"Nay, Tay, tanong klaseng pang-aalipusta ang natanggap ninyo mula sa mga taong dapat ay nasa likod ninyo palagi? Kanina nakita ko ang bahay ng pinsan ko at hindi naman na ako nagtataka sa nalaman ko mula kay Yel Yel," sambit n'ya habang nakatingala sa kalangitan sa gitna ng gabi mula sa bintana ng silid.
"Patawarin po ninyo ako sa pagiging pabaya kong anak. Pinapangako ko po sa ninyo, huhukayin ko sa lupa ang inilibing nilang katotohanan at ihahain ko sa mesa nila ang maling hustisya na sinasabi nila at ipapakain ko sa kanila."
"Sana kasama ko pa kayo, sana masaya tayo ngayon. Sana matutupad ko na ang pangarap ng mga kapatid ko na makapunta ng Mosalla at makapasok sa mall kagaya ng nakikita natin noon sa mga TV."
Natawa s'ya ng pagak nang punasan n'ya ang kaniyang mukhang nahulugan ng isang butil na luha. "Pasensya na po, pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak per 'eto ako, tumutulo ang luha."
Narinig ni Carson ang pagtunog ng cellphone n'yang nakapatong sa higaan kaya kinuha n'ya ito at nakita ang pangalan ng group chat nilang magkakaibigan. Hindi n'ya pa gamay ang pagamit ng facegram pero madali lang naman. Kasi