Chapter 23

218 Words
"Maraming salamat po, pero ayos na po ako sa bahay nila Aling Mierna. Mababait naman po sila ng anak n'ya at para hindi na rin po ako makakaabala sa inyo," sambit n'ya rito. Hindi nakatakas sa paningin n'ya kung paano gumuhit sa mukha ng kaniyang tiyahin ang pangungutyang tingin nito sa kaniya. Alam naman n'ya kung ano ang dahilan at kung bakit nito sinasabi ang mga sinasabi nito ngayon. "Lumipat ka roon sa bahay. Huwag kang makitira sa mga taong hindi mo naman kaano-ano." "Mabuting kaibigan po ng nanay ko si Aling Mierna kaya maayos lang po ako sa kanila. Kagaya nva po ng sabi ko po sa inyo, mabubuti po silang tao." "Yumabang ka naman yata, Carson. Hindi ka na marunong making sa akin ngayon? Tiyahin mo 'ko at wala ka nang pamilya. Kami na lang na mga tiyahin mo ang natitira mong kamag-anak kaya huwag matigas ang ulo mo at huwag kang magmalaki." Nagngangalit ang mga ngipin ni Carson dahil sa inis dahil sa mga binitawan nitong mga salita. "Maayos po akong nakipag-usap sa inyo. Hindi naman po ako nagmayabang, T'yang. Hindi na lang po talaga ako lilipat sa inyo dahil maayos naman ang kalagayan ko sa bahay ni Aling Mierna. Hindi rin po ako nagmamalaki," seryosong sagot n'ya rito. Kitang-kita n'ya kung paano ito umismid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD