“Are you alright,Lucky?” hindi na natiis ni Daniel na tanungin si Lucky habang naglalakad siya papasok ng bahay nina Andrea... Medyo nag-alala siya sa babae dahil nakita niya sa mukha nito na parang nasasaktan ito. Naisip niya na baka masakit ang ulo ni Lucky o di kaya ay masama ang pakiramdam nito... “I`m perfectly fine, Daniel. Inihahanda ko lang ang sarili ko dahil magpapanggap nanaman tayo sa ibang tao.” ang malamig na sagot ni Lucky. Nagsalubong ang mga kilay ni Daniel nang marinig niya ang sagot ni Lucky.Hindi siya manhid para hindi niya maramdaman ang biglang panlalamig nito sa kanya... What`s wrong with this woman? Tatanungin na sana ni Daniel kung ano ang problema ni Lucky ngunit hindi na niya naituloy iyon dahil bigla naman silang sinalubong ni Andrea... “Mabuti naman at pin