Kinabukasan. Napahikab si Daniel habang nagda-drive pauwi ng Hacienda. Nakuha na niya ang mga gamit ni Lucky. Matapos noon ay kinausap niya ang kaibigan niya na mekaniko upang ayusin ang sira ng sasakyan ni Lucky. Kagabi ay hindi siya masyadong nakatulog. Hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali kagabi. Naisip niya nab aka hindi pa siya sanay na may nakatirang outsider sa bahay nila.Not to mention that a famous celebrity is living with them. Makalipas pa ang ilang sandal ay nakarating na siya sa hacienda. Ngunit bigla ring nagsalubong ang kanyang mga kilay nang aakita niya na may nagkukumpulang mga tao sa harap ng kanilang bahay. Bigla siyang nag-alala dahil baka may nangyari nang gulo na hindi niya nalalaman. Dali-daling bumaba si Daniel mula sa