Katatapos lamang maligo ni Lucky. The warm bath made her feel good, kahit na wala siyang nakitang bubble liquid at scented candles sa banyo kanina. Kahit paano ay natanggal na rin ang pinagsama-samang pawis at alikabok sa kanyang buong katawan. Kasalukuyan siyang umiinom ng mainit na tsokolate sa may living room. She smiled, while feeling satisfied. Patuloy pa rin ang malakas na buhos ng ulan, and she liked this kind of peacefulness… Iginala ni Lucky ang kanyang paningin sa buong sala. Napakalawak ng sala na iyon and it has a classic feel on it. Biglang napadako ang kanyang tingin sa isang lamesita kung saan naka-display ang mga picture frames. Nakita niya ang larawan ng isang mag-asawa. Parang hinaplos ang kanyang puso dahil kitang-kita niya sa mukha ng mga ito ang