Chapter One: Call me Lucky!
Napangiti si Lauren habang pinapanood niya ang paglubog ng haring araw habang tinatanaw iyon mula sa veranda ng kanilang resthouse. Nagpapasalamat siya sa Poong Maykapal dahil nakita niya pa ang kagandahan iyon na nilikha ng Diyos hanggang sa huling yugto ng kanyang buhay.
"It`s so beautiful,Noel. And having you here beside me is enough. I can leave this place now." ang nanghihinang sabi ni Lauren sa kanyang asawa na si Noel.
Napaluhod naman si Noel sa kanyang asawa,habang nakaupo ito sa wheelchair.
"Please don`t leave me,sweetheart.Please..." ang pakiusap ni Noel,habang napahagulgol siya.
Limang taon nang nakikipaglaban sa sakit na Stage 4 breast cancer ang kanyang pinakamamahal na asawa. At dahil hindi na kayang puksain ng mga gamot at chemotheraphy ang pagkalat ng kanser sa buong katawan ni Lauren, she decided to give up...
Lauren decided to leave the hospital and spend her remaining days at their resthouse in Sagada.
"It's time,darling.Maraming salamat dahil minahal mo ako ng sampung taon. At babaunin ko ang pagmamahal mo. Patuloy kitang mamahalin hanggang sa kabilang buhay. But please promise me, Noel. Live your life to the fullest. And please try to fall inlove again." ang nakangiting pakiusap ni Lauren.
"H-Hindi ko na kayang magmahal pa ng iba, Lauren." ang umiiyak na tugon naman ni Noel.
"I will forever love you,Noel...Until we meet again,my love." ang nakangiting paalam ni Lauren, habang unti-unti na niyang nararamdaman ang panghihina ng kanyang buong katawan.
Noel lovingly planted a soft kiss on his wife's lips. Matapos noon ay tumingin siya sa kalangitan. Unti-unti nang nagtatago ang haring araw at nagsisimula nang maglitawan ang mga bituin.
Noel felt like dying nang maramdaman niya na lumuluwag na ang hawak ni Lauren sa kanyang kamay.Hanggang sa tuluyan na itong bumitaw.
Nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ni Noel. Now, he has to start living in this world ,without Lauren.
"----And cut!That was a great scene,Quiel and Lucky!Good job!" ang masayang sigaw ng kanilang Direktor. Daki-daling tumayo si Lakeisha Araneta, also known as Lucky sa mundo ng showbiz. Nauna na siyang naglakad palayo. Sinalubong siya ng kanyang Personal Assistant na si Bebang.
"Ang galing mo talagang umarte,Ate Lucky! Parang Pagsanjan Falls ang pagtulo ng luha mo kanina!" ang tuwang-tuwa na sabi ni Bebang.
"Is that a compliment or what?" ang mataray na tanong ni Lucky.
"Siyempre,it was a compliment,Ate Lucky!" ang responde ng P.A. niya.
"Dapat lang." ang matipid na tugon ni Lucky.
Pilit na nagpakawala ng ngiti si Lucky nang lumapit sa kanya si Direk Rowell,and Direktor nila para sa T.V. drama series na "Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin."
Ngayon ang kanilang huling shooting day at bukas na ng gabi eere ang last episode ng teleserye na iyon.
"What a wonderful performance from the country's Primetime Drama Queen! Tiyak na mas tataas ang ratings natin natin sa Final episode!" ang bati ng Direktor sa kanya.
Ang kanilang teleserye ang pinakasikat at highest-rating drama series sa buong Pilipinas ngayon. Ang orihinal na plano ng T.V. Network ay patakbuhin lamang ang teleserye na iyon ng anim na buwan, but due to insisted public demand, hiniling ng mga viewers na pahabain ang kwento ng teleserye dahil nagugustuhan ng madla ang takbo ng istorya...
Tinanggap ni Lucky ang bouquet of roses mula sa Direktor.
"Thank you,Direk.Hindi naman po namin mailalabas ang mga tamang emosyon nina Noel at Lauren kung hindi po sa guidance ninyo." ang tugon ni Lucky.
"----And of course,you have a very talended and gorgeous leading man." narinig niya ang tinig ni Quiel mula sa kanyang likuran.
Lucky almost rolled her eyes heavenward matapos niyang marinig ang sinabi ni Enrique "Quiel" Mercado.Parang gusto niyang maghanap ng makakapitan dahil baka liparan siya sa lakas ng hangin na dala nito.
True enough,her leading man is one of the sought-out actors in showbiz.Magaling din naman itong umarte,pero parang live-action version ito ni Johnny Bravo dahil sa sobrang kayabangan. Gwapo nga ito at may ibubuga sa pag-arte, pero wala namang laman ang utak nito kung hindi kayabangan.
"Dahil sa effort nating lahat kaya naging successful ang drama series natin,Quiel."ang panonopla ni Lucky dito.
Nakita niya na bahagyang nawala ang ngiti sa mga labi ni Quiel habang nakatingin ito sa kanya. Ngunit dagli ring bumalik ang trademark "killer smile" nito. Pero alam ni Lucky na may halong kaplastikan ang ngiti nito.
"Well,you're right." iyon na lamang ang nasabi nito.
Tamang-tama naman na biglang sumingit sa kanilang usapan ang kanyang Manager na si Katarina.
"Good work today,everyone!Congratulations at natapos na rin natin ang taping for the last episode.Oo nga pala,don't forget that we're going to have a wrap-up party sa Club Z bukas ng gabi. Papanoorin natin ang final episode ng teleserye and after that,we are going to have party!" ang masayang pagbabalita ni Katarina.
Gusto na sanang tumanggi ni Lucky ngunit binigyan siya ng makahulugang tingin ni Katarina.
"And you're going to the wrap-up party too,right,Lucky?" ang pangungumbinsi sa kanya ni Katarina.
"Of course..." ang walang ganang tugon ni Lucky. Napilitan na lamang siyang sumang-ayon dahil kahit paano ay ayaw niyang ipahiya ang kanyang Manager sa harap ng ibang tao...
Makalipas pa ang ilang sandali ay nag-pack-up na ang lahat ng production crew ng teleseryeng iyon.
Sa ngayon nga ay nasa loob na ng sasakyan sina Lucky,Katarina at Bebang.Tinatahak na nila ang daan pauwi ng Manila.
"Thank you at pinagbigyan mo rin ako sa hinihiling ko sa'yo, Lucky. Kailangan mong makisama sa iba para magkaroon ka ng magandang reputasyon sa showbiz." ang pahayag ni Katarina.
"Iyon naman ang trabaho ko, hindi ba? Bukod sa umarte sa harap ng camera ay trabaho ko ring magsipsip sa mga kasama ko sa showbiz.” ang nakasimangot na tugon naman ni Lucky.
“Ganoon talaga ang patakaran sa mundo ng showbiz. Parang hindi ka na nasanay.” ang malumanay na tugon ni Katarina.
Napabuntonghininga na lamang si Lucky. Bigla tuloy bumalik sa kanyang alaala ang kanyang nakaraan noong nagsisimula pa lamang siya sa mundo ng showbiz…
Twenty years old siya nang magsimula siya sa showbiz. Sinabi sa kanya noon ni Katarina na mahirap makapasok at magtagumpay sa mundo ng pag-a-artista. Para makakuha siya ng mg maski maliliit na roles sa isang commercial o di kaya ay maging extra siya sa isang teleserye noon ay nagsimula siyang makipagkaibigan sa iba pang artista sa showbiz, at tinulungan siya ni Katarina doon, and the rest is history.
Ang isa sa mga maipagmamalaki niya, she never slept with Dirty Old Men na may mga posisyon sa iba’t-ibang television networks . Hindi siya ganoon kadesperada. She believed that one day, she will be able to rise to stardom because she knew that he has the talent. At hindi nga siya nagkamali sa kanyang paniniwala. Narating niya ang kanyang kinalalagyan ngayon at nakuha niya ang titulo na “Primetime Teleserye Queen” dahil na rin sa pagsisikap niya.
Hindi na namalayan ni Lucky na nakatulog na pala siya dahil sa sobrang pagod dahil sa magdamagang shooting nila kanina…