Napansin niya na magkatabi ng upuan sina Daniel at Andrea,samantalang magkatabi sila ng upuan ni Alejandro... Hindi niya maiwasang isipin na marahil ay talagang sinadya iyon ni Andrea na pagtabihin ang upuan nilang dalawa ni Daniel upang muli itong makipaglapit sa lalaki. At dahil doon ay hind rin niyang maiwasang magselos. Pagkatapos mag-lead ng prayer ang mama ni Andrea ay nagsimula na silang kumain. Panay ang pag-aasikaso ni Andrea kay Daniel. Kanina pa nanggagalaiti si Lucky dahil hindi man lamang siya inaasikaso ni Daniel... “Would you like to have some kare-kare? Specialty ito ni Andrea at sinisigurado kong masarap ito.” ang pag-o-offer ni Alejandro. Lalagyan na sana ni Alejandro ng kare-kare ang plato niya nang bigla namang magsalita si Daniel. “My fiancé is allergic to peanuts