Chapter 21

259 Words
"Ikaw nga!" Masayang sambit nito kaya napangiti rin s'ya ng tipid dahil sa naging reaksyon nito. "Sinabi ni ate kanina na parang nakita na raw n'yang dumaan sa bahay at dito ang direksyon mo kaya agad akong sumunod." "Gano'n ba? Hindi ko nakita ang ate mo," sagot n'ya. Malawak ang ngiti na nasa mukha ni Anthony at hindi alam ni Carson kung para saan at ano ang dahilan ng ngiting ito. Dati silang magkaibigan at nauna sa kaniya ng isang taon ang lalake sa sekondarya. Marami rin naman silang magkakaibigan noon, kaya lang hindi n'ya na alam kung nasaan ang karamihan sa kanila. Wala na rin naman kasi s'yang balita. "Nasa loob s'ya ng kwarto n'ya. Nasa may gilid kasi ng bintana n'ya ang daan kaya nakita ka n'ya. By the way, kamusta ka na?" Habang nakikinig sa sinasabi ng binata ay hindi naiiwasan ni Carson na pasimpleng tingnan ang mga naliligo. Nasa gilid ng malaking bato ang mga ito at ang direksyon na iyon ang pupuntahan n'ya. Bumuntong-hininga s'ya ng mahina bago tumingin pabalik sa lalake. "Kaya pala hindi ko s'ya napansin," aniya. "At saka maayos naman ako, sinusubukan ko." "Narinig ko ang nangyari noong nakaraang linggo. Nagulat ako noong naging maingay dito sa atin na narito ka raw. Wala naman na kasing nag-expect na darating o babalik ka pa ng Domago." "Pwede bang huwag nating pag-usapan ang bagay na iyan? Ayaw kong paulit-ulit na sinasabi ng kahit na sino 'yan sa tainga ko," seryosong sabi n'ya at agad naman itong tumahimik at tumingin sa kaniya ng seryoso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD