Habang nakikinig sa kwento ni Yel Yel, mahigpit na nakakapit si Carson sa unan na hawak n'ya. Kinakain ng galit at puot ang kaniyang buong pagkatao pagkatapos n'yang marinig ang totoong nangyari sa kaniyang buong pamilya.
Wala pa ring humpay at tigil ang kaniyang mga luha sa pag-uunahan sa paglabas mula sa kaniyang mga mata. Naninikip sa sakit at galit ang kaniyang dibdib.
"Hindi namin alam kung ano talaga ang puno't dulo ng lahat at kung bakit bigla na lang nilang sinabi na si Mang Fernan ang gumawa ng ----"
"Hindi magagawa ni tatay iyon!" Hindi napigilan ni Carson ang pagtaas ng kaniyang boses at ang pagsingit habang nagsasalita si Yel Yel. Kagaya n'ya ay hindi na rin napigilan ng kausap ang umiyak habang nagku-kwento sa kaniya. "Hindi magagawa ng tatay ko and kahayupan na sinasabi mo, Yel."
Tumatango ang kausap n'ya at mapait na ngumiti. Inabot nito ang kaniyang kamay at saka pinisil nang bahagya.
"Naniwala kami ate, Carson. Naniwala kami na walang kasalanan si Mang Fernan pero huli na dahil naabutan na lang namin ang walang buhay mong mga kapatid at si Mang Fernan. Sinubukan lumaban ni Aling Judy, inagaw n'ya ang baril ng isa sa mga naroon kaya walang-awa s'yang binaril sa ulo."
Galit na galit si Carson habang sinusubukan na laruin sa kaniyang isip ang nangyari sa kaniyang pamilya. Kung paano sila walang awang pinatay ng mga taong walang mga kaluluwa.
"Bakit si tatay? Bakit si nanay? Bakit ang mga kapatid ko? Kahit na matagal akong nalayo sa kanila, alam ko na hindi iyon magagawa ng tatay ko! Ano ba! Bakit ang tatay ko?!"
Humahagulhol sa pag-iyak si Carson habang pilit nilalaro sa isip n'ya kung paano walang awa na pinagpapaslang ang kaniyang buong pamilya. Nasayang ang mahabang panahon na pagtitiis n'ya at ng kaniyang pamilya upang makamit ang pangarap nilang lahat.
Nagsikap s'ya upang maiahon sa putek ang kaniyang buong pamilya at mabigyan ng pahinga ang kaniyang mga magulang na walang ibang ginawa kung hindi ang itaguyod at buhayin silang magkakapatid. Ngayon para saan pa ang pagsusumikpa n'ya kung wala na ang mga taong dahilan nang kaniyang pagtitiis.
"Alam kong masakit sa iyo ang nangyari sa pamilya mo, ate Carson, pero alam ko rin na hindi ikakatuwa nila Mang Fernan at Aling Judy kung masisira ang buhay mo,'' saad ni Yel Yel kaya napatingin si Carson dito.
"Pinagbintangan nila ang tatay ko sa kasalanan na alam kong kahit anong manyari at kahit kailan ay hindi n'ya magagawa. Inagaw nila ang pagkakataon na makita ko ang pamilya ko. Ninakaw nila ang pagkakataon na makita ako ng mga magulang ko na nagtagumpay." Matigas na saad n'ya dahil sa mga oras na ito ay kinakain na s'ya ng galit.
"May awa ang Diyos, ate Carson. Balang araw ay pagbabayaran din ng mga taong nagkasala ang kasalanan na ginawa nila. Inosente ang mga taong nagbayad ng kasalanan nila at hindi lang isang buhay ay kinuha nila."
Madiin at mahigpit na nakahawak si Carson sa unan habang pilit na pinipigilan ang paglabas ng kaniyang luha na hanggang ngayon ay hindi nagpapa-awat.
"Mahirap lang ang pamilya ko kaya ganoon na lang nila pinagbintangan ng kasalanan ng iba. Mahina at walang laban ang tatay ko kaya alam nila na walang lakas ang tatay ko upang ipagtanggol ang kaniyang sarili."
*"Patawarin po ninyo ako, Tay. Patawarin po ninyo ako na matagal akong umuwi at hindi na tayo nagkita. Sana hindi na lang ako umlais, sana hindi ko na lang pinilit ang buhay sa Mosalla. Sana narito ako sa tabi ninyo ni nanay at ng mga kapatod ko para naipagtanggol ko kayo. Sana buhay pa kayo hanggang ngayon. Patawarin ninyo ako, nay. Habang buhay kong pagsisisihan at sisisihin ang sarili ko sa pagiging makasarili ko."*
"Hindi alam ng mga taga rito kung ano nga bang talaga ang totoong nangyari pero naniniwala kaming lahat na hindi iyon magagawa ni Mang Fernan, ate Carson. Alam namin na hinding-hindi iyon makakayang gawin ng inyong tatay." Umiiyak na sambit ni Yel Yel kaya mas lalo lang bumigat ang nararamdaman ni Carson dahilan upang mas mag-unahan ang kaniyang mga luha sa paglandas.
"Nasaan ang kaniyang mga bangkay, Yel Yel? Kailangan kong malaman kung nasaan ang pamilya ko. Kailangan kong malaman kung saan ko sila dadalawin," saad n'ya.
Ngunit naningkit ang kaniyang mga mata at kumunot ang kaniyang noo nang makita n'ya kung paano sumilay sa mukha at mga mata nito ang lungkot at sakit nang itanong n'ya ang bagay na iyon.
"A-ate Ca-Carson." Nauutal ito kaya mas lalo lang naningkit ang kaniyang mga mata.
"Yel Yel? Bakit ganyan ang reaksyon mo? Nasaan ang libing ng pamilya ko? Saan sila inilagaya? Saan ko sila mapupuntahan? Saan ko sila madadalaw?"
"ate Carson, hi-hindi po kasi inilibing ang pamilya ninyo," nakayuko si Yel Yel nang sabihin nito iyon na nagpalaki sa kaniyang mga mata at nagpa-awang sa kaniyang bibig sa gulat at kaba.
"A-ano ang sinabi mo, Yel Yel?" Pagtatanong n'ya sa mas malianw nitong sinasabi. "Paki-ulit nga ng sinabi mo, Yel."
Ramdam na ramdam ni Carson ang panginginig ng kaniyang kalamnan at katawan. Ang kaniyang puso ay pakiramdam n'ya luluwa na sa kaniyang dibdib sa lakas ng kaniyang kaba at bakit hindi parin nauubos ang kaniyang luha sa kabila nang napakardami na n'yang iniyak at iniiyak.
"Pina-cremate ng barangay ang katawan ng iyong pamilya, ate Carson dahil iyon daw ang utos ng munisipyo at dahil wala naman silang kamag-anak. At dahil nga sa rason at dahillan kung bakit humantong ang iyong pamilya sa kalagayan na iyon ay walang naglakas loob na kumuha ng kanilang mga katawan....."
Habang nagsasalita si Yel Yel ay pakiramdam ni Carson ay sasabofg na s'ya sa galit. Nakikini s'ya sa sinasabi at kinu-kwento ni Yel Yel pero hindi n'ya alam kung naintindihan n'ya ba ang lahat ng iyon. Ang alam n'ya lang ay hindi iyon maganda ta kahit anong mangyari ay hindi n'ya matatanggap ang nangyari na iyon sa kaniyang pamilya.
"Ang kanilang abo ay ipinatpon lang sa dagat, ate Carson. Gustuhin man sana ni Nanay na kuhanin ang kanilang mga katawan at bigyan ng maayos na libing ay hindi s'ya pinayagn na galawin ang katawan ng iyong mga magulang at mga kapatid."