Chapter 3

1232 Words
"Miss, miss..." Naalimpungatan si Carson nang maramdaman n'ya ang bawat pino na pagtakip sa kaniyang balikat. Dahan-dahan n'yang binubuksan ang kaniyang mga mata at nakita n'ya ang kundoktor na nakatingin sa kaniya. "A-ano iyon?" Inaantok na tanong n'ya dito. "Nandito na tayo, ikaw na lang ang nandito sa loob ng bus." Agad n'yang iginala ang kaniyang paningin sa loob ng bus at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita na s'ya na nga lang mag-isa ang narito. Napatingin s'ya sa kundoktor at nakatingin din ito sa kaniya.  "Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" tanong n'ya dito sa seryosong boses kaya napayuko ito at umiling.  "Wala naman, iniisip ko lang kasi kung nakita na ba kita dito sa lugar na ito o kung naging pasahero ka namin sa bus. 6 years na kaming bumabyahe sa Mosalla at dito kami nakalagi sa Claribben pero parang hindi pa kita nakita. Kasi halos lahat ng mga pasahero namin ay pamilyar na ang mga mukha dahil halos lahat sila pabalik-balik na lang sa Mosalla," mahabang litanya ng isang ito. Inabot n'ya ang kaniyang bag sa taas at hinila ang kaniyang maleta na inilagay n'ya naman sa kaniyang may bandang paahan. "Taga rito ako, narito ang mga magulang ko." Wala na s'yang narinig na kahit na ano pang salita mula sa kundokto at agad na rin s'yang bumaba ng bus bitbit ang kaniyang dalawang bag. Tiningnan n'ya ang kaniyang pambisig na relo at nakita n'yang 29 hours ang naging byahe niya kasama na roon ang sa barko. Iginala n'ya ang kaniyang paningin at namangha s'ya sa laki ng pinagbago ng lugar. Kung noon sa pag-alis n'ya dito ay mga bahay kubo ang narito sa paligid, ngayon ay halos lahat ng bahay ay simentado na. Halos wala na s'yang nakitang kubo sa lugar. Bago s'ya babalik ng Mosalla ay maipapasemento n'ya na rin ang bahay ng kaniyang mga magulang. Mas inuna n'yang bigyan ng pansin at paglaanan iyon kahit na hindi naman malaki, ang importante lang ay iyong hindi agad masisira ng bagyo. "Saan kayo, miss?" Napatingin s'ya sa lalake na lumapit sa kaniya. "Sa Domago," sagot n'ya dito. "May sundo ba kayo? Kung wala ihatid ko na kayo sa habal-habal. Isang daan papunta roon," sagot naman nito. Alam n'ya ang bagay na ito dahil noon pa man ay ganito rin ang sinasakyan nila mula sa kanilang barangay papunta sa lungsod. Tumango s'ya at inabot sa lalake ang kaniyang maleta. May halos tatlumpong minuto rin ang tatakbuhin nila bago makarating sa bukana ng kanilang barangay.  "Kailan pa naging semento ang kalsada dito?" Tanong n'ya dahil sa pag-alis n'ya ay wala pang semento sa buong national road ng lungsod. Napuputikan pa ang buong kalsada at hindi pa ganito karami ang mga motor na dumadaan dito. Pero ngayon, napakaganda na ng kalsada at marami nang mga motor ang dumadaan, may mga sasakyan na rin na may mga apat na gulong.  "Matagal na rin, mga nasa lima o anim na taon na siguro. Matagal ka nang hindi naka-uwi siguro dito, miss 'no?" Dinig n'ya namang sagot ng driver. Ibang-iba ang probinsya sa siyudad dahil sa Mosalla, bawal ang sumakay sa motor nang walang suot na helmet. Samantalang dito sa kanila ay wala s'yang nakitang naka-helmet sa dami ng mga motor na nakakasalubong o nakakasabayan nila. Mas pinili n'yang hindi sagutin ang tanong ng lalake at pinagmasdan nalang ang mga bundok sa tabi ng daan. Marami na ang mga naglalakihan at nagagandahang mga bahay sa gilid ng kalsada.  Pakiramdam n'ya ay nasa ibang lugar na s'ya. Ibang-iba na ang lugar, malayong-malayo sa kaniyang kinalakihan, sa kaniyang kinagisnan. Nang makita n'ya ang malakingb "wecome Domago" ay agad na nagkamayaw ang kaniyang dibdib sa kaba.  Hindi n'ya na halos mahuli at masundan ang bawat pintig ng kaniyang dibdib dahil sa kaba. Hindi sa takt kung hindi sa excitemet na sa wakas pagkatapos ng siyam na taon ay makikita n'ya na ang kaniyang pamilya. Pagkatapos n'yang magtiis ng 9 na taon ay sa wakas, nakabalik na rin s'ya sa lugar kung saan nahubog ang kaniyang pagkatao. "Hanggang dito na lang po miss. Bawal na pong pumasok ang mga habal-habal na hindi tagarito sa mismong barangay," sambit ng lalake at saka itinigil ang motor nito sa lugar kung saan may mga motor din na tumigil at nakita n'ya ang isang babae na nakasakay n'ya kanina sa bus.  Hindi pamilyar sa kaniya ang mukha ng babae pero malamang ay taga-rito rin ito. Hindi n'ya na tinanong pa ang driver ng motor kung bakit at inabot na lamang n'ya ang isang daan na bayad n'ya dito. "Salamat, kuya," pasasalamat n'ya dito. "Salamat din po, miss at pasensya na rin kayo. Tulongan ko na po kayo maghila  ng maleta ninyo kahit hanggang doon lang may malaking tindahan," saad naman nito na agad n'yang tinaggihan. Sa paglalakad n'ya sa highway ay nakita n'ya ang mga malalaking bahay na kahit noon pa ay nakatayo na rito sa barangay nila. Karamihan sa mga nagmamay-ari ng mga ganitong bahay ay ang kanilang mag maestra at ilang mga professional na mga tao at ang ilan ay mga taong nagmamay-ari ng mga lupain sa lugar na ito. Ngunit bukod pa roon ay nakita n'ya rin ang mga bago sa paningin n'ya. Hindi n'ya alam kung sino-sino ang mga nagmamay-ari sa mga bahay na ito pero masaya s'ya sa para sa mga ito. Ibig sabihin lang noon ay bumabangon na ang kanilang barangay. Nalulungkot s'ya dahil sa mga bagong malalaking bahay na ito, hindi nabibilang ang bahay nila. "Carson? Ikaw na ba iyan?" Napalingon s'ya sa gilid nang marinig ang pangalan n'ya at nakita n'ya ang isang may edad na babae na nakatingin sa kaniya nang may kunot na noo na halos magpang-abot ang mga kilay. Agad n'yang nakilala ang matanda kahit na malaki ang itinanda nito noon sa pag-alis n'ya. "T'ya Maria, kamusta po kayo?" Nakangiting saad n'ya at saka nagmano sa matanda. "Kakarating mo lang ba? Ang tangkad mo na hija at sobrang gumanda ka. Kamusta ka na? Ang tagal ka namin na hindi nakita, hindi ko akalain na babalik ka pa sa lugar na ito pagkatapos ng mahabang panahon," saad nito sa isang malungkot na boses na nagpakunot sa kaniyang noo dahil sa pagtataka. "Opo naman po, bakit naman po hindi, dito po ang bahay ko, dito po ako ipinganak at nandito naman po sina mama at papa at maging ang mga kapatid ko kaya bakit naman po hindi." Dahan-dahan na nawala ang ngiti sa kaniyang mukha nang gumuhit sa mukha at mga mata ng matanda ang pagtataka at lungkot habang diretso itong nakatingin sa kaniya.  "Carson anak, hindi mo ba alam?" Nagtatakang tanong nito na halos bumulong na lang. "Hindi alam ang alin po?" Naguguluhan n'yang tanong dito habang ngumungiti ng pino na puno ng pagtataka. Napatakip ang matanda ng dalawang kamay nito sa kaniyang bibig na tila ba nakumpirma nito na hindi n'ya nga talaga alam ang kung ano ang sinasabi ng matanda. "Panginoon ko!" sambit nito kaya mas lalo s'yang naguguluhan at agad na nabuhay ang kaba na sobrang lakas sa kaniyang dibdib. "T-'ya Maria a-ano po ba ang sinasabi ninyo?" nauutal na saad niya. Hinawakan ng matanda ang kaniyang dalawang kamay at pinisil nito iyon nang may pag-iingat. At mas lumakas ang kaba sa kaniyang dibdib nang marinig n'ya ang sinabi ng matanda na para pang kayang guhuin ang kaniyang mundo.l "Matagal nang wala rito ang iyong buong pamilya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD