"Hindi ko akalain na babalik ka pa rito sa Domago."
Napalingon si Carson sa nagsasalita na nasa kaniyang likuran at maging si Anthony. Nang makita n'ya ang mataray na mukha ng kaniyang tiyahin ay napatingin s'ya kay Anthony na may pag-aalalang nakatingin naman sa kaniya.
"Ah. Carson, mauna na ako ah. Balitaan na lang kita. Excuse po, Aling Marites," sambit nito at hindi na s'ya nito hinintay na magsalita at tumalikod na agad ito nang makuha nito ang ibig sabihin ng kaniyang tingin.
"May kailangan po ba kayo sa akin?" Agad na tanong n'ya nang makalayo na si Anthony.
"Hindi ko alam kung ano pa ang ginagawa mo rito sa Domago. Saan ka tumutuloy? Wala na ang bahay ninyo, nasira na at matagal na," kunot-noong sambit nito.
"Bakit naman po hindi ako babalik dito? Dito pa rin po ako pinanganak at nagka-isip. Tahanan ko pa rin ho ang Domago," sagot n'ya rito sa isang kalmadong tono.
"Saan ka tumutuloy? Sa kanila ba ni Mierna?"
"Opo."
"Bakit ka sa kanila tumuloy? Bakit hindi ka roon na lang sa bahay? Kami ang pamilya mo, tiyahin mo 'ko at pamangkin kita. Naroon din ang iyong mga pinsan."
Ngumiti na lang ng tipid si Carson.