"Susubukan ko nang makatulog dahil magigising na naman ako ng maagang-maaga. Goodnight na inyong lima. I love you all."
Sheina: "We love you. Mag-iingat ka palagi."
Lea: "Don't let your guard down. We love you, ate Carson."
Tanya: "Goodnight Carson. Matulog ka ng mahimbing."
Julie: "Sleep well. Tomorrow is another day for the battle, condition your mind and body."
Polly: "Goodnight. We love you, ingat ka palagi."
Hindi n'ya na sinagot ang mga mensahe ng kaniyang mga kaibigan at pinatay na ang kaniyang cellphone. Ewan ba n'ya bakit parang hindi naman n'ya gusto ang magbabad sa cellphone.
Ginagamit n'ya lang ito upang magkaroon ng access sa internet sa mga bagay na gusto n'yang malaman.
Isinara n'ya ang binata bago nahiga. Ipinikit n'ya ang kaniyang mga mata at pinipilit ang sariling makatulog na hanggang sa nilamon na nga s'ya ng kadiliman.
"Ay!"
Naimulat ni Carson ang kaniyang mga mata nang marinig ang malakas na kalabog ng isang bagay na para bang nahulog.
"Naku, ate Carson. Pasensya na po nagising ko kayo. Pasensya na po talaga. Hindi ko po sinadya, nasira po kasi ang sabitan ng basket kaya bumagsak. Pasensya na po talaga." Natatarantang sambit nito nang makita nitong nagising s'ya.
Napasulyap s'ya sa oras sa relo n'yang ipinatong n'ya sa maliit na mesang nasa gilid ng higaan at nakita n'yang alas sais y medya na pala. Umaga na.
"Ayos lang. Umaga na rin pala, pasensya na nahuli ako ng gising," aniya at saka bumangon.