Chapter 16

1051 Words
Habang hindi pa rin natatapos si Yel Yel sa pagkwento sa kaniya tungkol kay Manang Lita at habang naglalakad sila pauwi ay ramdam n'yang napatingin sa kaniya ang kasama nang makakasalubong nila si Janeth. "Parang pinag-uusapan lang natin ah.ang hirap naman nila pag-usapan bigla-biglang nagpapakita," bulong nito at hindi n'ya na lang pinansin lalo na nang mapansin n'yang nagmamadali si Janeth na makalapit sa kanila. "Carson, pwede ba tayong mag-usap?" Huminto si Carson sa paglalakad dahil alam n'yang hindi naman din s'ya titigilan ni Janeth. Huminga s'ya ng malalim bago lumingon upang harapin ang dating kaklase. "Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan, Janeth? May sagot ka na ba sa tanong ko sa 'yo noon?" diretsong sagot n'ya rito. "Carson, nasagot ko na ang tanong mo noong nagkausap tayo. Gusto lang kitang makausap dahil alam kong galit na galit ka sa akin. Carson, gusto ko lang sabihin sa iyo ng paulit-ulit na ako ang biktima." "Hindi mo kailangan ulit-ulitin sa pagsabi iyan sa mukha ko, Janeth. Dahil kung gaano mo karaming beses sabihin sa akin 'yan ay ganoon ko rin kadaming beses sabihin sa 'yo na hindi ako naniniwala. Kilala ko ang pamilya ko, maaaring wala ako ng siyam na taon pero kilala nito ang tatay ko." Inilagay n'ya ang kaniyang palad sa kaniyang dibdib. Hindi n'ya alam kung ano ang punto at kung para saan ang pakikipag-usap sa kaniya ni Janeth. Ayaw n'yang makipagsamapalan at sabunutan dito dahil alam n'yang hindi ikakatuwa ng kaniyang mga magulang ang bagay na iyon. Maaaring wala na sila dito sa mundong ibabaw pero hindi gagawin ni Carson ang kalimutan ang magandang asal na simula pagkabata ay itinanim sa kaniyang isipan. "Carson, alam mo ba kung gaano kasakit at kahirap sa akin na balikan ang yugtong iyon ng buhay ko na pinilit kong kalimutan sa loob ng limang taon?" Naikuyom ni Carson ang kaniyang kamao habang kinontrol ang sarili. Hindi n'ya inaalis ang kaniyang paningin sa mga mata ni Janeth. "Sa tingin mo kaya gaano kasakit para sa akin na nalaman kong wala na ang buong pamilya ko pagkatapos pa ng limang taon?" "Hindi ko ginusto ang nangyari, Carson. Hindi ko ginusto na umabot sa bagay na ganoon," saad pa nito. "Hustisya ang magsasabi ng katotohanan, Janeth. Malas lang ng pamilya ko dahil mahirap lang kami at wala kami ng kapangyarihan na mayroon kayo." "Patawarin mo 'ko na kinailangan pang umabot sa gano'n. Halos ikamatay ko ang ----" Itinaas n'ya ang kaniyang kamay upang patigilin ito sa pagsasalita at huminto naman ito. Nakita n'ya kung paano kumunot ang noo ng kaharap. "Hindi mo na kailangan ipaliwanag sa akin 'yan, Janeth," saad n'ya rito. "Sinabi mo na 'yan sa akin noong una tayong nagkausap hindi ba? Paninindigan mo ang pagkuha mo ng hustisya gaya ng sinabi mo kaya pinatay ninyo ang buong pamilya ko." "Kung ikaw ang nasa kalagayan ko noong panahon na iyon ay hihilingin mo rin na managot ang taong nagkasala sa 'yo, Carson." "Sigurado naman 'yon." Tumango s'ya bilang sang-ayon sa sinabi nito. "Kaya nga ngayon, ay ipinagdarasal ko na sana ay managot ang lahat nang taong nagkasala. Kasi uulitin ko sa 'yo 'to, Janeth. Kilala ng puso ko ang tatay ko at alam ko, alam ko na kahit anong mangyari ay hindi n'ya magagawa ang sinabi mo." "Ginamitan ninyo ng impluwensya ang pamilya ni Ate Carson at dahil mahina lang sila ay hindi nila naipagtanggol ang mga sarili nila." Napasulyap si Carson at maging si Janeth nang sumingit sa usapan si Yel Yel. Lumunok na lamang si Carson dahil ayaw n'ya nang umiyak sa harap ng kahit na sinong parte ng pamilya ng mga Lopez. Tinalo nila noon ang kaniyang pamilya kaya sa pagkakataon na 'to ay hindi n'ya ang mga ito bibigyan ng pagkakataon na isipin na hayaan na lang at ilibing na lang limot ang nangyari. Huhukayin n'ya ang hustisyang inilibing nila sa kasinungalingan. "Yel Yel, nandito ka noong nangyari ang bagay na 'yon sa akin kaya bakit mo sinasabi ang bagay na 'yan?" Naningkit ang walang emosyon na mga mata ni Carson nang mahimigan n'ya ang inis at galit sa tono ni Janeth no'ng sagutin nito si Yel Yel. "Walang nakakita sa nangyari sa 'yo! Bigla na lang isang araw sinabi ang nag-ingay ang pamilya mo na may nangyaring gano'n sa 'yo. Alam mo rin naman siguro hindi ba? Hindi ka naman bulag, hindi naman kayo bingi, marami ang mas naniniwalang inosente si Mang Fernan kaysa sa sinasabi ninyo. Nagkataon lang na maimpluwensya kayo at nasa inyo ang simpatya ng mga taga bundok." Matapang na sagot ni Yel Yel. Parang biglang nagdiwang ang kakarampot na parte ng dibdib ni Carson sa narinig. Ibig sabihin ay mas maraming naniwala sa kabutihan ng kaniyang ama kaysa sa naniwalang kaya n'yang gawin ang bagay na iyon. "Yel Yel, alam mo naman siguro na hindi magandang nagpapakalat tayo ng maling impormasyon, hindi ba?" matigas na sambit ni Janeth. "Ano pa ba ang gusto mong pag-usapan, Janeth?" "Gusto ko lang sanang ipakiusap sa 'yo na huwag nang balikan ang mga nangyari. Ayaw ko nang balikan ang dagok na iyon ng buhay ko, Carson. Naging maayos na ulit ang takbo ng buhay ko kahit papaano at gusto ko ng tahimik. Nagagalit na rin ang pamilya ko," saad nito sa mahinang boses. "Nagsisimula pa lang ako, Janeth. Ngayon ko pa lang maipagluluksa ang buong pamilya ko na limang taon na palang nawala. Parang hindi naman kayo makatarungan n'yan." Mga walang puso. "Ate Carson." Napatingin si Carson sa braso n'ya nang hawakan ito ni Yel Yel, "halika na, masisira na itong isda na binili natin at baka naghihintay na rin si nanay para makapag-almusal na tayo." Tiningnan n'ya si Janeth at sumalubong sa kaniyang paningin ang seryoso nitong mukha. Wala na s'yang sinabi pa na kahit na anong salita at tinalikuran ito. "Totoo ba ang sinabi mo kanina, Yel Yel?" "Ang alin doon, ate?" "Iyong sinabi mo na maraming naniwala na walang kasalanan si tatay?" "Opo. Mas marami ang naniwala pero dahil sa takot at baka madamay ay walang kumilos." Mapait itong ngumiti sa kaniya habang nagbubulongan lamang silang dalawa. "Mahirap at nakakatakot na banggain ang savior dahil hindi sila nangingiming kumitil ng buhay nang mga bumabangga sa kanilang batas. Si nanay nga lang ang naglakas loob talaga na humarap at maki-usap sa barangay, wala rin eh."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD