Chapter 13

1056 Words
"Gising ka na pala," agad na sabi ni Sheina nang makita s'ya nitong lumabas ng kwarto at lumapit sa kanilang mga nanood ng palabas sa TV. "Matagal ba akong nakatulog?" Tanong ni Carson dahil pakiramdam n'ya ay biglang bumigat ang ulo n'ya na para bang nabigla. Hindi n'ya nga matandaan kung kailan ang huling tulog n'ya na umabot ng tatlong oras. "Yes. You've been sleeping for like 13 hours. Gigisingin ka na sana namin para makakain kaso parang pagod na pagod na at mukhang ang lalim ng tulog mo. May ulam pa, nagluto kami ng bago akasi iyong niluto namin kagabi, naubos eh," mahabang sagot sa kaniya ni Polly. "Kumain na ba kayo?" Tiningnan n'ya isa-isa ang lima n'yang mga kaibigan at pare-pareho itong ngumiti sa kaniya at nagsitanguan. Tumalikod s'ya at tumungo sa kusina ng kanilang apartment at saka kumuha ng pagkain para sa kaniyang sarili. Huminga ng malalim si Carson at saka nagbuntong-hininga. Mabilis n'yang tinuyo gamit ang likod ng kaniyang kamay ang luhang nagbabadyang mahulog mula sa kaniyang mga mata. Hindi n'ya pwedeng umiyak, hindi sa lugar kung saan makikita s'ya ng kaniyang mga kaibigan. Habang kumakain, habang ngumunguya ay halos hindi n'ya malunok-lunok ang pagkain na nasa kaniyang bibig kaya umiinom s'ya ng tubig maitulak lang ito sa loob. Noong nasa barko ay kinaya n'yang kumain habang inaaliw ang mga mata sa malalim na dagat pero ngayon ay parang naging malinaw na naman ang lahat sa kaniyang pandinig at isipan. Pakiramdam ni Carson ay tubig lang ang laman ng kaniyang t'yan dahil hanggang sa matapos s'yang kumain ay iniinuman n'ya iyon ng tubig. "Are you done?" Tumango s'ya nang tanungin s'ya ng kaibigan n'yang si Julie. "Bakit hindi ka tumawag sa amin noong nakarating ka sa probinsya ninyo?" Tanong pa ulit nito kaya naningkit ang kaniyang mga matang napatingin dito. "Wala akong cellphone, Julie," sambit n'ya habang walang kahit anong emosyon sa kaniyang mukha at mga mata. Nakita n'ya kung paano gumuhit ang pagtataka sa mukha ng kaniyang kaibigan. Kumunot ang noo nito at nakatingin ito sa kaniya na para bang inuusisa s'ya kung maayos lang ba s'ya. Hindi n'ya magawang tingnan ito ng diretso sa mga mata dahil alam n'yang sa lima n'yang mga kaibigan ay ito ang mabilis makabasa ng kaniyang nararamdaman. "May nangyari bang hindi maganda, Carson?" Seryoso ang boses nito at hindi mahina, kaya alam n'yang narinig ng iba pa nilang mga kaibigan ang tanong nito. Napalunok si Carson dahil ang kabilang isip n'ya ay gustong sabihin ang nararamdaman n'ya pero ang kalahati ng isip n'ya ay hindi pa kaya. "May binigay kaming cellphone sa 'yo, hindi ba? Iyong regalo namin sa 'yo." Napa-awang ang kaniyang bibig na napatingin kay Tanya nang magsalita ito at naningkit ang kaniyang mga mata. Doon n'ya pa lang naalala na may inabot nga pala na cellphone ang mga ito noong araw na umalis s'ya. Hindi n'ya na iyon naalala. Sa dami nang nangyari ay hindi na iyon pumasok sa kaniyang isip. Napayuko na lamang si Carson nang hindi na nga n'ya napigilan ang paglandas ng kaniyang luha mula sa kaniyang mga mata. "Oh my God, ate Carson." "Carson, hey!" "Doon tayo sa couch. Carson, what is going on? May nangyari bang masama sa iyon? Bakit ka umiyak?" Sunod-sunod ang mga tanong ng kaniyang mga kaibigan at dinig na dinig n'ya kung gaano nag-aalala ang mga boses ng mga ito. Hindi n'ya alam kung sino ang nakahawak sa kaniyang magkabilaang balikat habang isinasabay s'ya nito sa paglalakad hanggang sa makaupo sila sa sofa. "Carson, Carson what happened? Ano ang nangyari sa iyo?" Seryosong tanong ni Polly kaya napatingin s'ya rito. Hindi pa man bumubuka ang kaniyang bibig ay para nang sinasaksak sa sakit ang kaniyang dibdib habang binubuhay sa kaniyang isip ang dahilan kung bakit s'ya agad na bumalik ng Mosalla. "Carson, pwede mong sabihin sa amin nang dahan-dahan," mahinang saad ni Sheina at saka inabot nito ang kamay ni Carson. Tiningnan n'ya isa-isa ang mga kaibigan at nakita n'ya kung gaano ang mga ito naghihintay sa kaniyang sagot. Napalunok si Carson dahil sa hindi tumitigil na kaniyang luha at dahil hindi n'ya alam kung paano sisimulan ang kwentong iyon. Pero kung hindi naman n'ya sasabihin ay alam naman n'yang mag-aalala lang lalo ang mga ito sa kaniya dahil alam nila na may dinadala s'yang problema. Kilala n'ya ang mga ito at kilala n'ya rin ang lima. "Carson?" Diretso n'yang tiningnan ni Julie sa mga mata. Kitang-kita n'ya kung paano ito tumingin sa kaniya na punong-puno ng awa ang mga mata. Masakit sa kaniya kapag kinakaawaan s'ya pero sa kalagayan n'ya ngayon, alam n'yang nakakaawa naman talaga s'ya. "W-wala a-akong na-nadatnan." Nauutal na sambit n'ya dahil sa kaniyang paghikbi. "What? What do you mean?" "Carson, ano ang ibig mong sabihin? Wala na roon ang pamilya mo? Nasaan na sila?" "Nandito na rin ba sila sa Mosalla? Lumipat na sila?" Mas lalong lumakas ang kaniyang pag-iyak habang pinakikinggan ang mga sagot na tanong ng kaniyang mga kaibigan. Tumingin s'ya sa mga ito habang patuloy sa pagtulo ang kaniyang luha. "Sana nga lumipat na lang sila. Sa-sana nga narito lang sila, kaso hindi, kaso wala." "Ate Carson, hindi ka namin maintindihan," pagsabat ni Lea kaya napatingin s'ya rito. "Wala na sila. I-ini-wan na nila a-ako," aniya sa gitna ng kaniyang paghagulhol. "Iniwan na nila ako, mag-isa na lang ako. Wala na akong pamilya. Iniwan na nila ako, kinuha na sila sa akin." Napasinghap ang kaniyang mga kaibigan nang maintindihan at mapagtanto kung ano ang kaniyang ibig sabihin. Nagkatinginan ang mga ito at sabay na napatingin sa kaniya. Hindi makapaniwala ang mga itong napatakip ng kanilang mga kamay sa kanilang bibig. Si Lea ay agad na niyakap si Carson habang hindi nito napigilan ang pag-iyak at hinaplos ang likuran ng dalaga. Nakiyakap na rin ang iba pa nilang mga kaibigan na parehong hindi rin napigilan ang kani-kanilang mga luha. "Oh my God, Carson. I am sorry to hear that." Naiiyak na saad ni Tanya. "Your siblings, are they.... " Hindi man nabanggit ni Sheina ang tamang salita na dapat ay kasunod ng tanong nito ay tumango si Carson dahil alam n'ya kung ano ang tanong ng kaibigan. "Lahat sila, lahat sila wala na. Lahat sila iniwan ako, lahat sila hindi ko na nakita. Lahat sila, hindi ko na nayakap. Lahat sila hindi na nakitang nakaraos ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD