Chapter Five: Lucky, The Troublemaker.

1598 Words
Kinabukasan.      “Nasisiraan ka na ba ng bait?! Bakit mo naman naisip ang ideya na iyan?” ang naiiritang tanong ni Daniel sa kausap nito sa telepono.      “Please,pumayag ka na, Kuya Daniel. Wala na kaming ibang maisip na lugar na puwedeng mapagtaguan ni Ate Lucky. And besides, may kapalit naman ang pananatili niya sa Solace Farm. She is willing to pay a million pesos as a rent! Hindi ba kailangan mo ng isang milyon para tuluyan mo nang mabayaran ang utang mo sa bangko? She is really desperate,Kuya Daniel.” ang pagmamakaawa ni Bebang sa kanyang pinsan.      Bigla tuloy napaisip ng malalim si Daniel matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Bebang. Kung papayag siyang patirahin si Lucky Araneta sa hacienda  sa loob ng isang buwan, malaking pera naman ang magiging kapalit noon. At dahil sa perang iyon ay tuluyan na niyang mababayaran ang utang niya sa bangko.     Medyo nagda-dalawang isip nga lamang siya sa privacy ng hacienda. Kapag nalaman ng mga taga-Maynila na sa lugar nila nagtatago ang isang artista ay tiyak na dudumugin sila ng mga taga-media at dahil doon ay tiyak na magiging magulo ang kanilang tahimik na buhay.      “---Hindi ba kailangan mo ng isang milyon para tuluyan mo nang mabayaran ang utang mo sa bangko?”    Napabuntonghininga si Daniel nang muli niyang maalala ang sinabi ni Bebang. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid ng mango farm. Nakita niya ang kanilang mga obrero na nagtatrabaho. Karamihan sa kanilang mga obrero ay tumanda na sa kanilang hacienda.      Nanatili itong loyal sa kanila kahit wala na ang kanyang mga magulang. At kahit siya na ang namamahala sa hacienda ay hindi pa rin naghahanap ng ibang trabaho ang mga ito. Pakiramdam niya ay responsibilidad niya ang kapakanan ng mga obrero at ng pamilya ng mga ito. Itinuturing na rin niya kasing mga kapamilya ang mga ito.      Saan pupunta ang mga ito kung sakaling kunin na ng bangko ang kanilang lupain?  Hindi na nagdalawang-isip pa si Daniel.      “Alright. Pumapayag na ako sa alok ninyo, Bebang.” he finally made a decision.     “Naku,maraming-maraming salamat talaga, Kuya Daniel! I promise, hinding-hindi ka magsisisi sa nagging desisyon mo!” ang tuwang-tuwang sabi ni Bebang mula sa kailang linya.      Makalipas pa ang ilang sandali ay natapos na rin ang pag-uusap nila ng kanyang pinsan.     “Sana nga ay tama ang nagging desisyon ko…” ang naiiling na bulong ni Daniel sa kanyang sarili.  ======================          Mabilis na lumipas ang isang linggo.        Sa ngayon nga ay mag-isang nagda-drive si Lucky papunta ng San Carlos City,Pangasinan.        Sinabihan siya ni Katarina na magbakasyon muna sa isang hacienda sa Pangasinan na pagmamay-ari ng pinsan ni Bebang. Katarina also told her the Terms and Conditions ng may-ari ng hacienda. They need to pay one million pesos upang magkaroon siya ng full access sa napakalawak na hacienda nito.        Naisip din niya na kailangan muna niyang magpakalayo dahil patuloy pa rin sa mainit na pagtutok  ang buong Pilipinas sa eskandalo nilang dalawa ni Quiel. At dahil doon ay tuluyan nang na-invade ang kanyang privacy.      Hindi siya tuluyang makalabas ng bahay dahil araw-araw siyang inaabangan ng mga reporters at paparazzis sa labas. Kaya naman wala nang nagawa si Katarina kung hindi i-cancel ang kanyang mga prior engagements sa showbiz.        Lucky decided to open the windowshield upang makasagap siya ng sariwang hangin. Napangiti siya nang maramdaman ang pagdampi ng preskong hangin sa kanyang mukha.        Makalipas pa ang ilang oras ay nakita na niya ang signboard  papasok sa Solace Farm.  She was having a hard time driving at this kind of road. Malubak at makipot kasi ang daan papasok sa farm.      Nagulat na lamang siya nang bigla siyang makarinig ng isang putok mula sa hood ng kanya Audi. The next thing she knew ay bigla na lamang umusok ang kanyang sasakyan.      “s**t!” ang malakas na mura ni Lucky.  Dali-dali siyang lumabas ng kotse upang tignan ang hood ng kanyang sasakyan. Pero hindi naman niya mabuksan ang hood ng kanyang Audi dahil umuusok iyon sa sobrang init.      Iginala ni Lucky ang kanyang paningin sa buong paligid. Wala siyang ibang nakikita kung hindi ang malubak na daan, mga puno ng manga at mga kalabaw.  Bigla siyang nanghina dahil pakiramdam niya ay madalang pa sa patak ng ulan ang pagdaan ng tao sa lugar na ito.      Kanina pa pinagpapawisan ang kanyang kili-kili at pakiramdam niya ay naliligo siya sa alikabok. Tirik na tirik ang araw at nag-aalala siya dahil baka umitim na siya pagbalik niya ng Maynila pagkalipas ng isang buwan.      Biglang napatingin si Lucky sa may bandang kaliwa nang makarinig siya ng mga yabag ng kabayo. Nakita niya na may papalapit na tao habang nakasakay ito sa kabayo. She squinted her eyes upang matitigang mabuti ang estrangherong nakasakay sa kabayo. Makalipas pa ang ilang sandali ay tumigil ang kabayo sa harapan niya…        Gustong mapasigaw ng “aaawww!” si Lucky at mapasayaw katulad ni Marian Rivera sa Marimar nang matitigan niya ang lalaki na nakasakay sa kabayo.      He was the sexiest cowboy she ever laid her eyes on. Nakasuot ito ng cowboy hat at nakasuot ito ng red plaid shirt. Nakabukas ang buong butones ng damit nito at nagpiyesta ang kanyang mga mata sa matipunong dibdib ng lalaki.      “Hindi ko gusto ang uri ng tingin mo sa akin,Miss.”       Natigil ang pag-e-explore ng mga mata ni Lucky nang marinig niya ang baritonong boses ng lalaki.      “I-I didn’t mean---to do that. But good thing you’re here. I’m on my way to Solace Farm pero biglang nag-overheat ang sasakyan ko.” she said.      Nakaramdam ng konting iritasyon si Lucky nang makita niya na nakatingin lamang sa kanya ang lalaki. Mukhang hindi nito naintindihan ang sinabi niya. O baka naman nai-starstruck ang lalaki dahil nakakita ito ng isang sikat at magandang artista na katulad niya…        “Oh,I know nagagandahan ka sa akin,but please help me fix my car. Okay,here’s the deal--- I’ll give you an autograph and a kiss on the cheek kapag naihatid mo ako sa hacienda.” she openly flirted at him while she flashed a seductive smile.      Sigurado siyang papayag ang sexy cowboy na ito sa suhestiyon niya. Sino ba naman ang tatanggi sa isang diyosa na katulad niya?      Lucky train of thoughts suddenly stopped nang muli niyang marinig ang boses ng lalaki.      “What are you talking about? Sa dami ng sinabi mo,wala akong halos naintindihan.” ang sabi ng lalaki,habang nakakunot ang noo nito.       Biglang nanlaki ang mga mata ni Lucky because of utter shock. Aba at, nag-English pa ang mokong na’to! “You mean,hindi mo ako kilala? May T.V. ka ba sa bahay ninyo? Teka, sa bundok ka ba nakatira?” Lucky asked him.      Magsasalita pa sana ang lalaki ngunit hindi na nito naituloy ang sasabihin nang biglang kumulog. Napatili tuloy si Lucky.      “Halika ka na at ihahatid kita sa looban ng Hacienda Montecillo. Kung magtatagal pa tayo dito ay tiyak na aabutan tayo ng malakas na ulan.” ang sabi ng estranghero sa kanya.      Nang tumingala si Lucky, nakita niya ang unti-unting pagdilim ng kalangitan. At mukhang tama nga ang lalaki. Mukhang uulan nga ng malakas.      “But wait-- paano ako makakasiguro na wala kang gagawing masama sa akin?” ang nagdududang tanong ni Lucky dito.      “You want me to be honest with you?” ang nananantiyang balik-tanong ng lalaki.    “Of course!Kailangang masigurado ko na wala kang gagawin sa akin!” ang tugon naman ni Lucky.      May ilang segundo rin napatitig sa kanya ang lalaki bago ito muling nagsalita.      “I don’t have any intention to do anything because you’re not my type.” ang diretsong sabi nito.      “---you are not my type…” paulit-ulit na nag-echo sa likod ng isipan ni Lucky ang sinabi sa kanya ng lalaki.      Pinigilan ni Lucky ang sarili na magwala. Ito ang unang lalaki na nagsabi sa kanya na hindi ito nagagandahan sa kanya!      Lucky took a deep calming breath. Pagkatapos noon ay muli niyang hinarap ang lalaki.      “Well,I can totally understand your situation, Mister. Ayokong mang-hamak ng iba pero dahil siguro nakatira ka sa bundok at walang telebisyon sa inyo ay hindi ka nagkaroon ng pagkakataon na makita ako sa T.V.  Nasa harapan mo ngayon ang pinakasikat na artista sa buong Pilipinas,and for your information,they always show my face on television.” Lucky informed the man, while flashing him a fake sugar-coated smile.      Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ng lalaki matapos nitong marinig ang speech niya.   “Okay,whatever you say,woman.Ang mahalaga ngayon ay ang maihatid na kita sa Hacienda bago pa man lumakas ang ulan.” ang kibit-balikat na tugon nito.      Matapos ang sinabi ng lalaki, tamang-tama naman na pumatak na ang malalaking butil ng ulan.        “W-Wait,I’ll get my things first!” ang natatarantang sabi ni Lucky.      “Wala na tayong oras para sa gamit mo, Miss. Just lock the car doors for the meantime. Ipapakuha ko na lang ang mga gamit mo bukas.” ang pigil sa kanya ng lalaki.      Wala nang nagawa si Lucky kung hindi ang sundin ang inuutos ng lalaki dahil ayaw din naman niyang maligo sa ulan at baka magkasakit pa siya.     Matapos mai-lock ni Lucky ang kanyang sasakyan ay nagpatulong siya sa lalaki na sumakay sa kabayo nito. Kahit na medyo nilalamaig na siya dahil nababasa siya ng ulan, nakakaramdam pa rin siya ng init sa kanyang sistema nang magkadaiti ang katawan nila ng lalaki.     “What the hell are you thinking, Lucky?!”  ang sita niya sa sarili.    Makalipas pa ang ilang sandali ay tumakbo na ang kabayo at tinahak na nito ang daan papunta sa Solace Farm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD