Kinabukasan.
Medyo inaantok pa si Daniel habang bumababa siya ng hagdanan. Mas maaga siyang gumising ngayon dahil may kakausapin siya na importanteng tao na baka makatulong sa plano niyang pagpapalago sa kanilang manggahan at bukirin.
He is silently wishing na sana ay pumayag ang taong iyon na mag-invest sa kanila.
Tuluyang nagising ang diwa niya nang may naamoy siya na parang nasusunog. Mas lalo niyang binalisan ang kanyang pagbaba sa hagdnan. Agad niyang nakita si Lilet na nakatayo sa may sala. Tutok na tutok ito sa telebisyon habang may hawak itong sandok.
"Lilet!Anong ginagawa mo? Wala ka bang naaamoy na parang nasusunog?" ang nag-aalalang tawag ni Daniel sa kanyang kapatid.
Para namang biglang naalimpungatan ang kanyang kapatid nang makita siya...Biglang nanlaki ang mga mata habang nakatitig sa kanya.
"Ah!Nakalimutan ko na may niluluto ako!" ang natatarantang sigaw ni Lilet. Matapos noon ay nagtatatakbo na ito papunta sa kusina.
Napapailing na sinundan na lamang ng tingin ni Daniel si Lilet. Bigla namang natuon ang kanyang atensyon sa telebisyon.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makita niya ang palabas sa telebisyon. Kaya naman pala nawala sa isip ni Lilet na may niluluto ito ay dahil ipinabalas sa telebisyon ang paborito nitong artista na si Lucky Araneta.
Nakita niya na pinagkakagulahan ito ng lahat ng mga taga-media. Kahit na dinudumog ito ng mga tao ay parang wala itong pakialam. Wala siyang makitang emosyon sa buong mukha nito.
Nakita niya ang ilang mga salita na naka-flash sa screen; "Lucky Araneta,totoo nga bang inakit niya ang leading man nito sa "Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin" kahit ng lahat na engaged na ang lalaki?!"
Mas lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Daniel matapos niyang mabasa ang headline na iyon. Muli niyang ibinalik ang kanyang tingin sa babae. Nakita niya na may katabi ito na dalawang guwardiya habang inaalalayan ang babae hanggang sa makarating ito sa sasakyan.
Kahit na tuluyan na itong makapasok sa van ay patuloy pa rin sa pagkuha ng mga larawan ang lahat ng mga paparazzi.
"---Sa ngayon nga ay nabigo tayo na makuha ang panig ni Miss Lucky Araneta tungkol sa kumakalat na balita tungkol sa kanila ni Quiel Mercado. Sa mga kakabukas lang ng kanilang telebisyon, alam po namin na gusto ninyong malaman kung bakit nagkakagulo ang lahat, may lumabas po na isang eksplosibong balita, at galing po ito sa isang reliable source. Nakatanggap po ng isang misteryosong litrato ang lahat ng Network stations. Naka-flash po sa inyong telebisyon ang litrato na ipinadala sa amin. Makikita ninyo po sa litratong ito sina Lucky at Quiel sa isang hindi kaaya-ayang sitwasyon. Nakahiga po si Lucky sa may sofa habang si Quiel ay katabi niya. Sa ngayon nga po ay nagkakaroon na rin ng Emergency Press Conference si Quiel Mercado kasama ang kanyang fiance’ na anak ng may-ari ng sikat na hotel dito sa Pilipinas na si Helena Perez. Pakinggan po natin ang sasabihin nilang dalawa tungkol sa eskandalong ito…” ang pagbabalita ng reporter.
Bigla namang pinatay ni Daniel ang telebisyon bago pa man nalipat ang video feed sa Emergency Press Conference nina Quiel Mercado at Helena Perez.
“Kuya!Bakit mo pinatay ang T.V?!” ang nagmamaktol na sabi ni Lilet.
"Ang aga-aga,tungkol sa tsismis na agad ang inaatupag mo. Tignan mo at muntik mo nang masunog ang niluluto mo. " ang pagbibigay leksyon niya sa kapatid.
"Kuya,hindi naman nasunog ang niluluto ko. Muntik lang." ang pagrarason ni Lilet.
"At nangatwiran ka pa talaga. Sige na at gisingin mo na si Ampuchong para sabay-sabay na tayong mag-almusal." ang utos ni Daniel kay Lilet.
"Pero kawawa naman si Miss Lucky,no? Halata sa mukha niya na naaapektuhan talaga siya sa eskandalo nila ni Quiel." biglang narinig ni Daniel ang boses ng kanyang kapatid mula sa kanyang likuran.
“Tigilan mo na ang pagiging tsismosa mo,Lilet. Halika ka na at mag-almusal na tayo.Kanina pa ako nagugutom. " ang mabilis na sabi Daniel. Naglakad na siya papunta ng kusina.
Napapailing na lamang na sumunod si Lilet sa utos ng kanyang kapatid.
=====================
Samantala…
Kasalukuyang nakatutok sa telebisyon sina Lucky, Katarina at Bebang. Pinapanood nila ang emergency press conference na inihanda nina Quiel at ang socialite fiance’ nito na si Helena.
"Quiel,ano ang masasabi mo sa eskandalo ninyo ni Lucky Araneta? Base sa picture na nagkalat ngayon sa media, totoo bang inakit ka ni Lucky? At may nangyari ba sa inyo?" ang sunod-sunod na tanong ng isang reporter.
Tinutukan ng camera ang buong mukha ni Quiel. Mukha itong maamong tupa at mas lalo nitong pinalungkot ang ekspresyon ng mukha nito...
"It was a total misunderstanding between me and Lucky. Alam ng lahat ng mga nakasama ko sa trabaho na sadya lang akong malambing at mabait sa aking mga kaibigan. And I consider Lucky as my long-lost sister. Pero hindi ko akalain na mabibigyan ni Lucky ng ibang kahulugan ang pagiging malambing ko sa kanya. I was so shocked myself that she would try to seduce me eventhough everyone knows that I am engaged to be married with this wonderful woman beside me. " ang madamdaming pahayag ni Quiel,habang ginagap nito ang kamay ni Helena.
"---At Miss Helena, ano naman po ang masasabi ninyo sa eskandalo na kinasasangkutan ng inyong magiging asawa?" nagbigay pa ng follow-up question ang isa pang reporter.
This time,the camera focused on Helena's beautiful face. Nakita ni Lucky na namumugto ang mga mata nito at mukha rin itong malungkot. Bago pa nila narinig ang sagot ni Helena ay dali-dali nang pinatay ni Katarina ang telebisyon. Tumingin it okay Lucky,at halata sa kanyang kaibigan at alaga na galit na galit ito dahil sa kasinungalingan na tinahi ni Quiel.
Ikinuwento na kasi ni Lucky ang buo at totoong nangyari noong gabing iyon. At mas naniniwala siya sa version nito dahil maraming loopholes ang kwento ni Quiel.
“Masyado nang magulo ang sitwasyon sa pagitan ninyo ni Quiel, Lucky. We need to do something para mailayo ka sa gulo kahit pansamantala lamang…” ang naiiling na sambit ni Katarina.
“Mailayo?” Bebang paparotted. Makalipas pa ang ilang sandali ay biglang nagliwanag ang buong mukha nito nang may pumasok na ideya sa isip niya.
“Ate Lucky,Ate Katarina,may naisip akong plano!” ang excited na pahayag nito.
Kunot-noo naming napatingin sa kanya sina Lucky at Katarina.Makikita sa mga mukha nito na gusto malaman ng dalawa ang naisip niyang plano…