"Pasensya na," pabulong na saad nito. "Sa Mosalla rin ako nag-aral pero hindi man lang tayo nagkasalubong doon."
Tumingin s'ya rito habang nakangiti ang kaniyang mga labi pero alam n'yang hindi ang kaniyang mga mata.
"Masyadong malaki ang Mosalla, Anthony."
Natawa ito sa sinabi n'ya pero s'ya hindi. Hindi n'ya makuha kung alin sa sinabi n'ya ang nakakatawa.
"Ano ka ba, syempre, joke lang iyon. Pero saan ka ba sa Mosalla?"
"Sa Valuar," simpleng sagot n'ya at sa pagkakataon na ito ang kaniyang mga mata ay nakatuon na namang muli sa mga masasayang naliligo.
"Malayo nga naman. Sa Tomora ako eh," nakangising saad nito. Hindi n'ya alam kung ano ang isasagot n'ya rito kaya tumango na lamang s'ya.
"Alam mo ba uuwi ang karamihan sa mga kabarkada natin noong high school. May reunion tayo, sumama ka ah," anito kaya napatingin s'ya rito.
"Reunion?"
"Hmm." Tango nito. "Halos lahat nag-confirm na makakauwi at iyon din ang dahilan kung bakit umuwi ako, napaaga nga lang ang pag-uwi ko. Sasama ka ba? I will add your name in the list."
"Hindi na." Umiiling at walang pagdadalawang isip n'yang sagot.
"Bakit naman? For sure matutuwa ang mga kaibigan natin nakita ka nila. 4 years ago, may reunion din kaya lang kaunti lang nakauwi dahil medyo biglaan naman iyon. Ngayon kasi napaghandaan kaya nakahanda lahat," mahabang sabi nito.
"Hindi naman ako kasali sa pagplano at nakakahiya naman na bigla na lang akong sumulpot. Hindi na, huwag mo nang idagdag ang pangalan ko, ayos lang."
Muli n'yang ibinalik ang kaniyang paningin sa mga naliligo at nakita n'ya ang pagliligpit ng mga ito ng gamit. Malamang ay uuwi na ang pamilyang ito.
"Sayang naman kung hindi ka sasama. Ang tagal ka kaya naming hinanap pero wala talagang nakahanap kung nasaan ka. Na-miss ka na kaya ng barkada."
Hindi masyadong mataas ang tangkad ni Anthony sa kaniya kaya madali sa kan'ya ang tingnan ito sa mga mata.
"Ayos lang 'yon. Gano'n talaga. Ginugol ko kasi lahat ng oras ko sa trabaho at pao-aaral kaya wala