Nagulat na lamang si Daniel nang biglang pumasok sa eksena sina Katarina at Bebang. May kasama din itong apat na bodyguards. “Mga kaibigan, bigyan po natin ng pribadong panahon ang dalawa upang i-celebrate ang kanilang engagement. We will have a press conference sa mga susunod na araw at imbitado kayong lahat doon…” ang pakiusap ni Katarina. Napatingin si Daniel kay Lucky habang nanlalaki ang mga mata niya. Matapos noon ay napatingin din siya sa kanyang pinsan na si Bebang. “Damn it, how can you do this to me?!” ang galit na naisip ni Daniel. Makalipas pa ang ilang sandali ay naglalakad na sila palabas ng jewelry shop na iyon. They were being guarded by these 4 bodyguards. Inalalayan sila ng mga ito na makapasok sa isang malaking van. Maitapos maisarado ng sasakyan ay