Chapter Two: Daniel, The Cowboy.

1142 Words
San Carlos City,Pangasinan.   Pagod na pagod na tinanggal ni Daniel ang kanyang working boots sa may pintuan.   Buong maghapon siyang nasa bukid at manggahan.Ngayon na kasi ang anihan ng mangga.     Biglang kumalam ang sikmura niya nang makaamoy siya ng nilulutong pagkain. Bigla niyang naalala na sinabihan pala siya ng kanyang kapatid na si Lilet na mag-iihaw ito ng isda at magluluto ng pinakbet na galing sa bagoong ang sabaw.    "Lilet,Ampuchong! Nandito na ako." ang tawag niya sa kanyang mga kapatid.    Dali-dali naman siyang sinalubong ng kanyang mga kapatid.    "Kuya,tamang-tama lang ang dating mo.Malapit nang maluto ang hapunan natin." ang nakangiting salubong sa kanya ni Lilet, habang hawak-hawak nito ang isang sandok.    Ito ang pumapangalawa sa kanilang magkakapatid. Seventeen years old na ito at nasa ikatlong taon na ito ng kolehiyo. Simula nang mamatay ang kanilang mga magulang dahil sa isang aksidente habang ibinabiyahe nila ang aning mga mangga sa Maynila, si Lilet na ang tumayong parang nanay nila ni Ampuchong.    Ito na ang nag-aasikaso ng mga gawaing bahay.Ito ang naglalaba, nagluluto, naglilinis ng bahay at ito na rin ang nag-aayos ng budget nila sa bahay. Kaya naman naisip ni Daniel na napakaswerte niya dahil napaka-responsable ng kanyang kapatid.     "Kuya,wala ka bang dalang matamis na bibingkang latik? Gusto ko sanang kumain ng panghimagas pagkatapos kumain ng hapunan." ang paglalambing naman sa kanya ni Ampuchong.      Ito ang bunso sa kanilang magkakapatid. Grade Five pa lamang ito. Hindi inakala ng kanilang mga magulang noon na magkakaanak pa sila ng isa pang lalaki nang dumating ang kanilang bunsong kapatid. In short,menopausal baby kasi ito. Kahit na sobrang spoiled ito sa kanila ay hindi binabawi naman ni Ampuchong ang kanilang mga ibinibigay dito dahil consistent ang pagiging honor student nito simula pa Kindegarten hanggang Grade 5.       Napangiti si Daniel matapos niyang marinig ang paglalambing sa kanya ni Ampuchong. Makalipas pa ang ilang segundo ay inilabas na niya mula sa bag ng sawali ang ilang hiwa ng bibingkang latik na nakalagay sa plastic.      "Syempre, makakalimutan ko ba naman ang pasalubong ko sa'yo?O,heto...Maghati kayo ni Ate Lilet mo ha!" ang paalala niya sa dalawa.    "At mag-tootbrush kang mabuti mamaya bago matulog, Ampuchong. Masyadong matamis ang bibingkang latik. Hala ka, baka masira ang ngipin mo." ang pananakot naman ni Lilet.    "Opo,Ate Lilet...At salamat din,Kuya Daniel!" ang nakangiting pasasalamat ng kanilang bunso.      "O,halika na at maghapunan na tayo. Sobrang nagugutom na ako." ang yaya ni Daniel sa kanyang mga kapatid.      "O, sige at maghahain na ako. Ampuchong, tulungan mo akong ihanda ang lamesa." ang sabi ni Lilet.     "Okay,Ate." ang sagot naman ni Ampuchong.  Nakangiting pinanood muna ni Daniel ang kanyang mga kapatid.Naisip niya na kung nabubuhay lamang ang kanilang mga magulang, tiyak na matutuwa din ang mga ito kapag nakita kung gaano lumaking ka-responsable sina Lilet at Ampuchong.       Makalipas pa ang ilang sandali ay sumunod na rin siya sa kusina...     ==========================      Makalipas ang ilang sandali…      Tapos na silang maghapunan. Kakatapos lang maghugas ni Lilet ng mga pinagkainan at si Ampuchong naman ay tapos na rin sa paggawa ng kanyang mga assignment.      Si Daniel naman ay nakaupo sa may tumba-tumba na minana pa nila mula sa kanilang lola. Just sitting at his grandmother's wicker chair while drinking coffee makes him calm.      "Ay, oo nga pala! Last episode na ngayon ng "Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin!" " ang excited na sabi ni Lilet. Kinuha nito ang remote control at inilipat ang channel sa isang istasyon.      "Ang ganda talaga ni Miss Lucky,Ate Lilet!" ang humahangang sabi ni Ampuchong,vhabang nakatitig ito sa TV.      Kunot-noo namang napatingin si Daniel sa telebisyon. Rumehistro doon ang mukha ng babae na tinutukoy ni Ampuchong.     Madalas na niyang makita ang babaeng iyon sa mga commercials. At dahil nakagawian na nilang magkakapatid na manood ng TV bago matulog, napapanood na rin niya ang teleserye na  "Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin..."       Hindi naiwasan ni Daniel na titigan na mabuti ang babaeng bida ng teleseryeng iyon.  She has wavy, brown hair na malayang inililipad ng hangin. She also has a pair of big, and brown eyes. Sa tuwing titingin siya sa mga mata nito, pakiramdam niya ay parang nalulunod siya.      She also has kissable lips. Hindi niya alam kung dahil pa sa lipstick kaya naging mamula-mula ang mga labi nito or maybe her lips is just natural. And he got to admit, she got a sexy body that can make men go crazy.         "Uy,si Kuya, titig na titig kay Miss Lucky... Crush mo na rin siya,ano?"        Naputol sa pagmumuni-muni si Daniel nang marinig niya ang panunukso ni Lilet. Bigla tuloy niyang naipilig ang kanyang ulo, as if he is shaking away his thought of Lucky...        "Tigilan ninyo nga akong dalawa.May pa-crush crush pa kayong nalalaman. Pagkatapos niyan, matulog na kayo.Maaga pa ang pasok ninyo bukas." ang saway niya sa kanyang mga kapatid. Pagkatapos noon ay tumayo na siya at naglakad papunta sa study room.        "Kuya,saan ka pupunta? Hindi mo ba tatapusin ang palabas?" ang nagtatakang tanong ni Ampuchong.    "Pupunta ako ng study room. Marami pa akong nakabinbin na trabaho." ang paalam ni Daniel.      Sa hindi malamang dahilan, gusto niyang bigyan ng huling tingin si Lucky sa telebisyon ngunit pinigilan lamang niya ang kanyang sarili. Baka kasi malunod na siya sa sobrang panunukso sa kanya nina Anet at Ampuchong...     Napabuntong-hininga na lamang si Daniel habang napapailing... Matapos noon ay tuluyan na siyang naglakad papunta ng study room.        ========================          Sa loob ng Study Room.  Tinanggal ni Daniel ang salamin sa kanyang mga mata at pagkatapos noon ay minasahe niya ang kanyang sentido.   Bigla siyang napatingin sa wallclock. Hindi na niya namalayan na alas-tres na pala ng madaling araw...      He looked down at his notes again. Kanina pa niya paulit-ulit na kinukwenta ang lahat ng kita nila sa loob ng anim na buwan.  Pero pareho din lang ang lumalabas kahit na anong gawin niya. Hindi nila nababawi ang kanilang mga ipinuhunan sa kanilang manggahan at sakahan. Ibig sabihin noon ay papalugi na sila.         Tumayo siya at naglakad papunta sa may bintana. Binuksan niya ang bintana upang makasagap ng sariwang hangin. Bago makatulong iyon upang makapag-isip siya ng mabuti.       Mukhang hindi niya mababayaran ang kanyang utang sa bangko kung patuloy silang malulugi. Ginawa pa naman niyang collateral ang hacienda na ito upang mapautang sila ng bangko.      Ang pera na kanyang nakuha ay ipinambili niya ng mga bagong makinarya na makakatulong para sa kanilang bukirin at manggahan. Ngunit nitong mga huling buwan na lamang niya nalaman na may utang din pala ang kanyang mga magulang sa iba pang bangko bago namatay ang mga ito.       Kaya naman ngayon ay problemadong-problemado siya. Ngunit naisip din niya na kahit anong mangyayari, hindi niya hahayaan na mawala sa kanila ang hacienda, katulad ng ipinangako niya sa puntod ng kanyang mga magulang.       Bigla din niyang naisip sina Lilet at Ampuchong. Kailangan niyang makaisip ng paraan upang maisalba ang hacienda upang maipamana pa niya ito sa kanyang dalawang kapatid...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD