Chapter 1
"Carson!"
Napalingon sj Carson nang marinig ang kaniyang pangalan na tinawag ng isang pamilyar na boses. Malawak ang ngiti na sumisilay sa mga labi n'ya nang makita ang kaibigan n'yang si Julie tumatakbo papalapit sa kaniya. Kinakaway nito ang dalawang kamay na nakataas sa ere habang sumusuot sa dagat ng tao.
"Ouch!"
Napaatras s'ya nang tumalon at yumakap sa kaniya ang kaibigan. Natatawa s'ya at nahampas ang likod into dahil sa gulat. Napatingin naman sa kanilang dalawa ang ilan pa nilang mga kaibigan kaya sabay-sabay na lumapit ang mga ito sa kanila. Napahinga s'ya nang malalim nang humiwalay ang kaibigan sa kaniya at lumpapat na ang mga paa nito sa sahig.
"Hindi mo naman kailangan na tumakbo 'no," aniya dito nang sinabayan nang pag-ikot ng kaniyang mga mata.
"Masaya ako grabe!" Gigil na saad naman ng huli.
"So ready na tayong lahat?" sambit naman ng isang kaibigan na si Polly na kakalapit lang sa kanila kasama pa ang ilan nilang mga kaibigan.
"Ready na kami! Ikaw ba ate Carson? Sasama ka na ba sa amin this time? Graduate na tayo, we deserve to enjoy this success," sambit pa ng pinakabata nilang kaibigan na si Lea
Anim silang magkakaibigan pero magkaiba ang program nila. Ang dalawa sa kanila ay parehas habang ang apat ay magkaiba naman na. Minsan lang sila nagtatagpo simula nang magkahiwalay na sila pagkatapos nila ng first year college pero hindi iyon naging reason para hindi na sila magkita. Sa kanilang anim, siya ang pinakamatanda at s'ya rin ang pinakamatangkad kaya paborito ng mga ito na talonan s'ya ng yakap.
"Sasama ako," nakangiting sagot n'ya kaya napasigaw sa excitement at tuwa ang mga kaibigan.
"Yown!"
"Sa wakas!"
"Finally!"
"Pero hindi ako maglalasing ng husto ah, alam n'yo naman na bukas na ang uwi ko sa amin," nakangising sabi niya kaya kanya-kanya nang pagtulis sa mga nguso ang mga ito.
"Sure! Kami na ang bahala sa 'yo, ate Carson. Sa ngayon, tara na, nauna na sina mama na umuwi at alam naman nila na tayo ang magkakasama tonight! We are going to be rocking this night!" Sigaw ng isa pang kaibigan na si Sheina kaya sabay-sabay silang natawa.
"Hindi ka pa namin nakitang uminom, Carson. Ngayon malalaman natin kung kaya mo ba ang init ng alak kagaya ng kung paano mo kinaya ang isang linggo na walang tulog noong nag-thesis ka," natatawang sambit ni Julie.
"Kahit na matagal na akong hindi umiinom, hindi n'yo pa rin ako kakayanin," nakangising sambit n'ya sa mga ito kaya kaniya-kaniya ang mga ito sa pagkantyaw sa kaniya.
Marami pang mga studyante at magulang na narito sa coliseum kung saan ginanap ang kanilang graduationJulie la man ang kaniyang pamilya rito kagaya ng ilang mga graduates at ng kaniyang mga magulang, hindi iyon problema sa kaniya.
Naiintindihan n'ya ang pagkakataon, hindi s'ya malungkot at punong-puno ng saya ang kaniyang puso dahil alam n'ya na matutuwa ang kaniyang pamilya sa pag-uwi n'ya. Alam n'ya na magiging proud ang kaniyang mga magulang, maraming taon n'ya itong hinintay at ngayon ay nangyari na.
Natatawa silang pumasok sa restroom nitong coliseum at hindi na nag-abala pa na pumasok sa cubicle. Kaniya-kaniya na sila sa pagtanggal ng kani-kanilang mga suot na gown at toga kahit na may ibang mga kababaihan rin na pumapasok sa loob. Siniksik niya ang kaniyang gown at toga sa kaniyang dalang bag at ganoon din ang ginawa ng kaniyang mga kaibigan.
Nang matapos sila ay sabay-sabay din sila paglabas mula dito at dumiretso sa exit ng lugar at patalon-talon na tumakbo papunta sa kung saan ang waiting area ng mga sasakyan.
"Magkakasya tayo sa isang taxi," sambit ni Tanya na s'yang sinang-ayunan naman nilang lahat.
Pumara silang lahat kaya agad na may lumapit sa kanilang taxi, si Polly ang dumungaw sa bintana nito nang ibaba ng driver ang salamin. "Sa Honey Street kami, manong," sambit nito.
Nakita ni Carson ang pagsulyap ng driver sa kanilang lima na nakatayo lamang sa likuran ng kaibigan na si Polly.
"Kasya naman kaming lahat manong, maliliit lang naman kami," nakangiting pagsali naman ni Lea sa usapan.
"Sige na nga, pagkasyahin ninyong lima ang mga sarili ninyo sa likod," sagot naman ng driver kaya agad na kumilos ang kaniyang mga kaibigan at pumasok sa loob.
Kagaya ng palagi nilang ginagawa, siya ang uupo sa shotgun seat dahil ayon sa mga ito, siya ang pinakamatanda kaya dapat s'ya ang nasa unahan. Noon ay inaayawan niya iyon pero nakasanayan na rin n'ya. Sina Lea at Julie ay galing sa isang marangyang pamilya pero ipinagpasalamat n'ya at ng kanilang mga kaibigan na pare-parehong hindi matapobre ang pamilya ng dalawa.
Sa kanilang anim, s'ya ang nagmula sa pinakamahirap na pamilya. Wala s'yang cellphone dahil ang ibibili n'ya noon ay inipon n'ya na lang para sa kaniyang graduation. Pinapahiram s'ya ng kaniyang mga kaibigan pero tinanggihan n'ya dahil wala rin naman s'yang matatawagan dahil maging ang kaniyang pamilya ay wala rin naman ng bagay na iyon.
Minsan ay naaawa s'ya sa sarili dahil nakikita n'ya ang mga bata na nasa elementary na may mga hawak nang cellphone, samantalang s'ya ay hindi nagkaroon ng ganoon buong buhay n'ya. Napag-iwanan na s'ya, pero tinanggal n'ya sa isipan ang bagay na iyon dahil mas makakabili s'ya ng maraming ganoon kapag nakapagtapos s'ya at nagkaroon ng mas magandang trabaho.
Wala s'yang pagkakataon na mabigyan ng kahit isang kusing ang kaniyang pamilya kahit na sa mahabang panahon na narito s'ya sa siyudad dahil ang kaniyang pera ay kung hindi sapat, kulang pa sa kaniya. Masakit iyon para sa kaniya, araw-araw ay ang tingin n'ya sa sarili walang kwenta kahit na kinakayod n'ya naman ng husto ang pinambabayad n'ya sa kaniyang pag-aaral.
Pinanghahawakan n'ya na lamang ang sinabi ng kaniyang mga magulang na magiging maayos lang naman sila at hindi n'ya sila kailangang isipin. Ang tugon ng mga ito sa kaniya ay magtapos s'ya at umuwi s'ya kapag natupad n'ya na ang kaniyang mga pangarap.
"Ano ang iniisip mo, ate Carson?"
Napakurap s'ya nang kalabitin s'ya ng kung sino sa mga kaibigan n'yang nasa likuran. Nilingon n'ya ang kaniyang mga kaibigan at parehas ang mga itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay ng mga ito na sumagot s'ya.
"Bakit kayo ganiyan makatingin sa akin?" natatawa n'yang saad sa mga ito.
"Ang ingay namin tapos ikaw sobrang tahimik mo. Bukas mo na isipin ang mga iyan Carson, sumali ka muna sa gulo namin ngayon," sambit naman ni Polly kaya napangiti at tumango s'ya.
"Pasensya ka na maingay kami dito sa likod manong, nagsi-celebrate kasi kami dahil naka-graduate na kami," taas noo namang sambit ni Tanya.
Napalingon si Carson sa driver at narinig n'ya ang pagtawa nito. "Ayos lang iyon, walang problema mga hija. Proud ako sa mga kagaya ninyong nakapagtapos, alam ko kung paano ninyo pinaghirapan makamit lang ang diploma," nakangiting sagot naman ng driver.
"Ay manong baka lumagpas tayo, sa bandang iyan, d'yan lang kami." Agaw naman ni Julie habang tinuturo ang may kamahalang lugar.
"After 6 months, makakapasok na ulit ako ng bar. My God! Sobrang na-miss ko iyan!" may pangigigil na sambit nj Sheina kaya natatawa silang lumabas ng taxi.
"Handa ka na?" nakangising tanong naman ni Lea at humarap pa talaga ito sa kaniya.
"Matagal na."