Chapter 14

1458 Words
"Limang taon na silang wala." Mas lalong nagulat at napasinghap ang kaniyang mga kaibigan nang sabihin n'ya kung gaano na katagal wala ang kaniyang pamilya. "Holy mother.... " "Jesus Christ." "Oh God." "Oh crap." "What the..." Kaniya-kaniya ang naging reaksyon ng bawat isa. Habang sinusubukan ni Carson na kontrolin ang kaniyang sarili ay nararamdaman n'ya naman kung paano mas naninikip ang kaniyang dibdib sa sakit at kirot. "5 years?" Hindi makapaniwalang sambit ni Julie. "Sirang bahay na lang namin ang nadatnan ko. Wala nang kahit na anong laman at gamit. Malinis na. Wala nang bakas ng pamilya ko. Pinulbos nila ang pamilya ko." Humihikbing saad n'ya. Ang kaniyang mga kaibigan habang nakikinig sa kaniya ay hindi alam kung ano ang gagawin dahil sa gulat. "Ate Carson, what happened? Why?" Tanong ni Lea na nagpaangat ng kaniyang ulo at tingnan ang kaibigan. Mapait na nginitian ni Carson ang pinakabatang kaibigan habang hindi pa rin maawat ang kaniyang mga luha. Tahimik ang mga ito na para bang hinihintay ang kaniyang pagkwento. Binubuhay n'ya sa kaniyang isipan ang lahat nang nalaman n'ya mula kay Yel Yel at dahan-dahan na ibinuka ang kaniyang bibig upang simulan nang magsabi sa mga ito ng kaniyang storya. At habang nakikinig ay hindi makapaniwalang napatitig na lamang sa kaniya ang mga kaibigan na hindi alam kung ano ang sasabihin. Hinawakan Nina Julie at Tanya ang magkabilaan n'yang kamay sa gitna ng kaniyang pagku-kwento. Perehong minamasahe ng dalawa ang kaniyang kamay upang kahit papaano ay mapagaan ang kaniyang nararamdaman na hindi naman din nangyayari. "Wala na akong pamilya," sambit n'ya pagkatapos ng mahaba n'yang pagkwento. Sabay na sabay na ikinulong s'ya ng mga ito sa isang mahigpit na yakap. Ang yakap na hindi na inakalang kakailanganin n'ya pala. Mas napahagulhol s'ya habang nakayakap sa kaniya ang natatanging mga tao na tumuring sa kaniyang pamilya sa maraming taon. "Nandito pa kami, Carson, pamilya tayo, hindi ba?" "Huwag mong isipin na wala ka ng pamilya dahil tama si Polly, nandito kami, pamilya mo kami at sasamahan, dadamayan ka namin sa sakit na dinadala mo ngayon." "Hindi na nag-iisa, Carson at hindi ka mag-iisa. Gawin mo ang lahat nang gusto mong gawin na sa tingin mo ay makakapagpagaan ng nararamdaman mo, sasamahan ka namin sa kahit na ano." "Ate Carson, alam namin na hindi magiging madali ang pinagdadaanan mo at ang pagdadaanan mo. Just lean on us, kami muna ang lakas mo ngayon." "Tama silang apat, Carson. Alam namin kung gaano kasakit ang lahat nang ito sa 'yo pero hindi ka pwedeng mawalan ng pag-asang mabuhay." "Ang gusto ko lang ay hustisya," aniya at saka tiningnan ang mga kaibigan kaya umatras ang mga ito upang makatingin ng maayos sa kaniya. "Baka kapag nakuha ko na ang hustisya ay babalik sa ayos ang buhay ko at magkaroon ulit ako ng lakas at rason para magpatuloy sa buhay." "Kailangan mo ng abogado, mga mahuhusay na abogado. I will talk to my parents, they will help us," seryosong sabi ni Julie. Ang mga magulang nito ay parehong abogado na nagmamay-ari ng isang malaki at kilalang law firm sa NCR at sa buong bansa. "I can talk to my parents for some help as well," dagdag naman ni Lea. "Moral support lang ang maitutulong namin sa 'yo, Carson. Alam mo naman eh, sapat lang din at magsisimula pa lang," ani Sheina. "Huwag na muna, ngayon ay may kailangan muna akong gawin para mas maintindihan ko kung paano ang kilos ng mga tao sa probinsya namin. Kaya ako agad bumalik dito ay gusto kong papahingahin ang utak ko," seryosong sambit n'ya kahit na ang kaniyang luha ay hindi pa rin natatapos at tinutuyo n'ya ito gamit ang likod ng kaniyang kamay. "Sigurado ka?" Napatanga s'ya sa naging tanong na iyan ni Polly dahil maging s'ya sa sarili n'ya ay hindi sigurado. Hindi n'ya alam kung ano ang dapat gawin pero sa tingin n'ya ay hindi madaling kalaban ang mga Lopez kung ang nasa likod nila ay ang mga rebeldeng tinatawag na saviour. Tumango s'ya ng tipid. "Don't ever hesitate to ask me us for a help," saad ni Tanya kaya tumango s'yang muli. Nagpalipas s'ya ng tatlong araw sa Mosalla at nanatili lamang sa kaniyang apartment. Ngayon, sa mga sandaling ito ay tinatahak n'yang muli ang daan papasok sa lugar kung saan alam n'yang gugutayin muli ang kaniyang puso sa sakit. Kulang pa ang impormasyon na nalaman n'ya mula kay Yel Yel at sa kahit na sinong ibang tao pa rito Domago. Kailangan n'ya ng malawak na kaalaman patungkol sa mga tanong pumatay sa kaniyang buong pamilya nang sa ganoon ay malaman n'ya kung ano ang dapat gagawin. Magiging hindi taga Claribben ang mga abogado n'ya gaya ng pangakong tulong ng mga magulang ni Julie at hindi nila alam ang galaw sa probinsya. Madadala naman sa Mosalla ang kaso kaya lang hindi magiging madali gayong ang suspek ay mga taong hindi nakikita sa umaga at kalaban ng gobyerno. Agad s'yang sumakay ng habal-habal nang makababa ng bus at mabuti na lang ay may habal-habal pa. Kung bakit kasi hindi n'ya na lang ipinagbukas ang pagbyahe noong hindi n'ya inabutan ang first trip. "Hindi na kita maihahatid sa loob, miss ah, hanggang dito lang pwede ang mga taga labas na habal-habal eh," saad ng driver nang ihinto nito ang motor. "Ayos lang, manong, salamat." Wala nang kahit na anong tanong si Carson dahil kagaya noong una n'yang pag-uwi ay dito lang din s'ya ibinaba. Isang backpack lang naman ang dala n'ya at hindi gaanong puno kaya hindi s'ya nahirapan. Sinulyapan n'ya ang suot na relo at nakita n'yang alas 8 na ng gabi. Kung sa Mosalla ay maaga pa ang ganitong oras, dito sa probinsya ay tulog na karamihan. Mabuti na lang ay maliwanag ang daan at hindi patay ang kuryente. Agad s'yang kumatok sa bahay ni Aling Mierna. Sa kaniyang unang katok ay walang sumagot kaya inulit n'ya. Nang hindi pa rin s'ya pagbuksan ay huminga s'ya nang malalim. "Aling Mierna? Yel Yel, si Carson po ito." Nang banggitin n'ya ang kaniyang pangalan ay maya-maya lang ay bumukas ang pinto at iniluwas si Yel Yel. "Yel," Nanlaki ang mga mata ni Yel Yel ang nakitang si Carson sa labas ng kanilang bahay. Luminga-linga pa ito na para bang may hinahanap na kasama ng kaniyang ate Carson o ano man. "Ate Carson! Ano ang ginagawa mo rito? Anong oras na, bakit ka nanditoo? Hindi ba at bumalik ka na sa Mosalla noong nakaraang apat na araw? At isa pa bakit ganitong oras ka na pumarito? Delikado na, ate. Halika na nga, pumasok ka sa loob. Natutulog na si Nanay kaya bukas pa n'ya malalaman na narito ka. Teka, kumain ka na ba?" Mahabang sambit nito kaya tumango s'ya rito. "Kagabi ako lumuwas at kasi naiwan ako ng first trip kaya ang pang gabi na ang nasakyan ko. Pasensya ka na at dito ako dumiretso sa inyo, wala naman kasi akong ibang makatok dito," saad naman ni Carson sa mahinang boses. Nakangiting lumingon sa kaniya si Yel Yel, "ano ka ba, ate Carson. Wala namang kaso iyon. Noong umalis ka nga ay sinabi ni nanay na sana pinilit ka namin na manatili muna rito kahit mga ilang linggo lang." "Maraming salamat. Pasensya ka na rin naistorbo ko pa ang tulog mo," dagdag pa n'ya at saka ngumiti ng pilit. "Hindi pa naman ako natutulog dahil may tinatapos pa ako project sa school. Alas 8 na ng gabi at si nanay ay natutulog talaga 'yan ng alas 7." "Pasensya ka na ulit wala akong pasabi," aniya sa mahinang boses. "Walang problema, ate Carson. Nagulat lang kasi ako na bigla kang dumating. Sana tumawag ka para nahintay ni nanay ang pagdating mo at nasundo ka rin namin sa may labasan," sagot ni Yel Yel habang nililigpit ang mga papel nitong nakakalat sa mesa. "Bakit mo nililigpit ang mga papel mo, ang sabi mo hindi ka pa tapos sa ginagawa mo, hindi ba?" Nagtatakang tanong n'ya rito. "May bukas pa naman at saka maghahain ako ng makakain mo," nakangiting saad nito sa kaniya kaya agad n'yang pinigilan ang dalaga. "Huwag na, Yel Yel, busog pa naman ako, ayos lang ako," awat n'ya rito. "Sigurado ka ba? Sige. Ay teka, ihahanda ko lang ang kwarto ko para makapagpahinga ka na, doon na lang ako kay nanay tatabi." Wala na s'yang nagawa at sumunod na lang kay Yel Yel sa silid nito. "Salamat." Nginitian n'ya ito at matamis na ngiti rin ang binigay nito sa kaniya. "Ate Carson, sobrang nagulat talaga ako noong nakita kita. Alam mo bang delikado ang magpagala-gala rito kapag gabi na? Lalo ka na, hindi ka nila kilala kaya mas lalong delikado para sa 'yo. Mabuti na lang at ligtas ka. Wala bang kumausap o humarang sa 'yo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD