Makalipas ang ilang oras… Alas-dos na ng medaling-araw at kanina pa nakaalis sina Katarina at Bebang,kaya sila na lamang ni Lucky ang naiwan sa condo unit. Kasulukuyang nasa kuwarto nito si Lucky at natutulog na ito. Pinili niyang matulog sa sala ngunit hindi naman siya makatulog. Muli niyang naalala ang naging pag-uusap nila ni Lucky kanina… “Pumapayag na ako sa gusto mo,Lucky. Hindi ko alam kung paano mo nagawa ang lahat ng ito… But you have to promise me na isang buwan lang akong magpapanggap bilang fiancee’ mo.” ang nakasimangot na anunsiyo ni Daniel. Bigla naming nagliwanag ang buong mukha ni Lucky nang marinig niya si Daniel. “Really? Thank you so much,Daniel!” ang tili nito. Matapos noon ay napayakap ito kay Daniel dahil sa labis na tuwa. “Don’t get me wrong, Daniel…