Chapter 22

290 Words
Kinuha ni Carson ang kaniyang cellphone at lumabas ng bahay. Wala s'yang makakausap dito dahil nasa simbahan pa ang mag-ina kaya naman ay napagpasyahan n'yang tumungo sa may tabing dagat. Mahigpit ang pakakahawak n'ya sa kaniyang cellphone lalo na noong sa bawat pagdaan n'ya sa mga kabahayan ay nakikita n'ya mula sa gilid ng kaniyang mga mata ang pagtingin ng mga kapitbahay sa kaniya. Alam n'yang usapan s'ya ng mga ito dahil noon pa man, bata pa lamang s'ya ay ganito na talaga ang mga matatanda rito sa kaniyang lugar. Lahat nang mga nangyayari ay binabantayan ng mga ito ay hindi na nila iyon nakakalimutan. Tahimik at seryoso ang kaniyang mukha habang naglalakad nang makita n'ya ang kumpol ng kaniyang mga kamag-anak na tila ba naliligo ng dagat at may dala pa ang mga itong baon. Bumagal ang kaniyang paghakbang habang nakatingin sa mga ito. Naglalaro sa kaniyang isipan kung paano ng mga ito ipinagkalulo ang kaniyang mga magulang at mga kapatid. Tumigil s'ya may bandang lilim na nagmumula sa isang puno ng niyog habang nakamasid lamang sa kaniyang mga kamag-anak. Hinding-hindi n'ya makakalimutan kung paano ng mga ito pinagtatawanan at itinanong ang kaniyang kakayahan noong pinagmalaki ng kaniyang tatay na pumasa s'ya sa scholarship sa Mosalla. Walang naniwala sa kanya bukod sa kaniyang pamilya. Walang ibang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na maging matapang bukod sa pamilya n'ya. Sila lang ang naniwala sa kaniya ngunit ninakaw ng mga mapang-abusong mga tao ang pagkakataon na masaksihan ng kaniyang mga magulang ang pagsisimula ng panibagong yugto ng kaniyang buhay. "Carson?" Napalingon si Carson nang marinig ang kaniyang pangalan. Nanlaki ang kaniyang mga mata at umawang ang kaniyang bibig nang makita n'ya kung sino ang narito sa kaniyang tabi. "Anthony?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD