Makalipas ang ilang oras. Satisfied na hinimas ni Lucky ang kanyang tiyan habang nakangiti. Katatapos lang nila ni Daniel na kumain ng tanghalian. “Nagustuhan mo ba ang pagkain dito?” ang tanong sa kanya ni Daniel. “Ngayon lang ako nabusog ng ganito, Daniel. Teka, akala ko ba sa restaurant tayo kakain?” ang biglang naitanong ni Lucky habang inililibot niya ang kanyang tingin sa buong paligid.Nasa isang karinderya sila ngayon… Nakita niya na maraming mga kumakain na construction worker,mga nagtatrabaho sa pabrika,at iba pa… “Why,didn’t you like this place? But admit it,this is not a bad place,right?” ang sabi ni Daniel. “Are you kidding me? I love this place already! Ngayon lang ako nakakain ng masarap na bulalo. At ngayon lang ako nabusog ng ganito. I guess I ruined my diet…” Lucky