Chapter 17

451 Words
Ininilibot n'ya ang kaniyang paningin sa paligid at walang nagbago rito. Ito pa rin ang lugar na noon ay araw-araw at kada hapon nilang puntahan upang kumuha ng mga kahoy. "Sa unahan ay may marami ng mga bahay. Hindi katulad noong nag-aaral ka pa ng high school dito na walang kabahay-bahay sa parteng 'yan. At ang mga taong nakatira sa mga bahay na iyan ay matalik na kaibigan ng mga dating kalaban." Tiningnan ni Carson si Yel Yel na nagpipitas ng mga okra habang s'ya ay nasa bahagi ng mga siling haba. Mula sa pwesto nila ay kitang-kita n'ya ang mga bahay na tinutukoy nito. Kilalang-kilala n'ya ang isang bahay na iyan. Iyan ang bukod tanging bahay noon na nakatirik sa bandang iyan. Bahay iyan ng pinsan n'ya, anak ng tiyahin n'ya. Ngayon ay malinaw na sa kaniya kung bakit hindi nagawang ipagtanggol ng kaniyang mga kamag-anak ang kaniyang ama. Kasapi o kaibigan ito ng mga taong walang awang kumitil sa buhay ng kaniyang buong pamilya. Humigpit ang pagkakahawak ni Carson sa sili habang mabigat ang kaniyang paghinga. Napansin ni Yel Yel ang galit sa mukha ni Carson at nang sundan n'ya ang tiningnan nito ay nakita n'yang nakatingin ito sa bahay ng kaniyang pinsan. "Kapag sabado ay narito ako palagi sa taniman ni nanay upang kumuha ng mga bunga at sa hapon ay magbungkal ng lupa," sambit nito upang kuhanin ang atensyon ni Carson at hindi naman ito nagkamali. Huminga ng malalim si Carson at lumunok. Tiningnan n'ya si Yel Yel nang tumingkayad ito at inilapit sa kaniyang tainga ang bibig nito upang bumulong. "Yang kopra sa kabilang bakod, pag-aari iyan ng taong nagpapakain sa mga savior." Agad na lumipad ang kaniyang paningin sa mga nakabilad na niyog sa mga sako. Marami ito kaya panigurado na malaki ang kikitain ng kung sino ang mangyari ng bagay na iyan. Nagtatanong ang kaniyang mga mata na napatingin kay Yel Yel. Wala man s'yang kahit na tanong salitang inilabas sa kaniyang bibig ay mukhang alam na yata nito kung ano ang kaniyang tanong dahil agad itong tumango. "Mabuti at malakas naman ang kita ng inyong tindahan," sambit n'ya at nakita n'ya ang pagngisi ng kasama dahil sa sinabi n'ya. "Oo, kahit papaano ay hindi naman naputol ang pagtitinda namin kahit na ang dami nang kalaban. Halos magkakapitbahay na nga lang ang mga tindahan. Sadyang nasanay na lang ang mga tao kay nanay at nakakautang din kasi sila." Natatawang sagot nito. "Yel Yel, nagtitinda ka rin ng load, hindi ba? Magpapa-load ako sa 'yo mamaya," aniya. "Ay mabuti nabanggit mo. Ate Carson, may nakita nga pala kaming cellphone doon sa bag na iniwan mo noon. Itinabi iyon ni nanay, ibibigay ko sa iyo mamaya."'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD