Natawa ng mahina si Carson dahil na narinig na sinabi ng matandang si T'ya Maria.
"Ano po?" Natatawang sabi n'ya. "Naku, Tiya, bakit naman po mawawala rito ang mga magulang at mga kapatid ko e wala naman na po silang ibang pupuntahan. Isa pa po, alam naman po ng nanay at tatay ko na uuwi ako rito sa Domago isang araw," dagdag n'ya.
Ngunit habang nagsasalita ay kitang-kita n'ya kung paano sumilay sa mukha ng Tiya Maria ang lungkot at pag-aalala a mukha nito at hindi n'ya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng reaction na iyon.
"Ilang taon ka na ngang wala rito?"
Mas lalo lang nagtaka si Craso dahil sa naging tanong pa ng matanda. Hindi n'ya rin maipaliwanag ang kaba sa dibdib n'ya na bigla na lamang nabuhay. Nakita n'ya rin ang kanilang mga kapitbahay na nagtatakang nakatingin sa kanila.
May mga nakita rin s'ya na mga dalaga at binata na nakatingin sa kaniya pero ang mga iyon ay hindi na pamilyar sa kaniya ang mga mukha. Marahil ay ang mga ito ay ang mga batang naglalaro pa lamang noong paglisan n'ya rito.
"Siyam na taon po akong wala rito, T'yang Maria. Bakit ho, ano po ba ang nangyayari? Bakit po parang hindi po kayo makapaniwala na bumalik ako?"
Nagtataka na s'ya dahil sa klase ng tingin ng knailang mga kapitbahay. May kalayuan pa ng kaunti mula rito ang bahay ila at pakiramdam n'ya ay sasabog na ang kaniyang dibdib sa kaba.
"Hindi ka ba kahit kailan nagkaroon ng social media account? Hija, lahat ng kabataan ay maroon na n'yan ngayon." Sambit ni T'yang Maria.
"Tiya, samahan na lang po natin si ate Carson, huwag na po ninyong guluhin ang kaniyang isip."
Napatingin si Carson sa isang dalaga na pamilyar sa kaniya ang mukha pero hindi n'ya maalala kung sino. May katangkaran din ang isang ito pero hindi kasing tangkad n'ya.
Nginitan n'ya ang babae. "Pamilyar sa akin ang mukha mo," saad n'ya rito. Ngumiti naman ang babae at doon n'ya na lang napagtanto kung sino iyo. "Yel Yel, ikaw ba iyan?"
"Ako nga po, ate Carson," nakangiting saad ng nito. Isa ito sa mga kalaro ng mga nakababata n'yang kapatid noong mga bata pa lamang ang mga ito. Hindi n'ya alam kung ilang taon na nga ba si Yel Yel pero sa tingin n'ya ay siguro nasa 17 hanggang 19 ito.
"Yel Yel, pwede mo bang ipaliwanag sa akin ang kung ano ang ibig sabihin ni T'yang Maria?" Tanong n'ya rito.
Kumunto naman ang kaniyang noo nang biglang ngumiti ng pino at malungkot si Yel Yel. Mas lalo lang tuloy s'yang kinabahan.
"Samahan ko na lang po kayo ate Carson."
Tumango na lamang s'ya lalo na nang hawakan nito ang isang bag n'ya. Napatingin s'ya sa kaniyang mga kapitbahay na nakatingin sa kanila dahil hindi n'ya talaga maipaliwanag kung naong klaseng tingin ang ibinibigay ng mga ito sa kaniya. Alam n'yang may ibig sabihin ang mga tingin na iyon, hindi n'ya lang alam kung ano.
Magkasabay silang dalawa ni Yel Yel na naglalakad at alam n'yang nakasunod sa kanila ang ilang mga kapitbahay.
"Yel Yel may nangyari ba?" Hindi n'ya napigilang itanong sa kasama.
"Ate Carson, maraming beses ka naming hinanap sa social media pero wala kaming nakita na pangalan mo. Wala rin pong nakakaalam kung saan ka namin pwedeng tawagan. Bakit po ang tagal ninyong bumalik?"
Napatanga s'ya sa naging tanong ng kasama n'ya at alam n'yang narinig iyon ng nga nakasunod sa kanila.
"Sana ay tatagan mo ang loob mo, Carson."
Napalingon s'ya nang marinig ang mga salitang iyon mula sa likuran n'ya. Nakita n'ya ang may edad na babae na dati ay madalas kusap ng kaniyang ina. Kilala naman n'ya ang mga matatanda rito sa lugar nila. Huminto s'ya sa paglalakad at saka humarap dito.
"Tiya Jocelyn, kanina pa po ako kinakabahan at pakiramdam ko ay natatakot akong makita ang mga magulang ko. Bakit po parang sinasabi ninyo na may hindi magandang nangyari sa pamilya ko?" Diretsong tanong n'ya rito.
"Mabuting kaibigan ko ang nanay mo, Carson. Lahat kami rito ay alam namin na mabuting tao ang mga magulang mo," sagot nito na mas lalo lang nagpagulo sa isip ni Carson.
Lumingon s'yang muli kaya Yel Yel at nagsimula nang humakbang para tumungo sa bahay nila. Malapit nalang sila at habang humahakbang ay dinig na dinig n'ya ang kalabog sa kaniyang dibidb. Nilalamon s'ya ng kaba at takot sa hindi n'ya maipaliwanag na dahilan at wala ni isa sa kaniyang mga kasama ngayon ay gustong magsabi at magpaliwanang ng kanilang mga sinasabi.
"Huwag na kayong sumama, hayaan na lang ninyo si Yel Yel na samahan si Carson papasok sa kanila." Dinig n'yang sambit Tiya Jocelyn pero hindi n'ya na ito nilingon pa.
Nang makaliko silang dalawa ni Yel Yel ay nanigas s'ya nang makita ang bahay nila. Nanlaki ang kaniyang mga mata na napatingin kay Yel Yel. Totoo nga? Totoo nga bang wala na rito ang kaiayang pamilya? Saan n'ya hahanapin ang mga ito?
"A-ano ang na-nangyari? Yel, na-saan ang mga tao rito? Nasaan ang nanay at tatay ko? Ang mga kapatid ko? Nasaan sila? Alam ba ninyo? May nakakaalam ba sa inyo kung saan ko sila makikita? Bakit ganito kasira na ang bahay namin? Mukhang matagal nang walang nakatira rito eh." Dire-diretsong saad n'ya habang nag-unahan sa pagtulo at paglandas ang kaniyang mga luha.
"Ate Carson, matagal na po kasing wala rito sila Mang Fernan at Aling Judy...."
"Oo nga, kaya ko tinatanong kung nasaan and ang nanay at tatay ko? Ang mga kapatid ko? May alam ba kayo kung nasaan sila? Utang na loob, Yel Yel sabihin mo sa akin kung nasaan ang pamilya ko." Umiiyak na saad n'ya.
Siyam na taon ang tiniis n'ya at hinintay n'ya para lang makabalik dito sa kaniyang pamikya nang taas noo at upang maipaglaki s'ya ng kaniyang mga magulang. Nagsikap at nagbanat s'ya ng buto sa Mosalla.
Tiniis n'ya ang sakit an hindi ang mga ito makita at makausap pero ganito ang madadatnan n'ya? Magsasalita pa sana s'ya ulit nang magsalita si Yel Yel at nang marinig n'ya ang sinabi nito ay parang bigla nalaamng s'yang nanigas kasabay nang paguho ng mundo n'ya.
"Ate Carson, wala na po sila. Patay na po silang lahat."