Pagsapit ng umaga… Ipinasok ni Katarina sa doorknob ang spare key ng condo unit ni Lucky. Makalipas pa ang ilang sandali ay pumasok na siya sa loob habang dala-dala ang ipinamili niyang mga groceries. Plano niyang ipagluto ng agahan ang dalawa. She is going to tell them also about their plans for their own press conference. Naglakad si Katarina papunta ng kusina ngunit bigla siyang napahinto nang makita niya sina Daniel at Lucky na nakatulog sa may dining table… “They really look good together." ang lihim na naisip ni Katarina, at hindi na nito napigilan ang sarili na mapangiti. Dahan-dahan niyang inilapag ang kanyang mga pinamili at dahan-dahang nilapitan ang dalawa. Kinuha niya ang kanyang cellphone at palihim na kinunan ng picture ang dalawa. Pagkatapos noon a