
At kahit medyo madilim sa Club,alam niya na namumula na ang mukha ni Katarina.
"Uh, okay! Let's go and dance, Kat!" ang yaya ni Rob.
Binigyan muna ng huling tingin ni Katarina si Lucky bago ito tuluyang sumama kay Rob.
"Have fun,guys!" ang pahabol ni Lucky, bago tuluyang lumayo ang mga ito.
Makalipas pa ang ilang sandali ay napagpasiyahan ni Lucky na pumunta ng comfort room. At pagkatapos noon, ay uuwi na siya ng kanyang condo upang makapagpahinga.
After a few minutes, Lucky was now walking at the semi-darkened hallway pagkalabas niya ng comfort room. She is dead tired and she just wanted to go home and take a rest as soon as possible.
"Lucky!"
biglang napalingon si Lucky nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon.
Pinigilan niya ang kanyang sarili na mapasimangot nang makita niya si Quiel na ngingiti-ngiti sa kanya. Ayaw naman niyang maging bastos sa kanyang co-star kaya pinilit niya ang sarili na harapin ito.
"Quiel.What are you doing here? Bakit hindi ka makihalubilo sa iba sa dancefloor?" ang casual na tanong niya sa lalaki.
"Oh,I don't care about them... To tell you the truth, kanina pa kita hinahanap." ang misteryosong pahayag ni Quiel, habang pasuray-suray ito na lumalapit sa kanya.
Lucky wearily sighed.
"Kung ano man ang gusto mong pag-usapan natin,Quiel.Can't it wait until tomorrow? Meron pa akong photoshoot bukas and by looking at you now. You’re obviously drunk." she sarcastically stated.
"And now you're being a b***h. But you know what? I kinda like it." Quiel slurred, while grinning from ear to ear.
Then,without any warning, Quiel grabbed him. Napasinghap si Lucky nang maramdaman niya ang sakit sa kanyang mga braso dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng lalaki.
Hindi na niya makuhang makasigaw dahil natakpan na ni Quiel ang kanyang bibig. Hinila siya nito papunta sa isang VIP room ng club na iyon. Ibinalibag siya nito sa couch at dinaganan siya.
Pinilit ni Lucky na manlaban ngunit sadyang mas malakas si Quiel. Pero mas malaki ang paghahangad niya na malabanan ang masamang balak sa kanya ng lalaking ito. She'd rather die that to let him destroy her purity and pride.
"Matagal na akong nanggigigil sa'yo, Lucky. Don't worry,mag-e-enjoy ka rin sa gagawin ko sa'yo. I'll make sure na mapapasigaw ka sa sarap later on..." ang nakakalokong tukso sa kanya ni Quiel habang nagpakawala ito ng mala-demonyong halakhak.
Tumingin si Lucky sa may pintuan ng VIP Room. Sa sobrang pagnanasa ni Quiel ay nakalimutan nitong isara ang pinto. Right now, she is silently praying na merong makakita sa kanila sa mga oras na ito...
At mukhang dininig nga ng langit ang kanyang dasal nang may biglang kumislap na bagay sa may pintuan. At that very moment, huminto si Quiel sa kanyang ginagawa. Sabay silang napalingon sa may pintuan. Nakita nila ang isang lalaki na may hawak na camera.
At kung hindi sila nagkakamali ay isa itong paparazzi na madalas silang sinusundan kahit saan...
Hindi alam ni Lucky kung paano nakapasok ang paparazzi na iyon sa club, ngunit nagpapasalamat siya sa presensiya nito.
"Y-You! Anong ginagawa mo dito? Ibigay mo sa akin ang camera mo!" ang utos ni Quiel sa paparazzi.
"Well,catch me if you can." ang ngingisi-ngising responde naman ng paparazzi.Matapos noon ay nagsimula na itong tumakbo palayo.
Bigla namang namula si Quiel dahil sa sobrang galit. Alam niya na kapag lumabas ang litratong iyon sa pahayagan, internet at telebisyon bukas, tiyak na masisira ang career niya. At tiyak na masisira ang ang engagement nila ng kanyang fiancee' na anak ng may-ari ng pinakamalaking TV Station sa bansa...
Nagmamadaling tumakbo palabas si Quiel upang habulin ang paparazzi na iyon, at tuluyan na niyang nakalimutan si Lucky...
Samantala, nakahinga naman ng maluwang si Lucky matapos siyang iwanan ni Quiel. Unti-unti siyang bumangon sa kanyang kinahihigaan. Napa-aray siya nang maramdaman niya ang sakit sa kanyang braso.
Bakat na bakat sa kanyang balat ang kamay ni Quiel. Tiyak na magkakaroon ng malaking pasa ang kanyang braso first thing in the morning.
Bigla ding bumangon ang galit niya para kay Quiel. Alam niya simula pa lamang na medyo m******s ito ngunit hindi niya akalain na maglalakas-loob ito na gawan siya ng masama. Kailangan niyang gumanti sa lalaking iyon.
"----Ate Lucky? Ano pong ginagawa ninyo dito? At bakit parang galit na galit po kayo?"
Muling napatingin si Lucky sa may pintuan nang marinig niya ang boses ng kanyang PA na si Bebang. Nagmamadaling lumapit ito sa kanya habang puno ng pag-aalala ang buong mukha nito.
Pinilit ni Lucky na magpakatatag. Ayaw niyang ipakita ang kanyang kahinaan sa iba.
"Bebang,tawagin mo na si Katarina. Gusto ko nang umuwi. At isa pa, may kailangan din akong sabihin sa kanya. I want to file a case against someone." ang nanginginig sa galit na utos ni Lucky sa kanyang PA.
"Ha?Anong pong ibig ninyong sabihin? Bakit po kayo magde-demanda? At kanino po?" ang sunod-sunod na tanong ni Bebang.
"Masyado kang maraming tanong, Bebang! Basta sundin mo na lang ang inuutos ko!" ang naiinis na sagot ni Lucky.
"O-Opo,Ate Lucky!" ang mabilis na sagot ni Bebang. Bigla itong natakot dahil sa biglang pagtataray niya.
Mabilis na itong tumalilis upang hanapin si Katarina.
Samantala, huminga muna ng malalim si Lucky bago siya bumalik sa iba pa niyang mga kasama. Anyway, siguradong safe na siya dahil abalang-abala si Quiel sa paghahabol sa paparazzi na iyon upang sirain ang camera nito.
Ngunit ipinangako din niya sa kanyang sarili na maghihiganti siya sa lalaki dahil sa pangbabastos nito sa kanya...