Chapter 5

1129 Words
"Nay, bakit po hindi pa rin nagigising si Ate Carson? Baka po may masama ng nangyari sa kaniya." Bakas sa mukha at sa boses ni Yel Yel ang pag-aalala sa wala pa ring Malay na si Carson habang punong-puno naman ng sakit ang mga mata ng mga nakakatanda habang nakatingin sa magandang dalaga. "Magigising din s'ya mamaya. Ngayon ay hindi pwedeng mawala s'ya sa paningin natin dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayari at possible n'yang gawin pagkatapos n'yang malaman ang nangyari sa kaniyang buong pamilya," mahabang; litanya ni Aling Mierna, ang ina ni Yel Yel. "Nakaka-awa naman si Carson. Wala s'yang kaalam alam na matagal nang wala ang kaniyang buong pamilya. Mukhang sabik na sabik pa naman sana s'yang makita ang mga ito," saad naman ni T'ya Maria habang malungkot na nakatingin kay Carson. "Sana ay makayanan n'yang maghilom sa kabila ng dagok na kaniyang kahaharapin ngayon na malalaman n'yang wala na s'yang pamilyang mauuwian," dagdag pa ni Aling Judy. "Sana ay huwag s'yang panghinaan ng loob at makayanan n'yang simulan ang panibagong yugto ng kaniyang buhay. Hindi rin naman natin s'ya masisisi kung kakainin s'ya ng sakit at galit," malungkot na saad ni Aling Mierna. "Nay, baka po gutom na si ate Carson pagising n'ya, ano po ang ipapakain natin sa kaniya?" Tanong ni Yel Yel sa kaniyang ina. "Naku, wala tayong ulam," nag-aalalang sagot ni Aling Mierna sa tanong ng anak. "Hindi rin natin alam kung ano ba ang gusto n'yang kainin." "Yel Yel, pumunta ka sa bahay ko at humingi ka ng ulam. Sabihin mo utos ko, may sinabawam kaming isda roon dahil nakakuha ang mga anak ko ng sapat lang para may ihahain sa mesa kanina noong pumalaot sila," mahabang sagot naman ni Aling Judy. "Sige po." Agad na dumiretso si Yel Yel sa kaniyang kusina at kumuha ng mapaglalagyan ng pagkain. Sinulyapan n'ya ang magandang si Carson na hanggang ngayon ay wala ring malay at agad bumalot sa kaniya ang lungkot. Hindi n'ya lubos maisip na possibleng mangyari na maiiwan ka ng lahat nang mahal mo sa buhay nang mag-isa at nang hindi mo nalalaman. Hindi n'ya lubos maisip na totoong nangyayari ang ganyang bagay sa totoong buhay dahil buong akala n'ya ay sa pekilula lamang mapapanood ang mga ganyan. "Nakakadurog ng puso isipin bilang isang ina na maiiwan mo sa ganitong sitwasyon at kalagayan nag anak nang hindi man lang nakaka-usap," malungkot na sambit ni T'yang Maria. "Dito na lang muna si Carson sa bahay habang narito s'ya sa Domago. Kailangan n'ya ng matutuluyan ngayon," saad ni Aling Mierna. Tumango naman ang dalawa pang may edad na babae. "Oo, kasi hindi naman s'ya pupwede sa bahay ko dahil mga anak ko pa lang ay hindi na magkasya roon," sagot ni Aling Judy. "Wala na rin akong mapapahigaan sa kaniya sa bahay ko. At isa pa, kayong dalawa lang naman ni Yel Yel ang narito. Maraming salamat sa pagtulong sa kaniya," ani T'yang Maria habang nakatingin kay Aling Mierna. "Mabuting bata si Carson noong narito pa s'ya, at mabuti rin ang kaniyang pamilya. Nakakalungkot ang kanilang sinapit at ganito na rin ang kahaharapin ng bata," malungkot na saad ni Aling Mierna. "Mahirap malamang kay Carson na tanggapin lamang ito ng pikit mata," sabat naman ni Aling Judy. "Hmmm." Sabay na napatayo mula sa pagkaka-upo ang tatlong may edad na babae nang marinig nila ang pag-ungol ni Carson. Dahan-dahan na bumukas ang mga mata nito at wala pa mang kahit na anong salita ang lumabas sa bibig nito ay agad nang nag-unahan sa paglandas ang kaniyang mga luha, Inabot ni aling Mierna ang kaniyang kamay at saka pinisil ito. "Anak, gusto ko pa sanang itanong kung kamusta ang pakiramdam mo pero alam ko naman na hindi ito mabuti. Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain muna?" Napatingin si Carson sa tatlong babaeng nasa harapan n'ya. Isa-isa n'ya silang tiningnan habang walang humpay sa paglandas ang kaniyang mga luha. Hindi n'ya na sinagot ang sinabi ni Aling Mierna at bumangon na lang. Hindi n'ya alam kung kaninong bahay ang kinaroroonan n'ya ngayon. Umupo s'ya ng maayos habang nakatingin sa tatlo at hinahanda ang sarili sa pagbitiw sa mga katanungan na mayroon ang kaniyang isipan. "Ano po ang na-nangyari sa pamilya ko?" Nahihirapan man ay sinikap n'yang huwag s'yang mautal dahil gusto n'yang malinawan kung ano nga ba ang dahilan ng pagkawalan ng kaniyang buong mag-anak. Malungkot na ngumiti sa kaniya si Tiya Maria at ito naman ay humawak sa kabilang kamay n'ya. "Alam namin na hindi madaling tanggapin ang nangyari sa iyong pamilya ngunit kailangan mong tatagan ang iyong loob at damdamin, Carson, hija." "Maging kami man dito ay ikinagulat namin ang buong nangyari. Hindi namin inasahan ang lahat at nagulat na lang kami nang malaman namin ang mga nangyari. Alam namin kung gaano kabuti ang pamilya mo, Carson. Kaibigan namin ang iyong mga magulang at kahit na kapos sa buhay ay hindi sila kailanman naging mandaraya dahil alam nilang ikaw ang swerte nila." Mahabang litanya naman ni Aling Judy. "Pero bakit po wala na sila? Bakit po hindi ko narinig sa balita ang nangyari sa kanila? Ano po ang nangyari sa kanila? Paano po sila nawala? Bakit po sila nawala? Nasaan ang pamilya ko?" Sunod-sunod na tanong n'ya habang tuloy-tuloy din sa paglandas ang malalaking butil ng kaniyang luha. Masikip ang kaniyang dibdib dahil sa sakit. Ang kaniyang kasiyahan sa mahabang oras at panahon na inilaan n'ya para sa araw na makikita n'ya na ang kaniyang buong pamilya ay napalitan ng libong sakit. "Ate Carson, kumain ka po muna. Pagkatapos po ninyong kumain ay ako po ang magsasabi sa inyo nang lahat, pero kailangan pong magkalaman ng t'yan ninyo." Biglang singit ni Yel Yel kaya napatingin s'ya rito. "Hindi ako nagugutom, Yel. Ang kailangan ko ngayon ay masagot ang lahat ng katanungan ko. Sabihin na po ninyo sa akin kung paano at bakit nawala ang buong pamilya ko. Sino ang may gawa noon sa kanila? bakit silang lahat? Ano ang kasalanan ng pamilya ko?" Nakita n'ya kung paano tingnan ng mga matatanda si Yel Yel na para bang sinasabi ng mga ito na ito na lang ang magsasabi sa kaniya kaya napatingin din s'ya rito. "Yel, nakikiusap ako sa 'yo. Sabihin mo sa akin ang lahat nang naangyari sa pamilya ko." Umiiyak na sabi n'ya. Hindi na alam ni Carson kung ano ba ang dapat n'yang gawin at maramdaman. Bukod sa sakit ay parang gusto n'yang sisihin ang sarili na nagawa n'yang magtiis nang hindi tinatanong kung ano ang kalagayan ng pamilya n'ya. Alam n'yang sinabi iyon ng kaniyang tatay na huwag s'yang magatnong kung kamusta na sila at gawin lamang ang lahat upang maging matagumpay. Pero bakit naman ganito ang kailangan n'yang madatnan dito? "Pinatay po ang buong pamilya ninyo, Ate Carson."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD